Simon
[Play: Tongue Tied – Faber Drive]
“Simon” -Kliara
“Hoy Beast!” - Kliara
“Sturgess!” - Kliara
“So, all this time you think minamanipula lang kita? Sana sinabi mo… kasi sa’kin hindi naman gano’n yun e. I wanted to help you. Oo, may plano din ako about Gwen, pero hindi lang naman yun ang ginagawa ko e. Akala ko, akala ko kasi nagiging friends na tayo kahit papano, which is why I am also helping you become a better version of yourself. I want you to be better, to do better, para if nag decide ka na gusto mong makasama si Gwen, he wouldn’t make you feel less of yourself. Because, I know deep inside you’re a good person.”
“Sorry, I made you feel that way. Don’t worry though Simon, that deal is over.” - Kliara
“AGGHHHHHH” napasigaw nalang ako sa sobrang frustrated ko sa lahat ng nangyari. Kahit anong yosi ko, hindi ako makalma. At kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko nung gabing kinausap ko si Kliara.
Sa totoo lang, hindi ko din alam kung anong pumasok ko sa isip ko at sinabi kong minamanipula niya ako. Siguro nga lasing na din ako noon kaya kung ano na lang ang binubuka ng bibig ko.
Noong gabing yun, hindi ko alam, pero bigla nalang akong nakaramdam ng inggit kay Vaughn. Oo, alam ko namang sila, pero pagkatapos sabihin ni Gwen sa’kin yung tungkol sa ex ni Kliara, ay hindi ko na alam kung kanino pa ako maniniwala. Hindi ko alam kung talagang kilalang-kilala ko na si Kliara, o kung hindi nagsasabi ng totoo si Gwen.
Totoong ayoko na talagang maipit sa sitwasyon ko kay Kliara at Gwen. Naisip ko kasi na matiwasa’y naman ang buhay ko noong hindi pa ako nagkikipag-kausap sa kung sino man sa kanila. Pero hindi pa rin dahilan yun para i-cancel ko ang kabutihan ng ibang tao. Napapaka-bobo ko dahil hindi ko naisip yung mga mabuting ginawa niya sa’kin. Tama naman talaga si Kliara, sa saglit na panahon na ‘yon, naging magkaibigan naman kami, team kumbaga.
Ngayong hindi na niya ako pinapansin, palagi kong hinahanap yung boses niya at pagsusungit niya sa’kin.
Hindi ako sigurado sa lahat ng bagay,
hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko,
pero,
alam kong hindi si Gwen ang gusto kong ligawan.
Ngayong araw na ‘to ang district meet. Nasa school bus na halos lahat dahil pupunta kami sa Opening at may konting paradang magaganap. Nasa labas pa ako dahil nagyoyosi ako, at nakita naman ako ni Sir Mike.
“Simoooon..” pagbabanta niya sakin. Bawal na kasing mga athlete na mag yosi para na rin hindi kami kapusin ng hininga tuwing game.
“Sorry po, Sir.” Paghingi ko nga dispensa. Pero siya man din ay nagsindi din at hiniram yung yosi ko para maki sindi.
“Salamat.” Sabi niya. “Last mo na yan ha.” Dagdag pa niya bago nag puff ng sigarilyo niya.
“Alam mo Simon, magaling ka e. Natutuwa ako na sumali ka sa team –”
“salamat sir” pasasalamat ko sa kanya dahil hindi ko naman alam na ganoon ang tingin niya sa’kin.
“Focus ka lang. H’wag mo munang isipin ang mga lovelife na yan.” Tinapik niya ang likod ko at pinatay na niya ang yosi niya. Sabay kaming sumampa sa bus.
Kliara
Pagkatapos ng short parade to remark the opening of the district meet, nag snack kaming mga marching band members sa malapit na burger stop at pagkatapos no’n, uuwi na dapat kami pero ang sabi ni Ms. Anji, at Mr. Dean, mga teachers namin, na tsaka nalang daw dahil kailangan ng mga mag-aasist sa mga athletes.
Hindi ko alam kung bakit palagi nalang kaming nagkakatagpo ng landas ni Simon, sa tuwing gusto ko siyang iwasan. Pero yun na nga, sa football match pa ako napunta kasama ang iba pang members ng marching band. First match yung team nila at kalaban nila yung taga ibang school. Mabuti nalang at marami namang ibang tiga-asikaso, kaya nag cheer nalang kami, kasama ko si Abi.
“Abi, hindi ba pupunta ngayon si Jefer?” I asked Abi. Boyfriend ni Abi si Jefer, pero graduate na si Jefer. Kaya hindi na sila masyadong nagkikita.
“Hindi daw siya sure eh, may trabaho na kasi siya.” Sagot niya sakin.
“Ahhhh sad naman. Miss mo na siya no?” tanong ko sa kanya. Football player din kasi si Jefer dati. Nakakatuwa dahil sobrang sweet nila dati, kapag may match sina Jefer, sinasamahan ko lagi si Abi para manuod. Pagkatapos ng match, magpipicture silang dalawa. Bagay na bagay talaga sila.
“Oo naman. Parang ayoko nga manuod ngayon eh, namimiss ko siya lalo.” Sagot niya ulit. Hindi nalang ako nag tanong ulit. Masaya ako na hanggang ngayon e sila pa rin. Hindi tulad ko at ni Jake.
Hindi athlete si Jake dati, he was more on acads like me kaya kasama ko siya sa mga Org. events lagi, pero marunong naman siyang mag basketball.
I don’t know what happened between Jake and I, maybe I wasn’t really what he wanted. I tend to be boring most of the time naman kasi, kaya siguro hindi niya siya nag bother na kausapin pa ako. But it’s okay. I don’t think of him as much now, and hindi na rin ako nasasaktan kapag pinag-uusapan siya.
“Goaaaaaaaaaaaaal!” natigil ako sa pag-mumuni muni nang nag sigawan ang lahat. Our Football team earned another, which means, they won and fight for champion na sila!!!!!!!
Nagyakapan yung football team at sa sobrang tuwa ay napatalon pa mula sa kinauupuan niya si Sir Mike. Hahahaha! Although, I still hate him, that he’s cheating on his wife and dating a minor.
Pinababa kaming mga marching band members na nandito sa taas, at sinabing kailangan daw naming mag perform ng showdown piece namin. It happens kapag nanalo ang team sa football.
So ayun, bumaba na kami at nong makababa na kami ay nakita ko nga si Simon na pawis na pawis. Alam kong napagod siya, pero masaya din siya. Napatingin din siya sa akin kaya na conscious nalang ako bigla kaya umiwas kaagad ako ng tingin.
Sobrang nahiya ako dahil nasa harap ko talaga siya at titig na titig siya sa’kin. Hindi ko alam pero mas malakas pa yata ang kabog ng dibdib ko sa titig niya kaysa sa drum rolls and beats. Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya?
Nang matapos kami ay nag lunch muna kaming lahat. Inaya kami ni Sir Mike kasama ang team niya na mag lunch together dahil libre naman yun ng school. Nag lunch lang kami sa foodcourt ng municipal hall dahil doon, walang masyadong tao at punuan na rin kasi sa iba pang kainan. Pagkatapos ng lunch ay bumalik din kami sa field, pero bago yun ay nagbihis na din kaming mga band members ng Type B na uniform namin.
Bandang 4pm, sinimulan na ang Match ng football team ng school namin laban sa football team ng kabilang school. Halos every year ay sila ang nananalo kaya alam kong magiging mahirap ang match ngayon.
We watched the game closely, at sobrang tagal bago naka goal. The opposite team scored the first goal. If they scored again automatically, sila na ang champion.
But, hindi kami nagpatalo. Our school scored the second goal just a just a few minutes bago mag half time. Sobrang saya!
30 mins later, they were back in the game. Magkakaalaman na kung sino ang makakapunta sa Div- Meet.
Kahit hindi na kami friends ni Simon, I’m still quite happy that he chose to stay sa football team. I’m happy that he found more friends sa team nila, and I am happy for the things na ginagawa niya ngayon. He is one of the names bringing pride to our school. I also think masaya naman siya, I think he found passion in the game as well. He deserves it. He deserves all the credit because he worked so hard para makapaglaro ngayon sa match na to.
Nag time out muna sila at wala nang masyadong nag stay kaya kami na ngayon nila Abi ang nagbibigay ng maiinom nila pati pampunas. Lumapit si Simon sakin.
“Water?” I offered him. Tinanggap niya naman. Nakaupo lang ako, at nagulat ako dahil umupo din siya, pero sa tabi ko siya umupo. Hindi kami nag imikan, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako mapakali, at ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Nung magre-resume na ang match ay tsaka lang siya nagsalita.
“Sorry sa mga nasabi ko sayo, Marie.” Ito ang sinabi niya at tumayo na para bumalik sa field. Napatingin ako sa kanya dahil doon, at hanggang sa nagsimula ang laro ay nakatingin lang ako sa kanya.
I think that was the second time that he called me by that name.
I don’t often reveal my first name to anyone. Anyone except my classmates and teachers, ofcourse. They would know because they were able to see my papers. But on regular quizzes and tests, hindi ko talaga sinasama yung second name ko kasi nahihiya ako. Because it sounds like, or it translates as Maria Kliara or, Maria Klara. And I used to be so ashamed whenever they teased me na Maria Klara raw ako.
But this time, I couldn’t believe,
parang nagdidiwang ang puso ko nang banggitin niya ‘yon.
“Marie Kliara Philene, umayos ka.” Bulong ko sa sarili ko bago ako nag focus ulit sa panonood ng match.