Kliara
“Kliara, tignan mo si Simon, parang ansama ng tingin sa’yo. HAHAHA” sabi ni Vaughn sa akin.
“Ewan ko sa’yo Vaughn, ganyan lang naman siya tumingin sa lahat ah.” Sagot ko kay Vaughn dahil nasa harap naming si Simon at katabi pa niya si Gwen. Medyo natuwa naman ako dahil gumagalaw na siya kay Gwen.
“Tingin ng tingin sa’yo oh, hindi ka ba kinikilig?” pangungulit pa niya. Mamula-mula na si Vaughn kaya tingin ko ay tipsy na rin siya. Maging ako rin naman. Patay talaga ako kay kuya nito. Buti na lang at Saturday bukas.
“Tumigil ka nga,” kinurot ko siya sa tagiliran at ginawa niya rin yon sa akin.
“Huy, harutan kayo ng harutan jan, magsitigil nga kayo.” Sinita kami ng lasing na na si El. “Kliara, ang cute mo talaga.” Sinabi pa niya ng maharap siya sa akin. “Pa kiss nga.” Dagdag pa niya.
“Ew, Bee.” Tumawa lang siya at hindi naman ako hinalikan. Bee ang tawag namin sa isa’t-isa dahil parehas naman kaming Queen Bee.
Nag tuloy-tuloy pa ang spin the bottle, hanggang sa natapat ito kay Gwen.
“OYYYYYYYY!” napasigaw si El. HAHAHA
“Gwen, truth or dare?” tanong ni El.
“Uhm, dare?” sabi ni Gwen. Psh.
“Make out, make out, make out!” cheer ng iba pang kasali sa game. Hays, mga lasing na nga sila. Ang iba ay naghahalikan kahit nasa harap ng maraming tao.
“Pssshh, guys wait lang. Wag kayong excited.” Sabi ni El.
“Gwen, I dare you—dini-dare ka namin, na e kiss kung sino ang matapat ng bote na ‘to.” Sinabi ni El, pinaikot niya ulit ang bote at natapat ito kay Vaughn.
“Hahahahaha! Vaughn! Yari ka kay Gwen ngayon.” Sabi ni El, inaasar naman nila Jes at Drake si Vaughn.
Napa face palm nalang si Vaughn. I know it’d be awkward with him because they’ve been classmates since grade school. It’s almost like magkapatid na sila since they’ve known each other all their lives. Ngumiti na lang ako kay Vaughn to encourage him. Dare lang naman eh.
Si Gwen naman ay sinabing sa cheeks nalang daw. Pumayag doon si El, but others were booing them.
I sure didn’t forget Simon was there, katabi ni Gwen. Tiningnan ko siya kung ano ang magiging reaksyon niya doon, pero, nakatingin din siya sa’kin.
“Queen, okay lang ba?” biglang tanong ni Gwen sa akin. Natahimik naman ang lahat.
WHAT?! I didn’t get what she meant by that first but their reaction says everything.
“Oh God! It’s not what you’re thinking. Please, just go on.” I told her, dahil iba na ang naiisip ng ibang tao. Ugh! Why is she always making a story?
When the tension has been dismissed ay napatingin ako kay Simon dahil seryosong-seryoso siya na nakatingin sa akin. The people around were chanting Gwen’s name kaya ginawa na niya ito. While Gwen was kissing Vaughn’s face, nagkatinginan lang kami ni Simon. I wanna see his reaction, but he wasn’t even looking at them, at hindi ko alam bakit sa akin naka-fix ang tingin niya.
“EYYYYYY!” reaction ni El nang magawa na ang dare. “Okay, proceed tayo.”
As soon as Gwen got back to her seat, tiningnan niya ako, but I just dismissed her meaningful stares at me and nilingon ko si Vaughn na umiiling. Natawa ako sa kanya.
“Ang weird mo Vaughn.” Sinabi ko sa kanya dahil bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa ginawa sa kanya. Well, he totally did not. I know Vaughn and he doesn’t like this attention he’s getting.
“Hey! Hahahaha It’s okay man, that happens.” I comforted him habang natatawa. “Big boy ka na” dagdag ko at tiningnan niya lang ako ng masama, sabay sabi ng “tangina mo!”
Simon
Habang hinahalikan ni Gwen sa pisngi si Vaughn ay tinitignan ko si Klara dahil curious ako kung paano siya mag selos. Syempre, nagulat din ako na pumapayag siyang halikan ang syota niya. Ganon ba nila kagustong itago ang relasyon nila? Obvious na obvious naman na, ba’t di pa nila aminin?
Paglapit ni Gwen kay Vaughn ay tinignan ko si Kliara, pero imbes na doon siya tumingin ay nakatingin din siya sa akin. O baka ayaw niya lang tignan para hindi mahalatang nagseselos siya? Hahaha. Iba din ‘tong babaeng to. Naisip ko habang nag titinginan kami, pero hanggang natapos niya ay wala siyang pinakitang kahit anong mahinang reaksyon.
Pagka-upo ni Gwen, nagtitigan din silang dalawa ni Kliara pero walang ginawa si Kliara sa kanya, at binaling lang ang attention kay Vaughn at tinatawanan pa niya ito. Kanina pa sila kulitan ng kulitan. Psh!
“Kilala mo ba si Jake? Yung boyfriend ni Kliara?” biglaang tanong ni Gwen sa akin. Jake? BOYFRIEND?
“—well, I’m not sure kung sila pa rin, nagkita kasi kami ng bestfriend ni Tom, tapos sabi niya na parang nag break na sila. And feeling ko si Vaughn ang dahilan no’n.” bulong sa akin ni Gwen. “Halata naman na gustong-gusto niya si Vaughn, diba?”
Hindi ko alam kung bakit sinasabi ni Gwen sa akin ang mga bagay na iyon, pero naalala ko yung sinabi ni Klarra noong nagkausap sila ni Gwen no’ng try-out ko.”
{Back story
Kliara: “Buti hindi ka nahuli ng boyfriend mo na kasama mo pala si Jake?”
End}
Ibig sabihin ba no’n bestfriend lang ni Jake yung kasama niya no’n at hindi talaga si Jake? Gawa-gawa lang ba niya yung sinabi niya kay Kliara noon?
“Bakit mo sinasabi sa akin yan?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang, hindi ba pwedeng e share ko lang? Classmate mo siya eh, dapat makilala mo siya.” giit niya.
“Wala akong pakialam sa storya nila. Tsaka akala ko ba wala kayong alitan ni Kliara, ba’t parang hindi maganda ang sinasabi mo tungkol sa kanya? May ginawa ba siya sayo?” sinabi ko para matigil na siya.
“Ang KJ mo naman, sige na nga, hindi na.” sabi niya sakin. Hindi ko na siya pinansin pagkatapos no’n.
Matapos ang ilang minuto na pagkakaupo namin doon, natapat naman sa akin ang bote.
“TRUTH OR DARE.” Tanong nila.
“Truth na lang.” sabi ko dahil alam ko naman na wala silang alam na mga sikreto ko.
Kliara
“TRUTH” Simon said no’ng sa kanya itanong kung truth or dare.
“Anong magandang itanong jan kay Simon?” bulong sa akin ni El. “classmate mo siya diba?” dagdag pa niya at tumango lang ako. Wala akong maisagot kay El, pero mabuti na lang at may nagtanong na instead of El.
“Kayo ba ni Gwen?” tanong ng isang alam ko ay senior ko din.
“UUUUUUYYYYYYY.” reaksyon ng iba.
This is your chance, Simon. Confess to everyone that you’re courting her.
I gave him a meaningful stare, asking him to make the move. But when he caught my eye, he looked away instead. What the?!
Hindi parin sumasagot si Simon kaya naghihintay pa rin sila sa sasabihin niya.
“Hindi ko siya girlfriend,” Sabi ni Simon at nag walk-out bigla.
Nagulat naman ang lahat. LALO NAMAN AKO. AT LALONG-LALO NA DIN SI GWEN. Even if I don’t usually like her guts, naawa pa rin ako sa kanya because I felt her embarrassment.
Saktong pag labas ni Simon ay tumawag naman ang Kuya ko at pina-uuwi na ako.
“Vaughn. I need to go home.” I told Vaughn because he agreed to take me home if wala pa din si Axl. Nagpaalam na din ako kay El na sure akong lasing na talaga sa dami ng dare na nag pass siya.
Paglabas namin ni Vaughn ay nakita naman namin si Simon sa labas.
“Kliara, pwede ba kitang makausap.” Simon asked me.
I looked at Vaughn and mukhang payag naman siya. Simon looked a bit hurt. I don’t know why though. Nagpaalam si Vaughn na kukunin lang yung susi niya ng motor niya para makapag-usap kami ni Simon.
“Ano yun, Simon? Why did you walk out there? And why would you say that to Gwen” I told him kahit hindi ko pa alam kung anong gusto niyang pag-usapan.
“Pwede bang itigil na natin to Kliara.” Bigla niyang nasabi. “Ayoko na, hindi ko liligawan si Gwen, dahil lang gusto mo. At wala akong balak na ligawan pa siya ulit. Kung gusto mo siyang tulungan, kausapin mo siya. Hindi ko alam kung bakit ako pumapayag na paglaruan niyo akong dalawa, pero tama na. Ayoko ng maipit sa gulo niyong dalawa.” Reklamo niya sakin pero nakikita sa mga mata niyang seryoso siya sa mga sinasabi niya in which nasasaktan ako.
“I don’t know what you did to me. Bakit pumapayag ako sa mga paraan mo. Pero, may sariling damdamin din naman ako. H’wag mo na akong manipulahin.” Dagdag pa niya.
Bakit ang sakit sakit niya magsalita ngayon? Kanina naman okay kami ah. Where did he get the idea that I am just using him?
Nahihirapan akong magsalita pero pinilit ko. “So, all this time you think minamanipula lang kita?” I asked him. “Sana sinabi mo… kasi sa’kin hindi naman gano’n yun e. I wanted to help you. Oo, may plano din ako about Gwen, pero hindi lang naman yun ang ginagawa ko e. Akala ko, akala ko kasi nagiging friends na tayo kahit papano, which is why I am also helping you become a better version of yourself. I want you to be better, to do better, para if nag decide ka na gusto mong makasama si Gwen, he wouldn’t make you feel less of yourself. Because, I know deep inside you’re a good person.” Sinabi ko.
These past few days, I know what I was doing was not always because of our plans to break up Gwen and Sir Mike. I can’t tell exactly why I am making so much effort for him, but I just feel like if I help him, then people’s ideas of him might change and they’ll see something about him that I see.
Honestly, I see a good person inside. I see someone who can’t express his feelings too well, he just diverts his attention to something else. I see a misjudged person. I see a broken person inside.
Mukhang wala naman siyang balak na sumagot o ano, kaya tinuloy ko nalang. “Sorry, I made you feel that way. Don’t worry though Simon, that deal is over.” I told him, at hindi ko namalayan na may tumutulo palang luha sa mata ko.
Naglakad ako papalabas ng gate while wiping that tear on my face. I can’t deny that it hurts me too, kasi everytime nalang na may gagawin ako, palaging mali, palaging na mimis-interpret ng ibang tao. They don’t see the depth of it. Gusto ko lang naman makatulong.
“Ang bilis mo naman maglakad. Tumawag ba ulit kuya mo?” hingal na sabi ni Vaughn sakin nang makahabol siya sakin. I just nodded.
“Okay, hatid na kita.” Sabi niya at umalis na kami para ihatid niya ako. The whole ride wala akong imik, which may have lead Vaughn to think something was wrong.
“Inaway ka ba nung Simon?” he asked. I shook my head to tell him, he didn’t. Hindi na siya nag tanong ulit. I feel bad but right now, I don’t feel opening up to him. Siguro bukas ko na lang e-explain sa kanya.
Nakauwi naman ako ng bahay ng safe and I thanked my bestfriend for sending me home. I’m so lucky that I have a bestfriend like him that I can really feel comfortable at hindi ako pinapabayaan. Sana nga katulad na lang ni Vaughn yung ibang boys sa mundo.
The next week, after that conversation with Simon, I thought he was going to quit football because the deal was over anyway and ako naman ang nagpumilit na sumali siya do’n, but he didn’t. In fact, nagpa-practice sila ng malala, because, soon ay district meet na ng mga athletes from different schools in our town. It’s a good thing for me na busy siya because I got shy that he saw me crying in front of him. Maybe it was the alcohol, kahit hindi naman ako masyadong uminom, BASTA! All I know is, I don’t want to see him.