Chapter One: Episode 8

2964 Words
Simon Kakatapos lang namin ng football practice. Isang buwan na simula na ng pinag try-out ako ni Kliara dito. Sobrang nakakapanibago, pero nag-e-enjoy naman ako. “Simon.” Nagulat ako dahil may biglang tumambad sa harap ko habang nagbibihis ako. “Gwen.” Sabi ko nang makita ko kung sino ang babaeng nanggulat sa akin. “Ba’t gulat na gulat ka dyan.” Sabi niya sakin. “You ready to go?” Isang linggo na simula no’ng araw nang event pero umaaligid pa rin si Gwen sakin. Noong tinanong niya ako kung gusto ko siya ay wala naman akong isinagot. Pero pagkatapos no’n ay hindi na siya nawala sa paligid ko. “Sorry, mamaya na siguro ako. Antayin ko pa kapatid ko.” Sagot ko sa kanya. Nitong nakaraang linggo kasi ay palagi niya akong hinihintay na matapos sa practice at sumasabay siya sakin palabas ng gate. Minsan pa ay hinatid ko na siya dahil gabi na kami natapos sa practice. “Ahh. Anyway, pupunta ka ba sa party ni Dwight mamayang gabi?” tanong niya sa akin. “Hindi ko pa alam. Bakit?” tanong ko. Bakit bigla siyang magtatanong kung pupunta ako sa party. “Balak ko sanang pumunta eh, kaso, wala akong kasama, hindi kasi makakasama si Lovely. Baka lang naman pwede mo akong sunduin sa amin? Hehe” pagpapa-cute pa niya. “Tingnan ko, pero wag ka munang mag expect.” Sinabi ko sa kanya. “Sige, text mo ‘ko ha.” Ngumiti siya sa akin, at umalis na din. “Pre—” lumapit si Daniel sa akin at inakbayan ako. “Lakas mo ah, football player ka na ngayon ha” pagbibiro niya sa akin. Tinawanan ko lang siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko ‘to. Noong makapasok ako sa try-out, kinabukasan ay sinabi ni CJ, yung kaklase namin na may uniform na daw ako at kunin ko na lang daw kay Sir Mike. Nagtanong ako kay Sir kung kanino galing yung pinangbayad, dahil wala naman akong sinabi kay William o sa mama ko, pero ang sabi ni Sir ay anonymous donation daw yun mula sa Student Council. Hindi na ako nagtaka pa pagkatapos no’n. Si Kliara yung anonymous panigurado. Hindi ko na medyo nakakasama yung mga kaibigan ko dahil panay ang practice ako para dun sa nakaraang buwan ng wika at tsaka ngayong linggo naman sa football dahil may district meet na paparating. Nagkamustahan kami ni Daniel at nag-kwento ako ng mga ginagawa namin sa football kako ay sumali din siya pero tinawanan lang ako ng gago. Tyempong pagka-alis namin sa field at nasa gate na kami ay nakita ko naman si Kliara. Tumigil ako saglit at napangiti ako dahil hindi niya malabas ang motor niya sa parking. “Masama yan tol.” Sabi ni Daniel sa akin. Hindi ko napansin na kasama ko pala ‘tong isang to. “May crush ka jan kay Del Valle no?” pang-aasar na naman niya. “Gago ka pre, wala no. Ang sungit nga nyan eh.” Sabi ko. “Parehas lang kayo. Bagay kayo.” Sagot niya naman sakin. Hindi ko na siya pinansin at nauna na akong papuntang parking lot. Humabol naman siya sa’kin. “Punta tayo mamaya ha.” Pang-iimbita niya sakin. Alam kong sa party ni Dwight ang ibig niyang sabihin. Nasa parking lot na kami at nakita na kami ni Kliara. “Inimbita nga ako ni GWEN eh, tang-ina , gagawin pa akong driver. Sunduin ko daw siya sa kanila, eh ang layo-layo nun sa amin.” Talagang diniinan ko ang pagsambit ng pangalan ni Gwen para marinig yun ni Kliara, at nang maalala niyang pinasok niya ako sa football team para sa misyon na pinaplano niya. Mukhang nakakalimot na eh. Nagtagumpay naman ako dahil napatingin siya kaagad nang marinig ang mga sinabi ko kay Daniel. “Bobo, wag mo nang sunduin yon, buti kung si Kliara yun, mapapa full tank ka pa sa gas. Diba Kliara?” pang-aasar na naman ni Daniel sa inosenteng si Kliara. Kung sino-sino nalang talaga ang inaasar niya. “Bakit hindi mo kaya pagalawin yang motor dyan para matuwa naman ako sa’yo Dan.” Sagot ni Kliara sa kanya. “Sorry ma’am.” Sabi naman ni Dan na pabiro pa rin at tinulungan na si Kliara para makaatras ang motorsiklo nito. Kinuha ko na rin yung sakin na naka-park malapit sa kanya. Nang magkalapit kami ni Kliara ay, tumitig siya sakin, halatang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa dahil nandoon si Daniel. “Dan, may yosi ka pa jan? Pahingi naman oh.” Tanong ko kay Dan. “Ngayon ka pa talaga manghihingi. Maya nalang, magkikita naman tayo mamaya eh.” “Bili ka na. Maya na tayo umuwi. Hintayin ko pa si William eh.” Sabi ko sa kanya. Umalis na ito para ibili ako ng yosi. “Ano.” Sabi ko sa babaeng masungit na naghihintay na umalis si Daniel. “Are you for real? Why won’t you fetch Gwen at her place?” sabi niya sakin. “Do your job Simon.” “Wow! Ako pa bang hindi gumagawa ng parte ko. Ikaw nga jan yung hindi na tumutulong sakin eh.” Sumbat ko sa kanya. Hindi ko alam pero naiinis ako na hindi na niya ako ginugulo. Napansin kong bigla siyang nag mukhang guilty pero hindi niya pinahalata at nagtaray ulit. “Whatever. Busy ako.” Sabi niya sakin at pinaandar na yung scooter niya. “Sandali.” Pigil ko. Tiningnan niya naman ako. “Hindi ka ba pupunta sa party ni Dwight?” tanong ko. Matagal bago siya nakasagot. “I’ll be there and I’ll be watching you so do your job as her boyfriend who really cares about her.” Sinabi niya at umalis na. Boyfriend? Pinagsasabi no’n? Kliara Alas 8 ng gabi nang makarating kami sa party ni Dwight and El. They are twins. Si El ay senior ko pero close kami. Si El ang marching band master namin, she is good in Badminton also, at siya ang nanalong Queen Bee ng school bago ako. Si Dwight naman ay ang complete opposite ng kakambal niya. He’s really pasaway in school, kaya siguro magka-tropa sila ni Simon. Lol. Papunta dito ay kasabay ko si Axel. Pinayagan naman kaming dalawa, but Axel went to her boyfriend instead at nakiusap na dalhin pa yung scooter ko. So I just let her be. That girl will always grab any chance she gets to see her boyfriend and it’s fine by me, as long as she’s being careful. “Beeee. Hi! I’m so glad you made it!” bati ni El saakin ng makita niya ako. “Where’s Axel and Abi?” she asked me. “Ang alam ko si Axel kasama niya boyfriend niya ang they’ll probably be here later, and si Abi naman, still not sure kung papayagan ng parents niya.” Explain ko sa kanya. Hays, I miss the girls. Parang kami lang yata ni Axel ang hindi strict ang parents. Cause they’re not around lol “Alright, alright, anyway, sorry I didn’t expect it to be this crowded. Come on I’ll show you around.” Sabi niya sa’kin. Halos hindi na nga kami magkarinigan dahil sa music at sa dami ng tao from different sections sa school at ibang hindi ko pa kilala. She toured me around her house at pinakilala sa iba pang friends niya na hindi taga-school namin. She offered me a drink pero tumanggi ako. Vaughn is also here with Drake and Jess, dahil kalaro nila sa basketball si Dwight. “Oh my God, I need to breathe. Lika, sa labas na muna tayo.” Sabi ni El sa akin, I know she is tipsy na rin. El is really my idol. Sobrang cool niya at marami siyang friends. Two things na hindi ko masyadong magawa. Nasa may terrace kami malapit sa pool at entrance ng bahay nila. Pagdating namin doon ay tsaka namang pagdating ni Simon, Daniel at isa pang batchmate ko. Nandoon din si Dwight sa labas kaya nakita niya agad ang mga kaibigan niya. Lasing na siya. Lumapit siya kina Daniel at Simon kahit basa ang hubad niyang katawan at pinagyayakap niya sila. Nagreklamo ang tatlo dahil nababasa daw sila, pero imbis na matigil si Dwight, sa halip ay dinala niya ang tatlo sa pool at isa isa silang tinulak doon. Nagulat din ako, pero natawa na din sa trip nitong si Dwight. Agad naman na umahon si Simon at mga kasama niya. Pagka-ahon ni Simon ay naghubad siya ng t-shirt at jacket niyang basang-basa na. While he was doing that, he glanced towards me and he suddenly smiled at me. It was a genuine smile. My heart skipped a beat when I saw him smile. That damn smile. Hindi ko namalayan na naka smile na din pala ako sa kanya. Oh God! What am I doing? Tinawag ako ni El para tulungan siyang kunin ang towel para ibigay kina Simon. I followed her while scolding myself for smiling like that. Nang lumapit na kami para ibigay ang towel ay tsaka ko naalala yung sinabi ni Simon kay Daniel earlier this afternoon about Gwen. “Where’s Gwen?” I whispered to Simon. “Hindi ko alam.” Sagot niya. “Wala ba dito?” dagdag niya pa. “Akala ko ba susunduin mo” I told him. “Wala akong sinabing ganon ha, ikaw lang nagsabi na sunduin ko siya pero hindi ako pumayag.” Deny pa niya. “Unbelievable! Bakit hindi mo siya sinundo sa kanila?” sabi ko pa. We’re actually whispering or talking in low voices para hindi marinig ng ibang nandoon. “Wala naman siyang binigay na pang-gas ko ah, ba’t ko siya susunduin.” Reklamo pa niya. “Malamang, kasi gusto mo siyang maging girlfriend.” Ugh. He’s frustrating. “I’m sure marami namang willing na sunduin siya.” Sinabi niya sa akin. “Ayan na nga oh, speaking of.” Sinabi niya sa akin habang nakatingin sa likod ko. I turned back and nando’n na nga si Gwen. Simon smirked. “Fine, but you better stick to her. I’m watching you, Sturgess.” I told Simon and went back to the house. Hinanap ko sila Vaughn, Jes at Drake at agad ko naman silang nakita sa sala na busy sa paglalaro ng Uno. Nakilaro na lang din ako sa kanila hanggang sa nakita ko si Simon na pumasok, at hindi nagtagal ay nakita ko din si Gwen na sumunod at nilapitan siya. Nakikipaglaro pa din ako kina Vaughn pero sumisilip din ako kay Simon nang kausapin siya ni Gwen. I can’t hear what they’re talking about though dahil malayo lang naman sila. Nang makita ng mga boys na kasama ko na may tinitingnan ako ay na curious din sila. “Hmm, si Gwen ba at si Simon?” tanong ni Drake. Dahilan para tingnan naming apat silang dalawa. “Nope.” I said out of the blue. Nabigla din ako sa sinagot ko, at nahalata yun ni Vaughn kaya mahina niya akong sinundot sa tagiliran ko. “Uy, ba’t mo alam, Kley, close mo ba si Simon?” asar ni Jes sa akin. Tumawa nalang ako, pero alam kong plastic ang naging tunog no’n. “Hindi ah” pag dedeny ko pa. Inaasar-asar pa nila ako bago sila tumigil. Pero si Vaughn ang ayaw tumigil kakaasar sa akin. Habang nag lalaro kami ay panay ang bulong niya sa akin kesyo gusto ko ba daw si Simon. No way! There’s no way na magustuhan ko si Simon. Even if they say he’s 100 percent better now, than the Simon we used to know, I’ll never fall for him! Simon Nakaka dalawang bote na ako ng beer, at naiihi ako kaya umalis muna ako doon sa may pool para hanapin ang cr. Nandoon din si Gwen sa grupo namin, kasama ang mga kaibigan niya, at dahil medyo naiirita ako sa mga kaibigan niya, ay baka umuwi na din ako maya-maya. Pumasok na ako sa bahay para hanapin ang CR. Marami ring tao sa loob. Ilan sa kanila ay mga batch namin at batch ni Dwight at ng kambal niyang si El at iba pang mga kaedad ko rin na nag-aaral sa ibang eskwelahan. “Simon,” napatingin ako sa likod ko dahil sumunod pala sa akin si Gwen. “- sa’n ka pupunta.” Tanong niya sa akin. Kahit nandoon siya kanina ay hindi din naman kami nag-uusap, kaya nabigla din ako na sumunod siya sa akin. “iihi ako, ba’t mo ko sinundan?” tanong ko sa kanya. “Wala lang, akala ko kasi hindi ka na babalik doon. Bakit hindi mo ako sinundo kanina?” tanong niya sakin. “Saglit lang Gwen, ihing-ihi na talaga ako, mamaya na lang ha.” Paghingi ko ng umanhin, paglampas ko naman kay Gwen ay nakita ko si Kliara kasama sila Jes, Drake at Vaughn sa may sala. Magkatabi si Kliara at Vaughn, habang nasa harapan naman nila si Jes at Drake. Pagkalabas ko mula CR ay andon parin sila. Nakita ko pang nagkukulitan si Kliara at Vaughn, at nagtatawanan, bago ako lumabas doon. Tsk. I’m watching you pala ha. Babalik na sana sa inuman, ngunit may biglang pumigil sa akin sa may pintuan. “Simon,” si Gwen. “Oh, Gwen, ba’t di ka pa bumalik do’n?” tanong ko sa kanya. “Hinihintay kita.” Sagot niya. “Ang boring ng party, tsaka wala akong masyadong makausap.” Sinabi niya sakin, “tingnan mo nga oh, busy yung mga kaibigan ko sa mga kaibigan mo.” Dagdag pa niya habang nakatingin kami doon sa mga kaibigan niya na nag-iinom kasama sila Dwight. Hindi na lang ako nagsalita at hinintay ko siyang payagan ako na lumakad na papunta sa mga kaibigan ko. Pero sa halip ay kinuha’t hinawakan niya ang kamay ko. “Simon, I’m sorry sa ginawa ko sa’yo dati. I know nasaktan kita. Sorry naging sobrang harsh ko.” Sabi niya sakin habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya sa mga mata niya at mukhang sincere naman siya do’n. Ngumiti lang ako tsaka ko inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. “Okay lang yun.” Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko. “Pwede pa naman tayong magsimula ulit right?” tanong niya sa akin. Naguluhan ako sa sinabi niyang simula ulit at parang nakuha niya naman kaya inulit niya ang sinabi niya. “I mean, as friends.” Sabi niya. Masaya ako na nag-sorry at alam ni Gwen yung naging mali niya dati. At hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit nabasted ako, pero masyadong masakit yung ginawa niya para gustuhin kong maging kaibigan pa siya. Kung hindi dahil sa pina-plano ni Kliara ay wala na rin naman akong planong lapitan pa siya. Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung ano ‘tong pinapasok ko. Gusto ko din namang tumulong kay Gwen, pero, paano kung, hindi ko naman na siya gusto? “Simon,” tawag ni Gwen sa akin ulit. Hindi ko namalayan ang iba pa niyang sinabi dahil sa pinag-iisip ko. “ayaw mo na ba akong maging kaibigan?” tanong ni Gwen. “Ha? Ah.. pasensya na, hindi naman sa ganon.” Sagot ko sa kanya. “Eh ano?” tanong niya ulit. “Wala, wala. Oo, pwede naman. Pwede naman.” Sagot ko na lang. “Okay good. Let’s go.” Aya niya sa akin at hinila pa ako papunta sa inuman nila Dwight. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa sobrang gulo ng mga ginagawa ko. “KUYA, SALI KAYO, MAG-AANO, SPIN THE BOTTLE KAMI!” pumunta si El sa amin at inaya ang kuya niya. “Ayoko, kayo na lang.” sagot naman ni Dwight. “Ugh, apaka KJ. Huy, kayo girls, wanna join us? Punta kayo sa sala namin.” ay ani El kina Gwen pagkatapos ay umalis na. Katabi ko na si Gwen ngayon at bumulong naman siya sa akin. “Sali tayo don.” Syempre tumanggi naman ako dahil nandito ang mga kaibigan ko. Pero, ayaw niya akong tigilan. “Please Simon, ayoko na talaga uminom, tsaka panay ang tingin ni Joey, sa’kin, naiilang na ako.” Bulong niya naman, “Samahan mo na ako please? Magpanggap na muna tayong may something para hindi ako kausapin ni Joey, or ano.” Bulong na naman niya. “Nag-iinuman pa kami eh, baka hindi ako payagan ni Dwight.” Palusot ko. “Okay lang yan, basta sumunod ka nalang sa’kin don, ha.” Sabi niya at tumayo nalang siya bigla tsaka naglakad paalis. Naghintay pa ako ng ilang minuto para tingnan kung susunod sa kanya si Joey. At nung tumayo nga si Joey para sundan si Gwen ay tumayo na lang din ako at uunahan na si Joey. Lasing na kasi ito at baka kung ano pang gawin kay Gwen. Nagulat ang mga kaibigan ko nang tumayo ako kaya, tinanong nila ako kung saan ako pupunta. “Sasali ako sa spin the bottle.” Sinabi ko, biglang napaawang ang bibig nila pagkasabi ko no’n at maya-maya’y tumawa. Sa sobrang hiya ko sa sarili ko ay umalis na ako don ng walang sabi-sabi. Hindi na nakasunod si Joey, dahil sinabihan siya ni Dwight na umupo na dahil umalis ako. Tinawag pa ako ni Dan, pero hindi na ako lumingon sa sobrang kahihiyan. Pumasok na ako sa bahay na ‘yon at nakita naman ako kaagad ni Gwen at sinenyasan ako na umupo sa tabi niya kaya sumunod nalang ako. Sa inuupuan naming ni Gwen ay kaharap naman naming si El na nakapulupot ang mga braso sa braso ni Kliara. Si Vaughn na katabi ni Kliara. Habang si Jes at Drake naman ang katabi ni El. “Okay guys, let’s start!” sabi ni El.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD