Chapter Twenty-Three

2274 Words

DUMATING ang araw ng preliminary examination namin. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng mga araw. October na pala at malapit na ang second quarter examination namin. Parang kailan lamang ay masaya kaming tumuntong sa huling taon namin sa high school. Ngunit ngayon, nasa kalahati na lamang kami, at wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang misteryong ito, at kung lahat ba kami ay makakaligtas, o mamamatay. Maaga kaming pumasok nina Max, Yna at Leah. Isa sa mga dahilan no’n ay ang pag-iwas namin sa grupo nina Marianne. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang tensyon sa pagitan namin. Kaya sa halip na patulan pa sila ay hindi na lang namin sila pinansin. Hindi na lang din namin pinansin pa ang mga trip nila sa dorm, tulad ng pagluluto nila ng mga pagkain kung saan may allergy ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD