MAKALIPAS ang ilang araw ay hindi pa rin nabawasan ang takot sa aming mga kaklase. Naroon pa rin ang aming pangamba na muling masundan ang nangyari kay Mary Jane. Maging ako ay hindi na rin makapag-concentrate sa klase dahil sa kakaisip sa pangalang ‘yon. Rhoyet. . . Sino ka sa kanila? Hanggang ngayon ay blangko pa rin ako sa kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang ‘yon. Hindi ko rin masabi kung lalaki ba o babae ang mga ito kaya naman kailangan talaga naming mag-ingat sa kanila. “Gwen Mari!” Nadako naman ang tingin ko sa gawi nina Jerald. Kapapasok lamang ng mga ito sa classroom. Break time ngayon kaya naman kalat ang mga estudyante sa labas. “Bakit?” tanong ko sa kanila. Kita ko naman ang pagpasok ng grupo nina Marianne na ngayo’y kasama na sina Bea. Talagang nagsama-sama na si

