Chapter Twenty-One

2019 Words

“WALA na ang kaklase n’yo.” Iyon ang mga salitang bumungad sa amin sa araw ng Lunes. Nakumpirma na nga ang mga pala-isipan namin ni Philip tungkol kay Mary Jane. Natagpuan itong wala nang buhay sa comfort room ng girl’s dormitory at suffocation din ang ikinamatay nito. Marahil ay sa ibang lugar siya pinatay at inilagay na lamang sa CR ang katawan niya. Nabalitaan din namin na noong gabi ng Sabado rin nangyari ang krimen according to Sir Reyes. Iyon ang gabi ng assembly namin at wala siya doon. Muling nabalot ng takot ang buong section. Ang buong akala ng lahat ay wala nang mangyayaring ganito, ngunit tama nga ang sabi ni Max noon, na hindi matatapos ang lahat ng ito hangga’t hindi nahuhuli ang salarin. “Class, listen,” sabi ni Sir Reyes, “nakikiusap ako sa inyo, kung maaari ay huwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD