Chapter Ten

2778 Words

HINDI na natahimik pa ang pag-iisip ko simula nang mangyari ang bagay na iyon sa dorm namin. Nagdaan ang ilang linggo, at lumipas ang isang buwan na hindi ako pinatulog ng pangyayaring iyon. Katabi ko nang natutulog si Leah sa kwarto ko ngunit tila ba nagkaroon na ako ng trauma at takot na baka mangyari ulit ang pagpapakita ng culprit sa kwarto ko. Sa paglipas ng panahon ay hindi pa rin mawala-wala ang takot sa amin. Lalo na’t ilang linggo na ring nawawala sina Joyce, Joreen at si Justin. Oo, noong araw na nakita ang bangkay ni Winston ay ang araw na nawala sina Joreen at Joyce. Hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap ng mga pulis ang mga kaklase ko at ‘yon ang pinakamatagal na hanapan na nangyari. “Good morning!” Bati ni Miah nang makapasok ako sa classroom. Wala pang ibang estudya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD