Chapter Nine

2710 Words
MAGDIDILIM na pero nandito pa rin kami sa classroom. Malakas pa rin ang ulan gayon din ang malalakas na kulog at kidlat. Medyo marami pa kami sa classroom dahil karamihan sa amin ay hindi inaasahan ang masamang panahon. Lumabas ako sa classroom para tingnan kung may estudyante pa sa kabilang classroom. Nakita ko sa hallway ang mga estudyante sa kabilang section na nagkalat. Tulad namin ay marami pa sila. “Ang tagal,” sabi ng isang tinig mula sa likuran ko. si Miah. “Oh, nandito pa pala kayo,” wika ko, “ang akala ko nakalabas na kayo kanina.” Natawa naman siya sa sinabi ko atsaka tumingin sa akin. “Alam mo, magsalamin ka na, Gwen, ang labo na ng mata mo,” natatawang saad niya pa, “hindi pa ako lumabas kanina.” Natawa na lang din ako habang nakatingin sa labas. Sobrang lakas ng ulan at tila lumakas pa iyon. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin at nakikita ko sa baba ang ilang estudyante sa third year na nakapayong at naglalakad. “Oh, bakit dito dumadaan ang mga third year students?” nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa baba. “Hindi mo ba alam? Nagbabaha sa building nila kaya pati sa gate ay lubog na sa tubig, dito na siguro sila pinadaan para makarating sa mga dorm nila.” Napatingin ako kay Miah. Nakatingin din ito sa baba at tinitingnan ang mga estudyante. Sa sandaling iyon ay gumuhit sa utak ko ang isang malaking tandang pananong. Nagtataka ako kung bakit alam ni Miah na nagbabaha ang lugar na iyon samantalang transferee siya at hindi basta-basta nagpapapasok ng senior students sa building ng juniors. “Paano mo nalamang nagbabaha sa third year?” tanong ko habang nakatingin sa kanya. Kita ko kung paano siyang natigilan at kung paanong mabilis na nagbago ang ekspresyon nito. Ngunit hindi nagtagal ay bigla ulit ngumiti si Miah at tumingin sa akin. “Gwen, I’m a transferee, and kilala mo ako bilang matanong na tao.” Natatawang sagot niya pa sa akin. Napatango na lang ako sa sagot ni Miah. Tama nga naman siya, noong kasama ko siya sa dati naming school, kahit hindi niya kilala ay kakausapin at tatanungin niya nang tatanungin. Muli akong tumingin sa labas at hindi pa rin tumitila ang ulan. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang makarinig kami ng sigaw ng isang babae. “Ano’ng ingay ‘yon?” gulat na tanong ko. Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nanggaling iyon sa dulong bahagi ng hallway kung saan naroon ang cr! “Ano ‘yon?” tanong ni Philip na ngayo’y nasa labas na ng classroom. Nang walang ano’y muli naming narinig ang sigaw na iyon ng babae kung kaya’t hindi na kami nag-atubili pang tumakbo patungo doon. Dali-dali akong tumakbo papasok ng cr ng mga babae at halos mapasigaw ako sa aking nakita. Gumapang ang hilakbot sa buong sistema ko at nagtaasan din ang mga balahibo ko dahil sa sobrang kilabot. Ang t***k ng puso ko ay sobrang bilis at nanlalaki ang mga mata ko nang makita si Winston na nakasabit sa kisame ng cr gamit ang isang makapal at mahabang lubid na nakatali sa leeg niya. “Oh my God!” Napatakip pa ako ng bibig ko nang makita ang mukha ni Winston. Nangingitim ang mga labi nito. Ang dami niyang sugat at pasa sa binti at braso na mukhang sariwa pa dahil sa walang tigil na paglabas ng dugo. Suot pa nito ang uniporme niya kahapon na puro putik at dugo na tumutulo pa sa sahig. Halos matumba ako dahil sa panglalambot ng mga binti ko. “Gwen!” Naramdaman ko ang mga braso na nakaalalay sa baywang ko. “P-Philip . . .” Kaagad na tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Mahigpit akong naayakap sa kanya at doon sunod-sunod na nagpakawala ng hikbi. “Tumawag kayo ng teacher! Bilisan n’yo!” dinig kong sigaw ni Philip sa mga kaklase namin. “Oh my God, ano’ng nangyari? Sino ang hayop na gagawa nito?” dinig kong saad ni Leah sa tabi ko. “Sshh, everything will be alright . . .” Nang dumating na ang mga teachers kasama ang mga pulis ay pinabalik nila kami sa classroom. Tahimik lang kaming lahat habang nagkakagulo pa rin sa labas. “Patay na si Winston,” dinig kong saad ni May, “sino ang susunod?” Napatingin kami sa kanya at nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa mata niya. “Ano ba’ng nangyayari sa atin? Bakit ganito? Ano ba’ng ginawa nating mali para ganituhin nila tayo?” Maging ako ay iyon ang tinatanong sa isip. Sino nga ba ang nasa likod ng lahat ng ito? Bakit niya ito ginagawa sa amin? “Kasalanan n’yo ito.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Bea iyon. “Ikaw,” naluluhang sabi niya atsaka tinuro ako, “kayo! Kayo ang may kasalanan nito! Bakit hindi n’yo na lang aminin na kayo ang may gawa? Para matahimik na kaming lahat!” “Mag-ingat ka sa pananalita mo dahil wala kang ebidensya!” Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Galit at pagkadismaya ang nararamdaman ko sapagkat lahat na lang ng tao sa classroom na ito ay walang ibang sinisi kung hindi kami. Nagingilid ang mga luhang tiningnan ko sila. Bakas ang galit sa mukha nilang lahat. “Totoo naman eh! Napakadesperada mong tao! Gusto mong walang umaagaw sa lahat ng gusto mo kaya mo ginagawa it---“ Isang malakas na sampal ang natanggap ni Bea mula kay Max. Napasinghap kaming lahat sa ginawa nito at walang nakapagsalita ni isa sa aming lahat. “Wala kang karapatang insultuhin nang gano’n si Gwen,” sabi ni Max, “wala siyang kinalaman sa lahat ng ito, wala kaming kinalaman sa lahat ng ito!” sigaw niya na ikinatigil naming lahat. “Pare-parehas tayong biktima dito kaya magtigil kang babae ka,” galit na saad niya pa rito, “at kung gusto mong mabuhay, manahimik ka na lang.” Natahimik kaming lahat pagka-alis ni Maxine. Walang nagsalita ni isa sa amin. Lahat kami ay tila ba nangangapa sa kung ano ang sasabihin. Nang matauhan ay umalis na ang ilan naming kaklase, doon ko napagtantong tumila na ang malakas na ulan. Umalis na rin sina Archie kasama ang mga kaibigan niya at sumunod na sina Nicca at ang grupo ni Miah. Naiwan kami nina Leah sa classroom. Ngunit ‘di kalauna’y nagpasya na rin silang umalis. Kasama si Philip, tinungo namin ang cr na pinagkakaguluhan pa rin ng mangilan-ngilang estudyante. Naroon na rin ang ilang head teachers at ang hepe ng kapulisan kasama ang adviser naming. “Oh, nandito pa pala kayo,” saad ni Sir Reyes nang makita kaming palapit ni Philip, “nasaan na ang mga kaklase n’yo? Umuwi na ba sila?” Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Sir. Mula sa aming kinatatayuan ay nakita namin si Max na nakatingin sa katawan ni Winston na ngayo’y nakabalot na ng isang puting tela. Kaagad namin siyang nilapitan ni Philip. “Max, tayo na, gabi na oh.” Ngunit hindi man lang ito nagbaling nga tingin sa amin at hindi nagsasalita. Tumingin ako kay Philip atsaka tumango. “Max---“ “Nakikita n’yo ba?” Nagtataka naming tiningnan si Max. Nakatingin pa rin ito sa katawan ng kaklase namin. “Ang alin, Max?” tanong ko rito. Tumingin siya sa amin at itinuro ang katawan ni Winston. At doon ay laking gulat namin nang makita ang isang paruparo na nakaguhit sa braso ni Winston. Ang paruparong nakita namin kay Edmon ay parehas din ng nakaguhit ngayon kay Winston. Para akong dinamba ng kung anong mabigat na bagay. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko at hindi ko maialis ang aking paningin sa braso ng aking kaklase. Katulad ko ay nakatitig din sina Philip at Max sa bangkay. Hindi rin makapaniwala sa nakita. “Ano pang tinitingin-tingin n’yo riyan? Magsi-uwi na kayong lahat!” sigaw ng hepe ng pulis dahilan para matauhan kaming tatlo. Nakita naming binuhat na ang bangkay ng aming kaklase paalis ng cr. Sinundan pa namin ng tingin ang mga pulis hanggang sa mawala ito sa paningin namin. Akmang aalis na rin kami nang may maramdaman ako sa paa ko. Nakita kong may isang bagay akong natapakan. Isa iyong puting panyo na maayos ang pagkakatupi. Kinuha ko ‘yon at pinagpag at gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang design nito. “Gwen? What’s wrong?” dinig ko pang tanong ni Philip ngunit hindi ko ‘yon pinansin at naroon pa rin sa panyo ang paningin ko. “What the hell. . .” Kitang-kita namin ngayon ang isang itim na paruparo na nakaburda sa panyo. Ang paruparong gaya ng nakita namin kanina lang sa braso ni Winston. Sobrang hilakbot ang naramdaman ko nang maisip ang katotohanang malapit lang sa amin ang may-ari nito. At mas nakadagdag pa sa takot na naramdaman ko ay ang posibilidad na siya rin ang may gawa nito. Napagpasyahan naming tatlo na itago ang panyong iyon. Hindi namin ibinigay ang panyo sa mga pulis. Habang naglalakad kami ay tahimik lamang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kay Winston. Nakakalungkot lang at pati silang nananahimik lang ay nadamay. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nagtataka pa rin ako kung bakit si Winston lang ang nakita? Nasaan si Justin? Posible kayang buhay pa siya? Nang marating namin ang dorm ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Kasalukuyang naghahanda ng makakain sina May sa baba nang dumating kami. Pagkapasok ko sa kwarto ay ibinaba ko ang mga gamit ko sa kama. Dumiretso ako sa cr ay naghilamos ako. Tumingin ako sa salamin at doon ay nakita ko ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo. Kaagad ko ‘yong pinunasan at nagmamadali akong kinuha ang telepono sa bag ko. Pinindot ko ang number ni mama upang tawagan. “Hello anak? Kamusta ang pag-aaral mo riyan? Kumakain ka ba sa tamang oras? Sinusunod mo ba ang mga bilin ko sa ‘yo?” Naluha akong muli nang marinig ang boses ng akin ina. Matagal ko na silang hindi natatawagan at ngayon ko naramdaman ang sobrang pananabik ko sa kanila. “A-ayos lang ho ako dito ma, kayo po? Sinusunod n’yo po ba ang bilin ko? Iniinom n’yo pa ang gamot n’yo sa tamang oras?” May sakit si mama sa puso, mayroon siyang gamot na kinakailangang inumin. Mula nang maging scholar ako sa Blackwood ay lagi akong nakakatanggap ng may kalakihang allowance. At iyon ang ipinadadala ko kina mama. “Alam mo anak, miss na miss ka na namin ng mga kapatid mo, pati ang papa mo ay miss na miss ka na.” Napahikbi na lamang ako nang marinig ko ang tinig na iyon ng aking ina. Parang dinudurog ang puso ko at nahihirapan akong huminga. “Oh, Gwen, umiiyak ka ba? Ano’ng problema? May nangbu-bully ba sa ‘yo diyan?” “Wala po ma, nami-miss ko lang po kayo,” lumuluha kong saad. Pinunasan ko ang mga mata ko gamit ang kamay at nagpilit na ngumiti. “Hayaan mo anak, malapit naman na, isang taon na lang at ga-graduate ka na, kaunting tiis na lang. Malapit na oh.” Tahimik na umiiyak ako habang kausap ko si mama. Muli kong naisip ang sitwasyon namin dahil sa sinabi niya. Lalo na ngayon na walang kasiguraduhan ang buhay namin dito. “Sige na ma, magpahinga na po kayo, gabi na,” sabi ko sa kabilang linya, “I love you ma, kayo nina papa, Joaquin at Patricia. Mahal na mahal ko kayo.” Maging ang boses ko ay pumipiyok na sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko lalo na kapag sila ang kinakausap ko. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Hindi ko alam ang magiging buhay ko dito sa Blackwood. Walang kasiguraduhan at walang nakakaalam kung sino ang susunod. Gustuhin ko mang lumabas ng school ngayon at umuwi, pero hindi ko magawa. Kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong iligtas ang mga kaibigan ko at ang sarili ko laban sa kung sino man ang may gawa ng karahasan na ito. Nagising ako nang makarinig ako ng malakas na kaluskos na nanggaling sa labas ng kwarto ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong madilim pa. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong alas tres pa lang ng madaling araw. Kiukusot-kusot ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng yabag na nagmumula sa labas. Natigil ako sa aking ginagawa at pinakinggan ang mga yabag na iyon. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso ko at nagtataasan na rin ang mga balahibo ko sa katawan. Muli kong pinakinggan ang yabag ngunit wala na akong marinig. Napabuntonghininga pa ako nang wala na akong marinig. Marahil ay sina Erika lang iyon na bumaba at uminom. Sila ni Yna at Jennylyn ang madalas magising ng ganitong oras. Akmang babalik na ako sa kama ko nang may makita akong anino ng tao mula sa bintana ko. Tinatamaan ‘yon ng liwanag na nanggaling sa poste sa labas at kitang-kita ko na anino ‘yon ng tao! Pilit niyang binubuksan ang bintana ng kwarto ko! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto atsaka kinatok ang kwarto ni Philip. “Philip, buksan mo ang pinto, Philip,” mahina ang boses na pagtawag ko sa pangalan niya. Natitiyak kong tao ang nakita ko sa bintana ko. Hindi ‘yon multo o ano. Napabuntonghininga ako nang buksan ni Philip ang pinto. Kinukusot-kusot niya pa ang mata niya at nakakunot pa ang noo. “Gwen?” “M-may tao, m-may tao sa kwarto ko.” Natigilan naman si Philip sa ginagawa at tiningnan ako. “Ssh, lower your voice . . .” bulong niya atsaka dahan-dahang naglakad patungo sa kwarto ko. Nang makarating kami sa pinto ng kwarto ko ay dahan-dahang pinihit ni Philip ang door knob. Pero laking gulat namin nang may magpumilit na isara ‘yon at nahihirapang buksan ni Philip ang pinto. “F*ck!” pagmumura pa ni Philip nang hindi niya mabuksan ang pinto. “Who the f*ck are you son of a b*tch!” Gayon na lamang ang gulat ko nang maaninagan ang nasa loob ng kwarto ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang tao na nakaitim at nakasuot na maskara! Napasigaw na lang ako sa takot nang maalala ko kung sino siya. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko! Siya ‘yong nakita ko sa lumang classroom! “F*ck!” napasigaw akong muli nang makita ko na pilit na iniipit ng nakamaskara ang mga braso ni Philip sa pinto. “Philip!” “Anong nangyayari dito? Gwen?” dinig kong tanong nina Yna at Erika. Ngunit pati sila ay napasigaw na lamang nang makita rin ang nasa loob ng kwarto ko. “Kumuha kayo ng pamalo, bilisan n’yo!” hirap kong sabi sapagkat itinutulak ko rin ang pinto. Panay ang pag-aray at pagmumura ni Philip dahil patuloy iniipit ito ng taong nakamaskara. “Umalis ka ditong hayop ka!” Parehas kaming napasigaw ni Philip sa sakit nang bumagsak kami sa sahig. “Gwen!” Nakita ko sina Erika, Yna at sina Leah na naroon sa pintuan. “Ano’ng nangyari?” tanong ni Leah. “May nanloob sa kwarto ni Gwen,” “F*ck! Who the hell is that?” Nagmamadali kaming bumangon ngunit hindi na namin nakita sa buong kwarto ang taong nakaitim at nakamaskara. Nagulat na lang kami nang makita ang nagkalat na mga gamit ko sa study table. At ang panyo na itinago ko sa drawer ko ay naroon na sa bintana. Dali-dali kong kinuha iyon. “He’s not here anymore,” saad ni Philip. “Kilala ko ang taong ‘yon.” Napatingin silang lahat sa akin. Ipinakita ko ang panyong hawak ko. “Siya ‘yong nakita kong taong nakamaskara at nakaitim sa lumang classroom. Nakita ko rin na may pinatay siya roon na babae,” kita ko ang panlalaki ng mga mata nina Max sa sinabi ko, “Sigurado ako, siya rin ang may-ari ng panyong ito. At sinubukan niyang kunin sa akin ito para wala tayong magamit na ebidensya laban sa kan’ya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD