Chapter Eight

2868 Words
GUMUHIT ang pagtataka sa mukha ng aming guro at ng hepe. Muli nilang tiningnan ang section namin na tila ba paulit-ulit sa pagch-check ng attendance. Maging ako ay nakaramdam na rin ng kakaiba dahil sa ginagawa nila. Lalo na nang ang pagtatakang iyon sa kanilang mukha ay unti-unting napalitan ng kakaibang ekspresyon. May hindi tama . . . Dala-dala ang attendance sheet, tinungo ni sir ang gawi nina Jerald. Samantalang ako ay tumungo na sa pwesto namin. Mula sa aming kinalalagyan ay dinig ko ang boses ni Sir. “Bakit wala dito sina Mr. Flores at Mr. De Luna?” tanong ng aming guro, “Hindi ba’t dorm mates kayo? Bakit hindi n’yo sila kasama?” “Ano’ng nangyari? Bakit kinakausap nina Sir sila Jerald?” tanong ni Leah na nasa likuran ko. Tiningnan ko naman ang mga kasama kong sina Max at Philip. “We need to report this to the principal, they are missing.” Lahat kami ay napatingin sa gawi nina Sir. Naramdaman ko na lang na bumibilis ang t***k ng puso ko at ginagapang na naman ng hilakbot ang buo kong katawan. “A-ano raw? Nawawala sina Winston?” Narinig ko ang pagsisimula ng mga bulungan sa paligid ko. Unti-unti iyong lumakas hanggang sa makarating sa iba pang section. “Students! Settle down!” sigaw ng principal na may hawak pang microphone. Ngunit hindi nagpatinag ang mga kaklase ko at iba pa. Nakita ko ring umalis na ang ilan sa mga guards at pulis marahil ay para hanapin ang dalawa naming kaklase. Wala na silang nagawa kung hindi papasukin na lang kami sa kanya-kanya naming dorm. “Saan naman kaya pupunta sina Justin? Eh nakita pa lang natin sila kaninang lunch ‘di ba?” tanong ni May nang makapasok na kami sa loob. Ni-lock ni Philip ang pinto at isinara rin niya ang mga bintana sa sala. “Ang sabi sa akin ni Donnel hindi na raw nila nakasama ‘yong dalawa after i-announce ‘yong suspension of class.” “Hindi kaya---“ “No.” “Pero isa ‘yon sa mga posibleng nangyari sa kanila, Philip,” wika ni Yna na ikinatahimik naman namin. Nagkatinginan kami ni Max at doon ay alam kong sumasang-ayon siya kina Yna. “Ano’ng gagawin natin kung sakali? Hindi tayo pwedeng manahimik gaya ng mga pulis na ‘yon.” Napatingin kaming muli kay Yna. Kunot-noo ko siyang tiningnan. “Anong ibig mong sabihin, Yna?” “Narinig ko ‘yong mga pulis kaninang kaninang hapon,” wika niya, “ang totoo niyan, hindi pa raw alam ng mga nasa labas ang nangyari kay Edmon, sa personnel at ‘yong kay Mrs. Bustamante.” Napasinghap ako sa aking narinig. Napatingin ako kina Volther at ganoon din ang reaksyon nila gaya ng sa akin, gulat at pagtataka. “A-anong--- sigurado ka ba sa narinig mo Yna?” tanong ni Max, “Baka nagkamali ka lang ng dinig---“ “Hindi ako nagkamali, dinig na dinig ko, Max, malinaw ang lahat sa akin,” saad niya pa, “iyon ang utos sa kanilang lahat ng principal natin, pati ‘yong mga magulang ni Edmon at no’ng iba pang namatay binayaran nila ng malaking halaga para hindi magsalita sa awtoridad!” Para kaming nanigas sa aming kinatatayuan. Hindi kami makapaniwala sa mga nadinig namin ngayon lang. Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko matapos sabihin iyon ni Yna. Paano nila nagagawa ang gano’n kaseryosong bagay? Bakit parang pati sila ay hindi na namin dapat pang paniwalaan? Ano’ng mangyayari sa amin kapag nagtagal pa ito? “Hindi kaya, si Mr. Principal ang may gawa ng bagay na iyon?” Gulat na napatingin ako kay Leah, hayun na namang muli ang takot sa mata niya. Gano’n din ang iba pa naming mga kasama. Maging ako ay iyon ang unang naisip. Hindi kaya may kinalaman sila sa lahat ng nangyayari ngayon dito? “Kailangang malaman natin ang may gawa nito bago pa mahuli ang lahat---“ “Huwag n’yong gagawin ‘yan.” Napatingin kaming lahat kay Max. “At bakit hindi?” tanong ni Mia, “hahayaan mo na lang ba na maubos tayo?” Napapikit na lang ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko na malaman kung ano ang gagawin namin. Ngunit naisip kong sa pagkakataong ito ay tama ang sinabi ni May, kailangan naming mapigilan ang kung ano man ang sumpa na nasa section namin. Ngunit paano? Hanggang sa oras ng pagtulog ay dala-dala ko ang kaisipang iyon. Pinilit kong ibaling sa iba ang aking atensyon subalit ang mga katagang narinig ko mula sa mga kaibigan ko pa rin ang naririnig ko. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko sa kung ano ang kailangan naming gawing aksyon para malaman ang may gawa nito nang hindi kami napapahamak lahat. Kinabukasan ay maaga kaming pumasok lahat. Ito ang unang beses na sabay-sabay kaming pumasok. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang takot na nakabalot sa mga kasama ko. Hindi sila umiimik simula nang mag-agahan kami hanggang pagpasok. Dumating kami sa classroom. Naroon na ang lahat maliban sa dalawa. Sina Winston at Justin. Tahimik kaming nagtungo sa mga upuan naming at naupo. Pansin ko ang mga matang nakatingin sa gawin namin ngunit hindi ko na ‘yon pinansin pa. May mangilan-ngilang nagku-kwentuhan at natigil lamang iyon nang dumating na ang first subject teacher. Pinilit ko’ng makinig nang maayos sa discussions. Ngunit hanggang sa magdaan ang lunch break ay parang wala akong ganang kumain o kahit ano. Hindi ko magalaw o makain ang mga pagkain nasa harapan ko kakaisip. “Ayos ka lang Gwen?” biglang tanong ni Erika, “Kanina pa kita napapansin, ah, may problema ba?” “Ayos lang ako, kulang lang siguro sa tulog,” sagot ko habang nakangiti, pilit na kinukumbinsi siya na walang problema. Kalaunan ay ngumiti naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa library. Kasama namin si Philip, hindi ko alam kung anong meron at sumasama na siya sa amin ‘di tulad ng dati. “May long quiz daw sa Physical Science mamaya, kaya mag-aral na lang muna tayo ngayon,” sabi ko sa kanila. Hiwalay ang table naming tatlo nina Max at Philip sa kanila. Nasa ‘di kalayuang parte ng library sina Leah habang kami naman ay nasa isang sulok. Binuklat ko na ang notes ko sa at nagsimulang magreview. Hindi ko na muna inisip ang mga dapat pang isipin dahil kailangan kong makapasa sa quiz na ito ni Ma’am Ledesma. Sa lahat ng teacher namin ay si Ma’am Ledesma ang pinaka-terror. Siya ‘yong tipo ng teacher na laging namamahiya sa klase at talagang mabibingi ang lahat kapag sumigaw na siya. Nasa kalagitnaan ako ng pagrereview nang magsalita si Max. “Kailangan nating hanapin sina Winston.” Nawala sa notes ko ang atensyon ko at napatingin kay Max. Gano’n din si Philip at tila nawala din siya sa konsentrasyon. “Huh? Pero paano?” tanong ko, “Wala tayong idea kung saan sila hahanapin.” “Hindi natin dapat hayaan sina Mia na gumawa ng hakbang,” saad ni Max, “maybe the culprits are watching us, at kapag nalaman nila na may iba sa kilos natin, baka may gawin sila sa mga kasama natin, o sa atin.” “Ang ibig mong sabihin, alam ng killer lahat ng kilos natin?” “That’s what I am thinking too,” wika ni Philip, “but I still don’t get it, bakit niya kukunin sina Winston?” “I don’t know either.” Ilang minuto ang lumipas na tanging ‘yon lamang ang pinag-usapan namin, sa huli ay hindi rin ako nakapagfocus nang maayos sa binabasa ko. “Hey, we need to go to the classroom right now,” biglang litaw ni Erika. Nagtataka akong tumingin sa relo ko at nakita kong hindi pa naman time sapagkat may 30 minutes pang natitira. “Bakit? Sino’ng nagsabi?” tanong ko kay Erika, “hindi pa time oh.” Tumingin din sina Max at Philip sa orasan nila para tingnan ang oras. “Nagmessage si sir sa group chat natin,” wika ni Erika habang ipinapakita ang phone niya, “may important announcement daw siya.” Binilisan na naming mag-ayos ng mga gamit atsaka sabay-sabay na naglakad pabalik ng classroom. Narating namin ang classroom. Nakita naming naroon na si sir at parang may isinusulat sa papel. Dali-dali naman kaming nagtungo sa mga upuan namin at nakinig sa kanya. “Good afternoon everyone,” panimula niya, “I just received a news regarding Mr. Flores and Mr. De Luna’s issue.” Matapos sabihin ni sir ang bagay na iyon ay umalingawngaw na ang bulungan sa classroom. Kanya-kanya na ang mga kaklase ko sa pag-uusap. “Quiet,” muling saad ni sir. Inayos pa muna nito ang kanyang suot na salamin bago muling magsalita, “it was reported by the police that they are missing.” Doon nagsimulang mag ingay ang mga kaklase namin. Maging sina Jennylyn ay kita kong nagbubulungan na rin. Muling nabalot kami ng pangamba at takot. Ang kaisipang tatlo na ang nawawala sa section namin ay hindi na dapat ipagwalang bahala. “Sir what about Edmon’s case? Nakita na po ba ang may gawa no’n sa kanya?” tanong ni Yna. Napatingin ako sa kanya at naroon ang sobrang paghihinala at pagnanais na malaman ang bagay na iyon. “Sad to say, there are no leads yet,” saad ng aming guro, “but don’t worry, the police are giving their best to find out the culprit.” Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Yna sa narinig, ang kaninang sobrang curious ay napalitan ng tila pagkainis at pagkadismaya. “Ms. Marcos, where are your friends? Joreen and Joyce?” Nabaling ang tingin naming lahat sa gawi nina Marianne. Wala nga doon sina Joyceat Joreen dahil sila lamang ni Cedrick ang nakita ko. “They went to CR before you came in sir,” sagot naman ni Marianne, “hoy bakla, i-text mo na nga sila!” pagalit pang bulong nito sa katabing si Cedrick. “Okay, just inform them about what I have said,” saad naman ni sir, “and by the way, Mr. Valdez and Mr. Abad, come with me. We will ask you some questions.” Nauna nang lumabas si Sir Reyes. Sumunod naman sina Jerald at Donnel na lumabas. At doon ay umingay na naman ang klase. “Gosh, ano ba’ng nangyayari sa section natin,” dinig kong saad ni Mary Jane, kaklase namin, “nako, sana naman matapos na ‘to, nakakatakot na.” “Pwede pa bang magpalit ng section? Natatakot na ako rito!” “Ay nako, kung pwede nga lang magpalipat edi sana nasa section B na ako!” “Grabe, ayoko pang mamatay no!” Tahimik ko lamang na pinagmasdan ang mga maiingay kong kaklase. Hindi ako makapagfocus sa reviewer ko at batid kong gano’n din sina Leah. Nawalan ako ng oras sa pagre-review kakaisip. Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na ang test paper. Ipinasa ko iyon sa likod ko at nagsimula na akong magsagot. Habang nagsasagot ay may naramdaman akong kakaiba. Para bang may nakatingin sa akin mula sa likuran. Tumingin ako para tingnan kung sino iyon pero wala namang tao sa likod bukod sa mini-bookshelf na naroon. “Eyes on your paper, Ms. Tolentino, wala kang makukuhang sagot sa likod mo.” Narinig ko ang pagbungisngis ng mga kaklase ko sa sinabing iyon ni Ma’am Ledesma. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na ako sa pagsasagot. Ngunit hindi ko pa nakakalahati ang test paper ko nang may mapansin akong nakatingin sa bandang kanan ko. Akmang lilingunin ko na iyon nang maramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Max sa mula sa likod ko. “Magsagot kana, malapit nang magtime,” bulong niya pa sa akin. Sinunod ko na lamang ng sinabi ni Max at nagpatuloy na lang ako sa pagsasagot. Nang matapos ang long quiz na sobrang hirap ay kaagad din kaming nagcheck ng papel. Nang matanggap ko na ang papel na ich-check ko ay bigla itong lumipad at bumagsak sa sahig. Yumuko ako upang pulutin ang mga papel. Nang akma ko nang hahawakan ang papel ni Archie ay halos mapasigaw ako nang may makita akong duguan kamay na humawak din doon! Napaatras ako sa aking upuan dahilan para tumunog iyon at maagaw ko ang atensyon ng lahat. “What happened?” biglang tanong ni Ma’am Ledesma, “Ms. Tolentino, kanina ka pa hindi mapakali, ano ba’ng nangyayari sa 'yo?” Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nakita ko pa si Leah na ang pumulot ng mga papel na nasa sahig. “I’m sorry, ma’am.” Paghingi ko ng paumanhin sa guro, umiling lamang ito at tumingin sa test paper na hawak. “Ms. Tolentino, answer the equation number one. Mr. Echavez number two, Mr. Nicolas number three,” saad ni Ma’am. Kaagad akong naglakad patungong white board at kinuha ang marker atsaka nagsimulang magsulat. Habang nagsusulat ay may naaninag akong nakatayo sa likuran. Nakikita ko ito sa reflection ng salamin ng whiteboard. Nakapwesto ito sa gawi nina Marianne at tulad ko ay nakauniform din ito. Malabo hindi ko gaanong maaninag ang hitsura nito pagkat medyo may kalabuan ang salamin na iyon. Nilingon ko ang gawing iyon nina Marianne ngunit wala akong nakitang nakatayo. Tanging si Ma’am Ledesma lamang ang nakita ko na nakatayo sa likuran. Bagamat nagtataka ay bahagya rin akong kinilabutan. Nadako ang tingin ko kay Max at doon ay nakita ko na naman siyang umiiling sa akin. “Ano na Ms. Tolentino? Gano’n ba kahirap ang number one sa ‘yo? Kanina pa naghihintay ang mga kaklase mo!” galit na saad ni Ma’am Ledesma kaya napapahiyang nagmadali ako sa pagsagot sa white board. Nadinig ko pa ang malalakas na tawanan ng mga kaklase ko habang nagsasagot ako. Nang matapos akong magsagot ay nagtungo na ako sa upuan ko. Nagtataka namang tumingin sa akin sina Leah. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo? Okay ka lang ba?” tanong ni May. “Ayos lang ako, huwag n’yo akong alalahanin.” Nang matapos ang klase ay sunod na dumating ang teacher namin sa English. Tahimik lamang ang klase nang pumasok si Ms. Santos. Nagsimula na siyang magcheck ng attendance. Hindi na niya binasa ang pangalan nina Edmon, Winston at Justin dahil marahil ay alam niya ang sitwasyon ngayon sa section namin. “Are you guys okay?” nakangiting tanong niya sa amin. Ang mga ngiting ‘yon na mabilis nakakahawa at talagang mapapangiti ang kung sino man na tumigin sa kanya. May ilan sa amin ang sumagot ng yes at may iba naman na nag-no. Mayroon din ang hindi sumagot at kabilang na ako doon. “I know you are having a hard time this past week, and we’re still in the first half of the month,” saad nito habang nakatingin sa amin, “but I hope you guys are doing fine and great despite the struggles and you know, bad things happening.” Matapos ang ilang paalala ay nagsimula na siyang magdiscuss. Ngunit kapansin-pansin ang mayamaya niyang pagtingin sa gawi namin at ang pagkunot ng noo niya sa twing magagawi ang tingin dito. Hindi ko alam ang tinitingnan niya sa likod dahil hindi ako makahanap ng pagkakataong lumingon. “Ms. Del Mundo,” biglang pagtawag ni Ma’am Santos kay Max na nasa likod ko, “would you mind if you go here in front?” Bahagya akong nagtaka sa sinabi ni Ma’am. Lumipat si Max sa harapan at tumingin pa sa amin bago humarap at making sa discussion. Tutok ako sa discussion ngunit hindi ko napapalampas ang mayamaya’y patigil-tigil sa pagsasaita ni ma’am na tila ba may nangdi-distract sa kanya tuwing titingin siya sa gawin namin. “Okay class, that’s all for today, please prepare for your quiz on Friday,” wika ni ma’am pagkatapos ng discussion. Tumingin itong muli sa likod namin atsaka nagpakawala ng buntonghininga, “and don’t forget to pray everytime you leave your classroom, have a great day everyone.” “Ano ba ‘yan! Hindi man lang nagsabi sina Joyce na magcu-cutting class sila!” Napatingin ako sa gawi nina Marianne. Ngayon ko lang napansin na wala nga sina Joreen at Joyce doon. “Napakadadaya! Napakaboring pa naman ng English subject!” saad pa ni Cedrick, “may nalalaman pang pray before you leave wala namang kwenta!” Kunot-noo kong tiningnan ang gawi nila ngunit tinarayan lang ako ng mga ito. “Let’s go, ang daming pangit dito.” “Napakasasama talaga ng ugali ng mga ‘yon,” saad ni Leah, “sila kamo ang pangit!” Natawa na lang ako sa sinabi ni Leah. Nag-aayos kami ng mga gamit nang biglang kumidlat kasabay no’n ang pag-ulan nang malakas. Napasigaw pa ang ilan sa mga natitira naming mga kaklase na naroon pa sa classroom dahil sa pagdagundong ng kulog. “Ano ba ‘yan, wala akong dalang payong!” malakas ang boses na sabi ni Jennylyn. Mula sa labas ay kita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. Noon ko lang din pansin na sobrang dilim ng kalangitan. “Mukhang hihintayin muna nating tumila ang ulan ah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD