Chapter Seven

2709 Words
TILA natuod ako sa aking kinauupuan. Walang nakapagsalita sa aming lahat matapos sabihin ‘yon ni Sir Reyes. “P-paanong nangyari ‘yon?” Sa hindi malamang dahilan ay ganoon na lamang ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang mga papel na hawak ngayon ng aming guro. At doon ko nakita nang mas malinaw ang tintang ginamit sa pagsulat ng salitang iyon. “Mr. Echavez, do you have any idea who put this to your chair?” tanong niya atsaka bumaling sa gawi namin, “And you two Ms. Del Mundo and Ms. Tolentino?” “None, sir, nadatnan naming na nakadikit ‘yan sa upuan nina Gwen,” biglang saad ni Yna. Tumingin ako kay Sir Reyes atsaka tumango. “Okay, I understand, ibibigay ko ito sa mga pulis para maisama sa imbestigasyon---“ “Sir, baka naman nagsasabi ng totoo ang papel na ‘yan.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Nicca ang nagsalitang iyon. “Kaya nga sir, baka naman sila ang may gawa ng pagkamatay ni Edmon?” dinig kong pang sabi ni Cedrick. “Ano ba ‘yang mga pinagsasabi n’yo? Anong sila ang may kagagawan nito?” galit na tanong ni Princess habang nakatayo at nakatingin sa gawi nila. “Bakit hindi? Kilala nating lahat si Edmon, matalino siya at posibleng na-trigger sina Gwen dahil doon.” Tiningnan ko ang gawi nina Jerald at nakangisi lamang ito sa amin. “Imposible! Lahat kami ay magkakasama paanong sila ang gagawa no’n? Wala na ba kayong maisip na dahilan para ilabas ‘yang mga inggit n’yo sa amin?” galit din na tanong Leah. “Class settle down---“ “Oh, come on, Leah, huwag mo na silang pagtakpan, alam naming lahat na desperada kayong manatili sa dorm n’yo---“ “Wala kaming ginagawang masama!” “See? Too defensive, Gwen,” saad pa ni Joyce, “Bakit ba hindi n’yo na lang aminin, nang dahil sa inyo kaya namatay si Edmon!” “Sinabi nang wala silang kinalaman sa nangyari!” “EVERYBODY STOP! HINDI N’YO NA AKO GINALANG!” Natigil kami sa pagsisigawan nang marinig ang galit na tinig ni Sir Reyes. Natahimik ang buong klase sa sigaw niya. “Kahit na magsisihan kayo ay hindi na mabubuhay pa si Mr. Mallari! Kaya stop acting like children, matatanda na kayo!” sigaw pa sa amin ng aming guro. Napapahiyang tumango na lamang ako. “Mr. Echavez, Ms. Tolentino and Ms. Del Mundo, pumunta kayo mamaya sa guidance office!” Wala na kaming nagawa kung hindi ang tumango. Habang nagdi-discuss si Sir ay hindi mapalagay ang isipan ko. Iniisip ko ang mangyayari mamaya sa guidance office, at marahil ay isasama kami sa imbestigasyon dahil sa papel na iyon na hindi naman kami ang naglagay. Bukod kina Marianne ay wala na akong ideya sa kung sino ang malalagay noon sa mga upuan namin. Nakakainis. “Napakasasama nila, wala naman silang sapat na ebidensya pero grabe sila mamintang!” galit na saad ni May nang makalabas si Sir Reyes. “Gano’n talaga ang nagagawa ng mga inggit, mahilig mangdamay ng iba sa mga problema nila,” saad ni Mia na sadyang nilalakasan ang boses upang paringgan sina Marianne. “Hay nako Mia, kahit lakasan mo ang boses mo, mga bingi ang mga ‘yan,” “Tama si Mia, Jennylyn, mga bingi na ang mga ‘yan, at isama mo na rin ‘yong mga pabidang nakikidagdag sa mga inggit.” Tiningnan ko si Yna atsaka sinenyasan na tumahimik. “Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo Gwen, mga pabidang lokaret kay bago-bago!” “Excuse me?” natigilan ako sa pagliligpit atsaka tumingin sa kanila. Doon ay nakita kong nasa harapan na namin sina Bea. “Bakit, dadaan ka?” Napapikit na lamang ako sa sinabi ni Yna. “Can you please stop mumbling something about us? We just did what we think are right.” Kunot-noo kong tiningnan si Bea na ngayo’y nakatingin na pala sa akin, “Right Gwen?” “Tama ba’ng pagbintangan kami nang wala kayong sapat na ebidensya? Iyan ba ang tamang ipinaglalaban n’yo?” Napatingin kaming lahat kay Max. Seryoso itong nakatingin sa kanila at hindi man lang kumukurap ang mata. “Kung matalino ka, hindi ka basta-basta magtuturo ng ibang tao nang walang sapat na katibayan.” Lahat kami ay natahimik nang sabihin iyon ni Max sa harapan mismo ni Bea. Kita ko ang pagbabago ng reaksyon ni Bea mula sa pagkakangiti ay napalitan iyon ng pagkaasar. “Sorry, but didn’t you see? I just handed the evidence to our teacher earlier---“ “Evidence of what? Evidence of us, killing Edmon? Are you even thinking?” natatawang tanong ni Max atsaka bumaling sa akin, “Sigurado ka bang kaibigan mo sila noon, Gwen? Now I know why they chose to betray you.” “Excuse me? You know nothing, so stop saying nonsense!” galit na saad ni Bea dahilan para ngumisi pa si Max lalo. “Before concluding that we killed Edmon, make sure to investigate properly,” wika ni Max, “katangahan n’yong lahat na isiping ebidensya laban sa amin ang bagay na iyon.” “How dare you?” “Bea!” dinig kong sigaw ni Angielyn. Akmang sasampalin na ni Bea si Max ngunit mabilis ko itong pinigilan. “Tumigil ka na,” nagtitimping saad ko sa kanya habang hawak ang kanang braso niya. “Bitiwan mo ako!” Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanyang braso ngunit mas hinigpitan ko iyon. “Huwag na huwag mong tangkaing idapo ‘yang kamay mo sa mga kaibigan ko,” galit nang saad ko sa kanya, “magsisisi ka kapag ginawa mo ‘yon.” Pabato kong binitawan ang mga kamay niya atsaka kinuha ang gamit ko. “Tayo na,” sabi ko sa mga kaibigan ko atsaka iniwan sina Bea sa classroom. Habang naglalakad kami ay pansin ko ang pagtahimik ni Max. Napahinto rin siya sa paglalakad at dahil nasa likod niya ako ay natigil din ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang direksyon na tinitingnan niya at laking gulat ko nang makita doon ang matandang teacher na nakausap ko noong isang araw. “Max? Ano’ng problema? Bakit mo siya tinitingnan nang gan’yan?” gulat na tanong ko sa kanya, ngunit ang mag ikinagulat ko pa ay ang mga sumunod niyang sinabi. “Nakikita mo rin siya?” Para akong nanlamig sa tanong na iyon ni Max. Tiningnan kong muli ang kinaroroonan ng matandang teacher ngunit laking gulat ko nang makita ang isang anino na nasa loob ng lumang classroom. Ganoon na lamang ang takot na naramdaman ko nang maaninagan ang hawak nitong isang martilyo, hindi ko man makita ang mukha niya ngunit natitiiyak kong ito rin ang taong nakita ko sa loob noon! “N-nakita mo iyon, ‘di ba?” nauutal na tanong ko kay Max. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. Hindi ko alam ngunit ganoon na lamang ang takot na naramdaman ko. “Isa lang ang ibig sabihin nito Gwen.” Napatingin ako kay Max sa sinabi niyang iyon. “A-ano’ng ibig mong sabihin?” “May mamamat---“ “Hoy! Ano ba kayong dalawa? Bilisan n’yo na! Hindi ba kayo nagugutom?” Naputol ang kung anong sasabihin ni Max nang marinig namin ang sigaw ni Princess. Doon kami natauhan na dalawa. “Sasabihin ko sa inyo ni Philip mamaya---” “AHH!” Nagulat kaming lahat nang may biglang sumigaw na babae sa ‘di kalayuan. “Ano ‘yon?” tanong ni Max. Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid at doon namataan ko ang faculty room na ngayo’y dinudumog na ng mga tao. “Ano’ng nangyayari doon?” Mabilis kaming nagpunta sa pinagkakaguluhang faculty office at doon ay nakita naming si Philip na kinakausap ang iba pang mga teacher. Kaagad ko siyang nilapitan at tinanong. “Ano’ng nangyari rito? Bakit ang daming estudyante?” “Mrs. Bustamante has found dead inside the faculty.” Nagulat ako sa aking nalaman, biglang bumilis ang t***k ng puso ko kasabay noon ang paglamon ng hilakbot sa aking sistema. Labis din akong naguguluhan sapagkat wala akong kilalang Mrs. Bustamante na guro sa fourth year, kahit sa third year ay wala akong nalalaman. “S-sinong Mrs. Buntamant---“ “Oh my God . . .” Mabilis kong naalalayan si Max nang akma itong matutumba. “M-Max ano’ng nangyari?” Doon ay mas lalo akong naguluhan nang makita kong tumulo ang luha sa mga mata ni Max. Sinuspinde ang klase namin nang hapon matapos ang nangyaring iyon. Dumating na rin ang mga pulis at ambulansya para kuhanin ang bangkay ng teacher na namatay. Hanggang ngayon ay pilit kong inaalala ang kanyang mukha ngunit sadyang wala akong matandaan na Mrs. Bustamante at hindi ko pa ito nakikita. “Sorry, I’m late,” biglang saad ni Philip nang makapasok siya sa loob. Dumiretso siya sa amin ni Max na nasa couch atsaka tumingin sa amin. “What are we going to talk about now?” Nagpakawala ng malalim na hininga si Max bago magsalita. “I think alam ko na kung paano nangyayari ang lahat ng ito.” Natuon ang atensyon namin ni Philip sa gawi ni Max. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Katulad ng hinala ko, pagala-gala lang ang may gawa nito sa buong school,” saad niya dahilan para matahimik kaming dalawa ni Philip. “Noong araw na nakita ko ang babaeng estudyante na iyon sa labas ng bintana ko, doon na ako nagsimulang kabahan.” Tahimik kaming nakinig sa kanya ni Philip. “At noong napadpad ako sa lumang classroom kung saan natagpuan ang bangkay ng utility personnel ay doon ako nakasiguro sa hinala ko,” saad niya, “nakakita ako ng tatlong paruparo sa isang libro na naroon at doon ko nakita ang class picture ng nakaraang batch.” Nagulat kaming dalawa ni Philip sa sinabi ni Maxine. Hindi namin inaasahan ang lahat ng sinasabi niya at mas lalong wala kaming maintindihan. “Sandali,” pagpigil ko sa kanya, “ano’ng ibig mong sabihin? Paano napunta rito ang previous batch ng class-A?” naguguluhang tanong ko sa kanya. “Nalaman ko na hindi totoong bumagsak sina Archie kaya sila umulit,” saad niya na ikinagulat ko, “ang totoong dahilan ay survivor sila sa isang insidente na nangyari last year.” “W-what do you mean?” nang walang ano’y yumuko si Max, bumagsak ang balikat nito at bahagyang pumikit. “Mahirap mang paniwalaan pero, sa palagay ko’y magagaya tayo sa kanila, iisa-isahin nila tayo . . .” Walang nakapagsalita sa amin. Binalot ng katahimikan ang buong living room. “Hindi ko pa alam ang nangyari kung paano ito nagsimula, wala akong ideya kung mga paranormal entities ang may gawa nito o tao rin,” dagdag pang saad ni Maxine. “Ang matandang teacher na nakita natin kanina Gwen, hindi lang ‘yon ang unang beses na nakita mo siya diba?” Napatingin ako sa gawi ni Max, nakatingin ito sa akin habang naghihintay ng sagot. “O-oo, actually nakita ko siya noong nakaraang araw sa lumang classroom. Ang dami niyang sinabi, lahat ng ‘yon ay puro pagbabanta.” “Wait, kilala ko ang tinutukoy n’yong matanda,” saad ni Philip, “siya si Mrs. Bustamante.” Gulat akong napatingin kay Max. Ganun din siya sa akin. Hindi naming malaman ang sasabihin. Ang mabilis na t***k ng puso ko kanina ay tila nadagdagan pa at ang takot na nararamdaman ko ay hindi na nawala pa. “Nakita mo rin pala siya,” gulat ng wika ni Max habang nakatingin kay Philip, “kung gano’n, tatlo pala tayong sinabihan niya ng mga babala.” “Ano na’ng gagawin natin?” sandaling natahimik kaming tatlo. Tulad ko ay malalim din ang iniisip ng dalawa kong kaibigan. Marahil pati sila ay sobra nang naguguluhan sa mga nangyayari. Wala akong ideya kung bakit at ano ang puno ng lahat ng ito. Nakakapagtaka na wala akong narinig na ganitong mga pangyayari last year, at sobrang nakakagulat na ngayon lang namin nalalaman ang lahat. “Oy, nandito na pala kayo! Kanina pa namin kayo hinahanap!” Napatingin kaming tatlo sa pintuan kung saan naroon sina Yna at ang iba pa naming kaibigan. “Hinahanap kayo ni Sir Reyes kanina, pero hindi namin kayo makita,” saad ni May, “bakit ang aga n’yo yatang umuwi?” Nagkatinginan kaming tatlo nina Philip at Max atsaka muling tumingin sa kanila. “May pinag-usapan lang kami tungkol sa project na gagawin natin,” pagpapalusot ko rito. Pumasok naman silang lahat at naupo sa couch. “Grabe na talaga ang nangyayari dito, hindi ko ma-absorb lahat,” mayamaya’y saad ni Jennylyn. Napatingin naman kami sa kanya. “Nakakatakot, feeling ko araw-araw hindi tayo safe rito.” Nagkatinginan kami ni Max matapos sabihin iyon ni Mia. Nakita ko ang pagsang-ayon nina May sa sinabi nito. “Gusto ko na ngang magdrop na lang eh, nakakatakot na sa section natin, paano kung may sumunod pa?” Napatingin kami kay Leah. Mababakas ang takot sa mga mata niya. Maging ako ay nakaramdam din ng takot sa katotohanang iyon. Ang dorm na dating sobrang ingay ay nabalot ng tahimik. Napalitan ang dating masayang paligid ng takot at pangamba sa bawat isa sa amin. “No.” Napatingin kaming lahat sa gawi ni Philip. Seryoso ito at hindi makikitaan ng takot. “We will not let that happen. Bago pa may mangyari ulit ay malalaman rin natin ang nasa likod nito.” Matapos ang pag-uusap na ‘yon ay bumalik na muli sa pagiging maingay ang mga kaibigan ko. Aaminin kong maging ako ay hindi na sanay nang tahimik lamang sila, lalo na sina May, Yna, Princess, Jennylyn at Leah. Nasanay na ako sa kaingayan nilang lima at mabuti nang hindi iyon nawala sa kabila ng mga nakakatakot na nangyayari sa amin. Masaya kaming naghapunan at talaga namang hindi nawalan ng idadaldal ang mga kaibigan ko, nakikisabay na lang din kami nina Philip upang hindi na sila mag-alala pa. Ang akala ko’y magtutuloy-tuloy na iyon hanggang sa ipatawag lahat ng 4th year high school at papuntahin sa malawak na lupain katapat lamang ng mga dorm. “Ano’ng meron?” tanong ni Mia. Nakapila kaming lahat sa labas. By section ang ginawa naming at naroon si Sir Reyes na hindi tulad naming nakapantulog na ay nakasuot pa rin siya ng uniporme. Nasa harapan din ang mga teachers at ang hindi bababa sa dalawampung pulis. Maging ang guards din ay naroon kasama ang principal. "May announcement ang principal,” saad ni Philip. Nagtataka naman kaming tumingin sa harapan. Ang ilang mga guro ay nag-uusap pa at kausap din ng principal ang sa palagay ko’y hepe ng mga pulis na narito. Doon ko lamang naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Palagay ko’y alas-otso na ng gabi. Tiningala ko ang langit at doon ko nakita ang napakaraming bituin na natatabunan ng mangilan-ngilang ulap. Mula sa aming pila ay nakita ko si Miah na mukhang kagigising lamang. Tumingin ito sa gawi ko at nginitian ako. Nginitan ko naan siya pabalik atsaka muling ibinalik ang tingin ko sa harapan. Karinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Reyes. Kaagad na nilapitan ko siya. “Check your classmates, tingnan mo kung kompleto kayo,” saad ni Sir at iniabot sa akin ang isang papel at ballpen, “pagkatapos ay lumapit ka rito at ibigay ‘yan sa akin.” Kinuha ko sa kanya ang attendance sheet at bumalik sa pila. Tiningnan ko isa-isa ang mga kaklase ko nang mapansin kong wala sina Justin at Winston. Nagtatakang tinungo ko ang pila nina Jerald. “Nakita n’yo ba sina Justin at Winston?” “Hindi eh, mula kaninang nag-suspend ng klase ay hindi na namin sila nakasama.” Nagtaka naman ako sa sagot ni Donnel. Dali-dali akong lumapit sa aming guro at ibibigay ang papel. Tiningnan niya ito at kumunot ang noo. “Nasaan sina Mr. Flores at Mr. De Luna?” Tinanaw pa nito ang section naming at tila ba hinahanap ang dalawa naming kaklase. “Is there a problem Mr. Reyes?” “Two of my students are not here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD