Chapter Six

2558 Words
PARA akong dinamba ng isang napakalaking bagay sa aking narinig. Tila nabato ako sa aking kinatatayuan at hindi ko malaman kung paano iintindihin ang sinabi ni Max. “The one you saw there was Edmon’s corpse. It happened that he died four days ago.” Napasinghap kaming lahat sa sinabi ni Philip sa amin. Hindi ako makapaniwala sa nakita at nalaman ko. Muli kong tiningnan ang lugar kung saan natagpuan ang katawan ni Edmon. “Sino ang gagawa ng ganitong klaseng pagpatay?” hindi makapaniwalang tanong ni May nang makapasok kaming lahat sa dorm maliban kay Philip. Kausap siya ngayon ng principal at ng mga pulis. “Sa apat na taon kong pag-aaral dito ay ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong pangyayari,” saad naman ni Leah, “at kilala ko si Edmon, bully siyang tao pero hindi siya ganoon kasama para sapitin ang ganito karahas na pangyayari.” Muli kaming nanahimik matapos no’n, walang nagsasalita ni isa sa amin, iniisip ang nangyari. “Nakakatakot, paano kung hindi pa mahuli ang may gawa nito? Paano kung pagala-gala lang siya buong lugar? Paano kung tayo ‘yong mapagtripan na patayin?” Maging ako ay nakaramdan ng takot at pagkabahala sa sinabing iyon ni Jennylyn. Kahit ako ay iniisip rin ang bagay na ‘yon, lalo na ngayon na maraming naiinis sa amin. “Huminahon muna tayo, hangga’t nariyan ang mga pulis hindi sila susuko sa paghahanap no’ng may gawa no’n,” saad naman ni Yna, “hindi nila tayo pababayaan dito.” Bagamat umaayon ako sa sinabi ni Yna ay hindi pa rin mawala sa sistema ko ang pangamba at takot na nararamdaman, lalo na ang mga namumuong katanungan sa isip ko. Tila nanlamig ako nang maalala ang sinabing iyon ni Max. Kaagad na nagtaasan ang mga balahibo ko nang paulit-ulit na nadinig ko ‘yon sa aking isipan. Maging ang tinig na iyon ng matandang guro na nakita ko sa tapat ng lumang building ay umalingawngaw sa utak ko dahilan para muling bumilis ang t***k ng puso ko. Nakakakilabot isiping may kinalaman ang lahat ng iyon sa nangyari sa kawawa naming kaklase. “Gwen!” Nabalik lamang ako sa ulirat nang marinig ko ang sigaw ni Jennylyn. “Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?” Mabilis kong pinunasan ‘yong mata ko at nagulat ako nang may mahawakan akong luha. “Anong nangyari? May masakit ba sa’yo?” batid ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni Yna. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko sa mata atsaka nginitian sila. “Wala ito, huwag n’yo na lang akong pansinin,” pilit ang ngiti kong sabi sa kanila. Sa una’y tila hindi sila kombinsido ngunit kalaunan ay hindi na lang nila ako pinansin. Muli ay hindi na naman ako pinatulog ng isip ko. Pinipilit kong ipikit ang aking mga mata ngunit hayun at ayaw akong patulugin ng aking gising na gising na diwa. Sariwa pa rin sa isipan ko ang nakitang katawan ni Edmon. Ang nangyaring karahasan na kitang-kita sa katawan niya. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang sinapit ng kaklase namin sa loob pa mismo ng school. Mabilis na kumalat ang balita sa buong senior high school department. Ang pangyayari ng gabing iyon ang siyang bukambibig ng lahat ng estudyante sa building namin. Ang dating puno ng kasiyahang hallway ay napalitan ng hilakbot at pangamba dahil sa sinapit ng kaklase naming si Edmon. Nagpunta na rin ang mga magulang ni Edmon para kunin ang katawan niya. Ang mga pulis ay nanatili rito sa school habang gumugulong ang imbestigasyon. Katulad ng mga nakaraang araw, pumasok kami nang parang walang nangyari. Sapagkat iyon ang sinabi ng Admin sa amin, na baka mapabayaan naming ang pag-aaral kapag mas inisip namin ang bagay na iyon. Tahimik lamang kaming pumasok sa classroom ngunit ang hindi namin inaasahan ay ang nakita namin. Kasama ko sina Leah, Max, Yna at Princess na pumasok sa classroom nang makita namin ang mga papel na nakadikit sa silya namin nina Max at Philip, nakasulat roon ang salitang “killers” gamit ng isang marker na kulay pula. “Ano’ng - - - sino’ng gumawa nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Yna atsaka pinunit ang papel na nakadikit sa upuan namin, “Sumagot kayo, sino ang gumawa nito?” Ngunit wala ni isa sa kanila ang sumasagot. Patuloy lang sila sa ginagawa na tila ba wala silang naririnig. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako bigla ng inis. Kaya kinuha ko ang papel na nakadikit sa armchair ko at hinarap sila. “Sino ang nagdikit nito sa upuan ko?” Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat sila ay nag-iiwas ng tingin sa tuwing gagawi ang mata ko sa kanila. “We’re not sure, nadatnan na namin ‘yan kanina.” Nagulat kami sa sinabing ‘yon ni Jerald. Nagkatinginan pa muna kaming lahat at saka muling humarap sa kanila. “Imposible, walang ibang gagawa ng ganito kung hindi ang mga may ayaw sa amin!” sigaw ni Yna. Napatingin ako sa gawi nina Marianne na prenteng nakaupo lamang sa mga silya nila at parang walang komosyon na nagaganap sa paligid nila. “Kayo ba ang may gawa nito?” seryosong tanong ko sa gawi nina Marianne ngunit parang wala man lang silang narinig at nagpatuloy pa rin sa kanilang ginagawa. Hindi ko mapigilan ang mainis sa mga ginagawa nilang iyon. Malakas ang pakiramdam ko na sila ang may kagagawan ng bagay na iyon dahil sila lang ang nakikita at nararamdaman kong mainit ang dugo sa amin. “Aba, talagang hindi kayo sasagot ah.” Galit na lumapit si Yna sa kanila at sinipa ang paa ng silya ni Marianne. “Yna!” “What the hell--- what are you doing b*tch?” galit na tanong ni Marianne atsaka hinarap si Yna. Kaagad naming nilapitan si Yna nang makitang aambahan na niya ng sampal si Marianne. “Yna, stop!” sigaw ko sa kanya, “Huwag mong gagawin ‘yan.” Natigilan naman si Yna sa akmang pagsampal kay Marianne. Hawak-hawak ko ang braso niya habang nakatingin sa mga mata niya. “Hindi kami ang may gawa niyan Yna,” wika ni Joreen, “Atsaka alam mo, judgmental ka rin ah, ‘yan ba ang ugali ng top student?” inis na tiningnan ko si Joreen. Hindi ko mapigilan ang tila ba pagtaas ng dugo ko sa ulo dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Malakas akong bumuntonghininga at hinarap si Yna. “Tama sila Yna, tigilan mo na, huwag kang gumaya sa ugali nila.” Akma na akong maglalakad palayo nang maramdaman ko ang mahigpit na pagsabunot sa akin ng sinuma’ng nasa likod ko. Ang sakit! “Bitiwan mo ako!” sigaw ko pa habang nakahawak sa buhok kong hawak ni Marianne. Rinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko at tila ba parang nagch-cheer pa sila sa amin! “Hey, stop!” dinig kong sigaw ng ilan sa kanila. Pilit kong binabawi ang buhok kong hawak ni Marianne ngunit sadyang mahigpit iyon at sobrang sakit na ng pagkakahawak niya sa akin. “Wala akong paki-alam kahit top 1 ka, I hate you b*tch! Go to hell now!” dinig kong sigaw pa nito sa akin. Wala akong nagawa nang paulit-ulit niyang hatakin ang buhok ko. Napapikit ako sa sobrang sakit noon at hindi ko malaman kung saan ako hahawak. “Stop!” Kaagad na natahimik ang paligid nang marinig ang sigaw na iyon. Naramdaman ko na lang din na lumuwang ang pagkakahawak ni Marianne sa buhok ko kung kaya’t nahila ako kaagad nina Leah. “What’s happening here?” tanong ni Philip. Hindi ‘yon galit ngunit seryoso ito at puno ng awtoridad. Lahat kami ay natahimik sa kanya. Wala ni isang nagsasalita sa amin. “Are you not gonna answer my question?” muli niyang tanong, sa puntong ito ay mataas na ang tono, “Do you want me to bring you all to the guidance office?” sa puntong iyon ay ramdam kong sabay-sabay na kaming napatingin sa kanya. “Hoy, tigilan mo nga kami sa gan’yan mo Echavez, hindi mo kami matatakot dahil lang sa supreme student council president ka.” Napatingin kaming lahat kay Jerald. Galit iyong nakatingin kay Philip at tila ba gusto nang sapakin ito. “You’re not scared?” Bahagya akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Philip. Hindi ‘yon galit, kalmado ‘yon pero matatakot ang kung sinumang makakarinig noon. Nakita naming lumapit si Philip sa gawi ni Jerald gayun din siya. Nagsimulang mamuo ang tensyon sa pagitan nina Jerald at Philip. Nagpalitan sila ng tingin at tila ba naghihintay kung sino ang unang susuntok. Ramdam ko pa ang pagkalabit sa akin ni Leah. Tiningnan ko ito at kita kong inginuso niya ang dalawang nagpapalitan ng tingin. “Tigilan n’yo na parehas.” Naputol lamang ang tensyong iyon nang pumagitna sa kanila sina Jeremy at Archie. Saktong dumating na ang susunod na teacher naming na si Ma’am Rodriguez at Makita kami sa ganoong sitwasyon. “What’s happening? All of you, please sit down.” Kaagad na sinunod namin ang sinabi ni Ma’am Rodriguez. Inayos ko ang puyod ng buhok ko atsaka bumalik sa upuan ko. Buong discussion ay nasa alapaap na namang muli ang aking isipan. Maraming katanungang muli ang nagliliparan sa utak ko. Sinabayan pa ‘yon ng inis na naramdaman ko sa ginawa nila. Hindi ko labis maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iisip ng mga ito sa gitna ng nangyari sa kaklase namin. Parang wala lang sa kanila ang nangyari sa mga kaklase namin. “Ang lalim.” Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko, si Miah. “Malulunod yata ako.” Pilit akong ngumiti sa sinabi niya. Nagtataka akong tiningnan ang buong classroom at doon ko lamang napagtantong wala na pala ang teacher namin. “Ano’ng iniisip ng top 1 namin?” nakangiting tanong pa nito sa akin, “Tungkol ba sa nangyari? Huwag mo nang isipin ‘yong mga kaklase natin, baka naiinggit lang sila sa inyo.” Bumuntong hininga ako atsaka tumingin sa kanya. “Hindi ko naman talaga dapat sila papansinin eh, pero ayokong pati ‘yong mga kaibigan ko idamay nila sa mga inggit o ano man ang trip nila sa akin.” Tumango naman si Miah. Ilang minuto rin siyang tahimik kaya tahimik na lang din akong naghintay ng susunod na sasabihin niya. Tumingin ako rito, at kita ko pa rin sa singkit niyang mga mata ang sinseridad at ang walang bahid ng kasinungalingang personalidad niya gaya noong una ko siyang makilala. Hindi kinakikitaan ng takot at pangamba ang mga matang iyon sa kabila ng nangyari. Masasabi kong siya pa rin ang Miah na nakilala ko tatlong taon na ang nakalipas. “Hindi ka ba natatakot? I mean, transferee ka tapos ganito pa ‘yong nadatnan mo rito.” Ngumiti naman siya habang nasa harapan ang paningin niya. “Hindi naman maiiwasan ang takot, lalo na ngayon na nasa adjustment stage pa ako, kami,” saad niya, “pero, hindi dapat tayo makaramdam ng takot, lalo na at ginagawa naman nila ang lahat para sa kaligtasan natin.” Nakangiti akong sumang-ayon sa mga sinabi niya. Sa ganoong paraan ay bahagya akong nakaramdam ang kaunting kapanatagan. Alam kong hindi kami pababayaan ng Admin at ng mga awtoridad. “Huwag kang mag-alala, sige ka, baka maunahan kita sa ranking.” Pagbibiro niya pa dahilan para matawa kaming dalawa. Marami pa kaming napagkuwentuhan ni Miah habang wala pa kaming teacher. Napag-usapan din namin ang mga nangyari sa dati naming school mula noong umalis ako. Hanggang sa napunta ang usapan namin sa topic na pinaka-iniiwasan ko. “Hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sa mga kaibigan mo?” Ang kaninang tuwa na nararamdaman ko ay unti-unting napapalitan ng ibang pakiramdam. Hindi ko alam ang isasagot ko sapagkat hindi ako handa sa itinanong niya. “Gusto mo ba kausapin ko sila? Para naman magkausap na kayo---“ “Wala akong oras para sa ibang bagay Miah.” “Hindi sila ibang bagay Gwen, kaibigan mo pa rin sila.” Malakas ang ginawa kong pagbuntonghininga upang mapigilan ang inis na nararamdaman. “Miah, matagal nang putol ang lubid na nagdudugtong sa pagitan namin. Matagal na ring wasak ang tulay na kumukonekta sa samahan namin,” harapang saad ko sa kanya, “hindi na kailanman mabubuo ulit ‘yong lubid at tulay na ‘yon, ayoko na.” Pagbuntonghininga na lamang ang nagawa ni Miah sa sinabi ko. Hindi ko sinasadyang pagtaasan siya ng boses at sabihin ang bagay na iyon. “Sorry about that,” mayamaya’y sabi ni Miah, “maybe I don’t know everything about you guys, kaya sorry,” nakangiti at puno ng sinseridad na saad niya. Nginitian ko na lang din siya bilang tugon. Nang dumating na ang susunod na teacher ay saka siya umalis sa tabi ko at bumalik sa pwesto niya. Si Sir Reyes ang sumunod naming guro. Tahimik lamang siya at seryoso nang pumasok sa classroom namin, at hindi man lang bumati pabalik nang nag-greet kami sa kanya. Nang matapos siyang magcheck ng attendance ay isang buntonghininga lamang ang pinakawalan niya habang nakatingin sa aming lahat. “As you all know, isang nakakalungkot na balita ang nalaman natin kagabi, I am sure na lahat kayo ay nagulat din at hindi makapaniwala sa sinapit ng inyong kaklase,” saad ni sir habang nakatingin sa amin, tahimik naman kaming lahat habang nakikinig sa mga susunod niyang sasabihin. “Nakita ang katawan ni Mr. Mallari sa harapan ng boy’s dormitory kagabi. His body was inside a luggage and was chopped into pieces,” seryosong saad niya, “and based on the investigation, ilang araw nang patay si Mr. Mallari bago ito matagpuan.” Nangibabaw ang bulungan sa buong klase. Ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga iyon at nakinig lang kay sir. Habang nakikinig ay muling bumukas ang utak ko at doon ay muling naglitawan ang mga katanungan sa isip ko na wala pa ring sagot. “I want you all to cooperate during the investigation. Mamaya ay isa-isa kayong kakausapin ng mga pulis,” wika ni sir, “inaasahan ko ring kompleto kayong lahat na magsasabi ng totoo mamaya maliwanag ba iyon?” Tumango naman kaming lahat sa sinabi ni sir. Muli itong nagsalita nang may magtaas ng kamay. Si Bea iyon. “Ahm, sir, I have something to tell you, about what happened earlier.” Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Nagtatakang tiningnan ko ang gawi nila ngunit sa unahan lamang sila nakatingin. Kinalabit ako ni Leah atsaka siya bumulong. “Ano’ng sasabihin no’n?” Nagkibit-balikat ako atsaka muling tumingin kay sir. “What is it, Ms. Enrile?” tanong ni Sir Reyes. “What about these papers that were put into Gwen, Max, and Philip’s chair? Are these paper will be included in the investigation?” Gulat na napatingin kami sa kinaroroonan ni Bea. Hawak nito ang mga pinunit ni Yna na papel. At mula doon ay malinaw na nababasa ang salitang “killers”. “What? Ano ‘yan Ms. Enrile?” tanong pa ni sir, “can you show it to me?” Naglakad palapit si Bea sa harapan dala ang mga papel na iyon. Tiningnan niya ang binigay ni Bea at nagulat. Tumingin siya sa gawi namin at muling tumingin sa papel. “These were written through blood.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD