Chapter Twenty-Nine

2224 Words

“BALITA ko, okay na kayo nina Cindy, Angielyn at Chloe, ah.” Nawala ang atensyon ko sa aking binabasa nang marinig ang boses ni Miah. Vacant time ngayon at nasa corridor ako mag-isa samantalang bumili naman ng pagkain sina Yna, Leah at Max. Nakakapagtaka at ang tagal nilang bumalik samantalang kanina pa sila bumaba. Simula nang malaman nilang tatlo kahapon na maayos na kami ulit ay nakipagbati na rin sa akin sina Yna at Leah. Humingi sila ng paumanhin sa akin ay ganoon din naman ako. Pare-parehas lang kaming nadala ng kanya-kanya naming emosyon kaya nasabi nila ang mga ganoong bagay sa akin. “Oo naman,” nakangiting wika ko, “at salamat nga pala, kung hindi dahil sa mga salita mo noon, hindi ako matatauhan ngayon.” Umiling naman siya atsaka ngumiting tumingin sa akin. “Ano ka ba, Gwe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD