MICHAEL YES ang sagot na nais kong marinig sa kanya at binigay naman niya ito sa akin. Kinakabahan ako pero naglaho ang lahat ng kaba ko dahil sa naging sagot niya sa akin. Akala ko ay hindi siya magiging masaya pero mas genuine ang ngiti niya sa akin. Gusto ko sana na magpropose sa kanya sa isang magandang lugar. Pero ewan ko ba may nag-uudyok sa akin na ngayon na siya tanungin. Wala na akong hinihiling pa at babawi na lang ako sa kasal namin. Ang kailangan na lang naming gawin ay ayusin ang lahat ng kailangan. Gusto ko ng sabihin kay mommy pero bukas na lang. Alam ko na matutuwa siya lalo na gustong-gusto niya si Macy. Sa amin ang gabing ito. Hinayaan niya akong angkinin ko siya. Sa bawat haplos ko sa kanya ay mas lalong tumitindi ang pagkahibang ko at ang pagmamahal ko. Hindi ko kayan

