MACY COLLIEN Nagising ako na wala si asukal de papa ko sa tabi ko. Kaya naman bumangon na ako. Paglabas ko sa silid namin ay kaagad ko siyang hinanap. Wala siya sa living area kaya naman dumiretso ako sa kusina. Kumunot ang noo ko at agtataka ako dahil bakit may mga nagkalat na kamyas sa sahig. At tuluyang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko. “Bakit ang daming kamyas?” tanong ko sa kanya dahil isang basket ang nandito. “Good morning, mahal ko.” malambing na bati niya sa akin. “Good morning, mahal pero bakit ang dami ng kamyas mo?” tanong ko sa kanya. “Okay ang marami kaysa sa kaunti. Baka kasi hindi ko magawa ang gusto mo kaya may reserve,” sagot niya sa akin. “Mahal, reserve mo isang basket? Puwede na natin itong pampaasim sa isang banyerang isda.” sabi ko sa kanya. “Mahal ko, r

