MACY COLLIEN “Fiesta ba ngayon?” tanong ko sa sarili ko dahil parang ang sikip ng daan at may mga kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. Hindi naman ito ganito lagi kaya naman nagtataka ako.Inalalayan ako ni asukal de papa na bumaba sa sasakyan. At kumunot ang noo ko dahil may mga tao sa loob ng bahay namin at kahit dito sa labas ay may mga nakatambay. Hindi ko gaanong maaninag dahil medyo madilim. “Mahal, anong—” “Mamanhikan na kami. Hihingin ko na ang kamay mo sa mga magulang mo.” Sagot niya sa akin kaya naman biglang sumaya ang puso ko. Pamilya niya pala ang kasama namin ngayon. Kaya naman may kalokohan na naman akong naisip. “Hihingin ang kamay ko? Huwag naman, mahal ko. Baka mawalan ako ng isang kamay, joke lang po..” pabiro na sabi ko sa kanya. Nagulat ako dahil bigla na lan

