MACY COLLIEN “Anak, may problema tayo. Hanggang ngayon ay wala pa si Michael.” sabi niya sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Ang buong akala ko ay nasa loob na siya ng simbahan. “Nasaan po siya?” parang iiyak na tanong ko sa kanya. “Hindi namin alam, anak. Kanina ay tumawag siya na papunta na siya dito. Actually magkasabay lang naman kayong umalis. Pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Pero baka na-traffic lang siya kaya naman hintayin lang natin siya. Sorry sa delay, anak.” sabi niya sa akin. “Opo, baka na-traffic lang po siya. Okay lang po ako, mommy. Hihintayin ko po siya. Alam ko po na darating siya.” sabi ko kay mommy kahit na kinakabahan ako. “Thank you, anak.” nakangiti na sabi niya sa akin. Bumalik si mommy sa loob ng simbahan. Ako naman ay nanatili lang

