MACY COLLIEN Lumipas ang mga buwan. Unti-unti na akong nagiging okay. Hindi na ako umiiyak katulad ng dati. Six months na rin ng tiyan ko. Hindi ko pa alam ang gender ng baby ko. Balak ko kasi na sa susunod na balik ko na lang sa doktor. Masaya naman ako dahil may mga naging kaibigan na ako dito. At isa na doon si Henry. Lingguhan na ang uwi niya galing sa Maynila. Masasabi ko na magaan ang loob ko sa kanya. Mabait naman pala siya sadyang tahimik lang siya. Pero ngayon na close na kami ay nakikipag-daldalan na rin siya sa akin. At kapag may kailangan ako ay siya na ang bumibili dahil nahihirapan na ako sa laki ng tiyan ko. Minsan dumaan siya sa bahay doon sa Maynila kapag may ipapadala sila nanay sa amin. Kagaya na lang ngayon. May dalawang malalaking kahon siyang dala. “Salamat, Henry.

