Rain P.O.V.
Naiwan akong nakatulala dito. Napahawak ako sa labi ko.
She kissed me? She freaking kissed me!
Nagpadala naman ako sa halik niya! Pero 'di ko maitatanggi na masar---..No, i mean magaling siyang humalik.
Just like no'ng gabing---.. Hay, never mind! Lalo atang sumakit ung ulo ko sa nangyari.
Parang sure na sure siyang ako ung na-meet niya sa bar at ung naka-one night stand niya. Oh geez!
Ano ba 'tong napasok kong gusot! What should i do? Hindi ako pwedeng umamin! Over my dead sexy body!
Damn it! Paano ko ba siya maiiwasan. Ayokong nag-kakadikit kami. Weh 'di nga?
Lumipat kaya ako ng upuan? Ung malayo sakanya. Ung hindi ko maamoy ung mabango at nakaka adik niyang perfume.
Tumambay lang ako dito sa garden hanggang sa matapos ung vacant.
Bumalik na ko ulit sa classroom namin. Pagpasok ko si Angel agad ang nabungaran ko naka-upo at titig na titig sa'kin.
Ayan na naman ung nakakatunaw niyang mga titig eh.
Di ko matagalang titigan siya.. Biglang bumilis ung t***k ng puso ko habang papalapit sakanya..
Keep it cool Rain. Bakit ba ko nate-tense? Umupo ako ng 'di tumitingin sakanya. Act like normal Dude.
"Ito na pala ung notebook mo." Mahinhin niyang sabi.
Inabot ko lang ung notebook at 'di ko siya sinulyapan.
"Thanks pala ah?" Sabay hawak niya sa braso ko.
Touchy ba talaga siya? Oh sa'kin lang? Oy, wag kang feeling.
Pa-simple kong iniwas ung braso ko sa pagkakahawak niya kaya napabitaw siya dito.
Na-offend ko ba siya? Bahala siya. Basta gusto kong dumistansya sakanya.
Mabilis natapos ung buong klase. Hay makaka-uwi na din ako.
Inayos ko na ung gamit ko.
"Reng, gala muna tayo." Yaya ni Joy.
"Next time na lang Dude, sakit ng ulo ko eh."
"Ah ganun sige.. Oy, bukas na pala mag-uumpisa ung libreng lunch mo sa'kin ha?" Nakangising sabi niya.
"Oo, sige na." Walang kagana-gana kong sagot.
Paglingon ko wala na si Angel. Nagkibit-balikat na lang ako.
Baka may date sa boyfriend niya. Tss!
"Oyy, hinahanap. Nauna na. Inabangan na ng boyfriend niya eh." Panunukso ni Joy.
May pagdiin talaga do'n sa "Boyfriend"
"Heh! Manahimik ka."
Pero 'di ko matanggi sa sarili na naiinis ako pag magkasama sila ng bf niya. Selos ka?
Erase..erase.. Lalo lang sumasakit ung ulo ko. Makauwi na nga.
.
.
Ilang araw na din akong umiiwas kay Abngel. 'Di ko nga alam kong nahahalata niya ung cold treatment ko sakanya.
Lakumpake. Okay na din 'yon para 'di na niya ko kulitin pa.. At makalimutan ung nangyari sa amin.
Pero minsan nagnanakaw ako ng sulyap sa deriksyon niya at sa kamalas malasan, lagi niya akong nahuhuling tumitingin sakanya. Galing noh? Apat ata mata no'n.
After ng klase dumaan muna ako ng library. May kailangan pa kasing i-research.
I checked the time. 6:00. Ginabi na din ako ah.
I decided na umuwi na.Natapos ko din naman ung ginagawa ko.
Naglakad na ko palabas ng campus hindi ko dala si Bikey ngayon, flat kasi ung gulong tsk! Kaya ito makikipag-unahan ako sa jeep. Sasabit na lang siguro ako.
Lakad...lakad...
Napansin kong may nakatayo sa waiting shed. Medyo madilim sa gawi na 'yon.
Parang namumukhaan ko ung girl na nakatayo do'n..
Lumapit pa 'ko at na aaninag ko ung mukha niya ng malapitan.
Si.....Angel?
.
.
.
Angel P.o.v.
"Ano po Mang Isko, 'di niyo ko masusundo?" Iritang sabi ko.
Ang init kasi ng ulo ko ngayon. Sinumpong ako ng migraine.
Tapos nabangga pa ung kotse medyo malaki daw ung damage.
I just sighed. May magagawa ba ko?
I hung up the phone. Nag-iinit lang ung ulo ko eh.
Rush hour ngayon kaya for sure trafic na naman. May bago ba do'n?
Naglakad na'ko papuntang waiting shed para mag-abang ng taxi.
Madilim na din at mukhang sira pa ung ilaw sa poste. Gosh! Kung minamalas ka nga naman.
Ilang minutes na din ung lumipas pero wala pa rin dumadaan na cab!
Nilabas ko ung cellphone ko para i-text si Jeff. Kanina ko pa siya tinatawagan 'di sinasagot. Baka nasa training pa.
"Akin na 'yang cellphone mo."
Nagulat ako at napalingon sa nagsalita. Isang payatot at maitim na lalaking naka-suot ng cap ang lumapit sa akin. Mukhang hindi siya gagawa ng mabuti.
"What? Are you freaking kidding me? Ba't ko naman bibigay sa'yo 'to?" Mataray at with matching taas pa ng kilay ung pag-kakasabi ko sakanya.
Maya-maya may dinukot na siya sa bulsa niya. Nanlaki ung mata ko ng may matulis siyang bagay na tinapat sa tagiliran ko.
Do'n lang ako kinabahan..
"Bibigay mo ba yang cellphone mo, oh isasaksak ko 'to sayo." May pagbabanta sa boses niya.
Diniin nya pa ung matulis na bagay sa tagiliran ko.
Lalong bumilis ung kaba ko. Oh my goodness! Bago lang 'tong i-phone ko eh. Gift sa'kin ni Daddy no'ng bakasyon.
Ung aktong bibigay ko na ung cellphone ko sakanya.
"Psst."
May kumalabit don sa mamang mukhang adik.
Pagkalingon no'n isang suntok sa tiyan ang inabot nung mama sa isang taong naka black hoodie, di ko maaninag ung mukha nya dahil natatakyan ng dilim.
Pero agad naman bumawi ung mama at aktong isasaksak ung patalim niya do'n sa naka hoodie pero mabilis nyang hinarang ung kamay niya at isang tadyak ulit sa tiyan ung tinamo nung mama.
Napatulala lang ako, 'di ako makagalaw sa nangyari. I was totally shocked.
Nung napahiga ung mama tinapakan nung naka hoodie ung kamay no'n at nabitawan nito ung hawak nyang patalim sabay takbo.
Nang-makaalis ung mamang adik, nagka-titigan kami nung naka-hoodie. Pilit kong inaaninag ung mukha niya sa dilim.
"Rain?"
Napatingin ako sa kaliwang kamay niya bat may.......Dugo? Oh my gosh! Dugo!! Natamaan siya kanina?
"Angel!!" Rinig kong sigaw ni Jeff habang naglalakad palapit sa'kin.
Tumalikod na si Rain at mabilis na naglakad palayo.
Gusto ko pa sana siyang habulin pero ang bilis niya. 'Di man lang ako nakapag-thank you.
Tinanaw ko siya sa daan pero 'di ko na siya nakita.
.
.
Rain P.O.V.
Umaagos ung dugo sa kamay ko.
"Awts! Dahan-dahan naman!" hiyaw ko.
"Ayan kasi, nagpakabayani ka." Sabi ni Joy habang binibendahan ung kamay ko.
Medyo malaki ung sugat ko sa kamay. Pinang-sangga ko kasi kanina do'n sa holdaper.
"Nasaktan ba si Angel?" May pag aalala sa boses niya.
Nasaktan? Mukhang na-stroke nga kanina eh. Na-shocked siguro sa pangyayari.
"hindi."
"Buti na lang pala nando'n ka noh? baka kung ano pang nangyari sakanya pagnagkataon. Nasaan ba kasi ung bf niya?"
"Dumating naman eh, kaso tapos na. Nakatakbo na ung holdaper."
"Sus! Wala palang silbi 'yon. Bakit naman kasi hinayaan umuwi mag-isa si Angel?!" Nang-gagalaiting sabi niya.
"Wow ah, Bakit affected ka d'yan?" Natatawang sabi ko sakanya.
"Kung naging girlfriend ko lang siya, hatid sundo sa'kin 'yon."
Naiiling at natatawa lang ako sakanya.
"She owe you pala noh? Babawi sa'yo 'yon..Ayiee." Panunukso niya.
"Kahit hindi na."
Masaya akong natulungan siya kanina. 'Di man lang ako nakaramdam ng takot habang nakikipag-laban do'n sa holdaper.
I just want her to be safe. Oo 'yon lang.
.
.