Rain P.O.V.
MONDAY:
"Reng-Reng mag-almusal ka na dito!" Rinig ko ung sigaw ni Mama.
"Sige Ma, baba na, wait lang."
Binigyan ko muna ng pagkain ung alaga kong Hamster.
"Hamtaro, ang takaw mo talaga tsk tsk." sinubo niya kasi agad ung flower seed na binigay ko.
Name 'yon ng hamster ko na lalaki. Ham-Ham naman ung babae. cute noh?
Pagkatapos ko silang pakainin, tumingin muna ako sa salamin at sinuot ung eye glasses ko. Lagay ng konteng perfume, suklay ng buhok sabay sukbit ng back pack.
Ready to go! For sure makikipag-buno na naman ako sa mga sasakyan sa daan.
Bumaba na ako para mag almusal maaga pa naman.
"Nak, mag-jeep ka na lang kaya?, Kesa sakyan iyang si Bikey mo. Delikado kasi, mamaya mahagip ka ng truck. Oh jusko! Mababalitaan ko na lang na nawalan ka na ng paa."
Blah...blah...blah...blah..
Ang dami ng sinabi ni Carmen. Ganyan siya araw-araw. 'Di pwedeng hindi siya mag-speech. Kung hindi umaga, eh gabi siya mane-nermon.
"Okay lang ako Ma, ma-ingat naman ako eh. Don't you worry." Sabay subo ng tinapay na may hotdog.
"Sinasabi ko sayo Reng ah? Wag kang uuwi dito ng walang kamay oh binti!" Parang nanlilisik na ung mata ni Mama.
Kailangan ko ng umalis, kasi pag-hinintay ko siyang matapos, baka abutin ako ng tanghalian dito.
"Yes Ma, mag-iingat ako.."Tumayo na ako at lumabas ng garabe para kunin si Bikey.
"Nag-dala ka na ba ng panyo?"
Nagulat ako ng biglang nag-salita si Mama sa likuran ko.
"opo, Ma."
"Bimpo sa likod mo?"
"Meron na".
"Ung gamot mo?"
"Nalagay ko na sa bag."
May asthma kasi ako, pero hindi naman grabe pag sobrang napapagod lang ako saka sumisikip ung dibdib ko. Ayoko din kasing i-baby ung sakit ko, kaya nag-skateboard at nag-bbike pa rin ako kahit medyo nakaka-pagod.
Pasalamat nga ako kasi 'di naman ako ina-atake.. Pero pinapadala lagi ni Mama ung pang-bomba ko.
"Mineral water?"
Hay ang kulit talaga. Ganyan siya lagi bago ako umalis, paulit-ulit lang naman.
"Nasa bag na din."
"Ung pulbo---"
"ma!"
Tinitigan ko na siya, 'di kasi 'yan hihinto sa kaka-salita pag hindi mo pinigilan. Ginagawa niya pa din kasi akong bata kahit mas malaki na ko sakanya.
"Sabi ko nga, kumpleto na eh.." Sabi niya pa.
Sumakay na ko sa motor at sinuot ung helmet kong kulay pink. So gay 'di ba? Pero binili kasi ni Carmen 'to at mag-tatampo raw siya pag 'di ko ginamit.
Pagdating ko sa school, pinark ko na agad si Bikey sa may gilid.
Pinagpag ko muna ung uniform ko, medyo ma-usok kasi kanina. Nag-punas na din ako ng wet tissue sa mukha.
Baka mukha na kong badjao.
"Hi, Rain."
May nag-salita mula sa likuran ko.
Pag-lingon ko si Apple pala. Isang volleyball player.
Masasabi kong malupit siyang mag-laro sa court. May angas, maganda din siya. Kaya naman ang dami niyang fans. Isa na ako do'n.. Secret crush ko kasi siya.
Hindi naman kami gano'n ka-close. Sakto lang.
"Hello." Naka-ngiting bati ko.
"nag-breakfast ka na?"
Wooh! Akalain mo 'yon, tinanong niya ko?
Pero bago ako makasagot, hinawakan na niya ko sa braso.
"tara kain muna tayo."
Tatanggi pa ba ko sa isang magandang tulad niya? Syempre hindi noh!
Pagdating namin sa cafeteria, lahat ng mata nasa amin.
Kasama ko ba naman si Apple eh. Lalo na ung mga lalaking estudyante na mukhang namaligno nung makita siya.
May mga babae din napapa-tingin.
Sorry na lang guys, sa'kin muna siya ngayon. Yebeng!
Pumunta na kami sa counter para bumili ng food. Pagkatapos naming mag-bayad, umupo na kami sa bakanteng mesa.
Pancake ung sakanya at baked mac ung sa'kin.
"Gusto mo?" Alok niya.
"Ha?..hmm.. Sige tha---" Tatanggi pa sana ako ng isubo niya sa'kin ung pancake na nasa tinidor.
"Sarap noh?" Naka-ngiting sabi niya.
Napa-tango na lang ako. Nahiya ako bigla. 'Di ko kasi in-expect 'yon.
"G-gusto mo?" Alok ko rin sakanya. nakakahiya naman kasi kung 'di ko siya alukin.
"Masarap ba 'yan?"
"Hmmm.."
"Sige nga, subuan mo ako.."
What? su-subuan ko raw siya? Gusto ko sanang ipaulit ung sinabi niya.
Kumuha ako ng kapirasong baked mac at sinubo ko sakanya.
"Hmmm.. Masarap." Ngumiti siya at tumitig sa'kin. Ung titig na nakaka-concious.
Napatungo tuloy ako at binaling ung atensyon ko sa baked mac.
"Rain?" Napa-angat ako ng tingin at lumingon sakanya.
"Nood ka ng game namin mamaya ha?" Sabay patong ng kamay niya sa may hita ko.
Oh gosh!.
"s-sure.."
"alright.." Inalis na niya ung pagkaka-hawak niya sa hita ko at kumain na ulit.
Tska lang ako nakahinga ng maluwag. Nag-kwentuhan pa kami saglit bago pumunta sa kanya- kanya naming klase.
Iba kasi ung course niya. Naglakad na ako papuntang classroom.
Pagpasok ko sa loob nakita ko agad si Joy na kausap ung classmate naming babae.
Umupo na ako sa tabi niya. Kinuha ko ung notes ko at nagbasa na lang.
Habang busy ako sa pagbabasa naka-amoy ako ng sweet scent, ung parang strawberry.
Natigil ako sa pagbabasa ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Hindi na ako lumingon kilala ko na kung sino.
Pero biglang naramdaman kong may labing dumampi sa tenga ko. Automatic na nagtayuan ung balahibo ko. Malakas kaya kiliti ko do'n.
"Good morning.." Isang malambing at mahinang boses.
Napalingon ako sakanya.
Ang ganda niya ngayon at bagay na bagay sakanya ung uniform namin.. Napaka neat tingnan at parang ang bango-bango niya. Well mabango naman talaga siya.
"Morning.." Kaswal na sagot ko.
S'yempre dapat cool lang. Ayoko masyadong maging close sakanya. Mahirap na.
"Oy, Dude, nandito ka na pala?"
"Hindi. konsensya ko lang 'to.." Sarcastic na sagot ko.
"haha! Hinahanap kita kanina, saan ka ba galing?"
"Sa cafeteria.."
"'Di ka man lang nag-text na nandoon ka.."
"Ay sorry, may kasabay kasi ako.." Sumandal na ko sa upuan at tinanggal ung salamin ko sa mata.
Sumakit kasi bigla ung mata ko.
"At sino namang kasama mo kanina ha?" Nagdududang tanong niya.
"Si Apple.." Sagot ko habang nakapikit at hawak ung sentido ko.
"What?! Si Apple?! Ung volleyball player?" Gulat at parang 'di siya makapaniwala.
Napalingon ako sakanya.
"Oo, sino pa ba?" Medyo iritang sagot ko.
Bigla kasing sumakit ung ulo ko.. Baka dahil sa salamin?
"Grabe! Bilib na talaga ko sayo, Dude. Ang hilig mo talaga sa magaga---"
Pinandilatan ko siya ng mata at napasulyap ako kay Angel na kanina pa pala nakatitig sa'kin.
Sinuot ko biglang ung salamin ko at umiwas ng tingin sakanya.
Dumating na ung prof, kaya umayos na kami ng upo.
Grabe ang sakit talaga ng mata ko kaya tinanggal ko ulit ung eye glasses ko. Kaylangan ko na ata magpalit ng salamin.
"Are you okay?" Bulong ni Angel sa'kin. Pa-simpleng lumingon ako sakanya sabay tango.
Nag-concentrate na lang ako sa lesson, kahit masakit ung ulo at mata ko.
After ng klase namin, naisipan kong tumambay na lang muna sa may mini garden ng school. Tahimik kasi do'n, 'di masyadong ma-tao.
Si Joy pupunta daw munang cafeteria. Gutom na raw siya eh. Mahaba naman ung vacant namin.
Tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom. 'Di ko na rin sinulyapan si Angel. Pansin ko kasi napapanay ang titig niya sa'kin. Nakaka-ilang kaya.
Nadi-distract tuloy ako.
Naglakad na ako papuntang mini garden.
Hay, ang sarap talaga dito. Tahimik at nakaka-relax. Nag-inat pa ako habang ine-enjoy 'yong masarap na hangin.
"Hey.."
Mabilis akong napalingon at kunot noong napa-titig kay.....Angel?
Sinusundan niya ba ko? Bakit siya nandito?
Nabasa niya ata ung nasa isip ko.
"Sinundan kita, kasi..." Parang nag-iisip pa siya ng sasabihin.
"kasi?"
Bumuntong hininga muna siya bago nag-salita.
"Gusto lang kitang maka-usap.." Lumapit na siya sa'kin.
Oh no!! Wag kang lumapit.
.
.
Angel P.O.V.
Pagdating ko sa school, naka-abang na agad si Jeff sa'kin.
"Good morning, Baby, tara kain muna tayo.." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa kamay.
Pagpasok namin sa cafeteria naagaw agad ng atensyon ko ung dalawang babaeng nagsusubuan?? Si..si Rain 'yon ah?
Bakit parang ang sweet nila? oy jelling jelling.
Kailangan ba talagang magsubuan? Duh! nakaramdam ako ng inis.
'Di ko na lang sila tiningnan, pero parang may sariling isip ung mata ko at lumingon ulit sa direksyon nila. Naglalakad na sila palabas ng cafeteria.
Pagkatapos naming kumain ni Jeff, hinatid niya muna ako sa classroom. Pagpasok ko sa loob hinanap agad ng mata ko si... You know who.
And there she is.. Busy sa pagbabasa?
Umupo na ako sa tabi niya. Napansin kong napatigil siya sa pagbabasa. Ah alam ko na.
"Good morning".. Sinadya ko talagang idampi ung labi ko sa tenga niya.
She gasped. Mukhang nagulat siya. Lumingon siya sa'kin.
"Morning.." Pormal na sagot niya.
Ang seryoso niya talaga.. Amp!
Narinig kong kinausap siya ni Joy. Pasimpleng nakinig ako sa usapan nila.
Sumandal siya sa upuan at nagtanggal ng eye glasses. Mukhang masakit ung ulo niya. Wawa naman.
And then, i realize something.
Tinitigan ko siya ulit.
Oh s**t!! 'Di kaya siya 'yon? Kamukha niya talaga eh. Pagdilat niya napalingon siya sa'kin sabay suot niya ulit ng salamin.
Ano bang nangyayari? Nakinig pa ako sa pinag-uusapan nila.
Apple pala ung name nung kasama niya kanina sa cafeteria. Eh ano naman sayo?
"Grabe! Bilib na talaga ko sa'yo, Dude. Ang hilig mo talaga sa magaga---" Nakita kong napatigil sa pagsasalita si Joy.
Ano daw?? Sa magagan? Ano?
Biglang lumingon sa'kin si Rain at nahuli niya kong nakatitig sakanya. Bigla naman siyang nag iwas ng tingin.
Bakit ba siya naiilang sa'kin?
Dumating na ung prof namin, kaya focus muna kami sa lesson.
Napapasulyap ako sakanya. Tinanggal niya ulit ung suot niyang salamin at napapa-pikit.
She's not feeling well?
"Are you okay?" Bulong ko sakanya.
Sumulyap siya sa'kin at tumango lang.
Balak kong siyang kausapin. 'Di ko alam, basta gusto ko siyang maka-usap.
After class, nilapitan ko muna sila Jas at Rose. Nagdahilan na lang akong pupunta sa library.
Nakita kong lumabas na ng pinto si Rain. Susundan ko siya.
Medyo pinapauna ko muna siyang maglakad para hindi niya ako mapansin.
Papunta siya ng....garden?
Ang ganda pala dito. Ang daming bulaklak.
Nakatalikod siya at nag-iinat. Napangiti ako.
"Hey.."
Alam kong nagulat siya sabay lingon sa'kin.
Nagtataka ung mukha niya kung bakit siguro ako nandon.
"Sinundan kita kasi..." C'mon angel think.
"Kasi?"
"Gusto lang kitang maka-usap.." There you go! Nasabi mo din.
Lumapit pa ko sakanya pero umatras siya.
Bakit parang ilag na ilag siya sa'kin? Wala naman akong ketong. Mabaho ba 'ko?
"Ano ba ung sasabihin mo?" 'Di siya nakatingin sa'kin. Nakatitig lang siya sa mga bulaklak.
"Alam kong nagkita na tayo before, 'don sa....bar.."
Napalingon siya sa'kin at parang kinabahan na ewan. Pero nag iba agad ung facial expression niya. Kalmado na ngayon.
"Anong bar ung sinasabi mo? hindi ako mahilig pumunta sa mga bar.." Kaswal niyang sabi.
is she trying to be cool?
Pero iba ung sinasabi ng isip ko eh.
Mapapatunayan ko din 'yon. Soon!
Naglakad pa ko palapit sakanya at sinadya ko talagang ilapit ung mukha ko sa mukha niya.
I feel her shiver. Did i make her nervous?
Napangiti ako bago nagsalita.
"I knew it, Rain.. Ikaw 'yon.." Sa malambing kong boses.
"Sabi ng hin----"
Thats it, I kissed her...
Oh i missed this soft lips of her...
Alam kong nagulat siya. Bago pa siya maka-react, 'di na ko nag-aksaya ng panahon. I bit her lower lip to gain an entrance to her mouth. 'Di naman ako nabigo, when she open her mouth.
We deepen the kissed. 'Di ko mapigilang 'di mangiti.. Iba talaga ung halik niya.
Katulad lang nung nagmamake---.. Bigla niya akong tinulak at pareho kaming habol hininga.
"Why did you do that?!" Medyo galit ung boses niya at luminga-linga sa paligid.
Wala namang tao, kaya mukhang walang nakakita sa halikan namin.
Ngumiti lang ako sakanya.
"i'll go ahead, Rain.." I smirked at her sabay kindat.
Tumalikod na ako at naglakad palayo. Iniwan ko siyang nakatulala do'n, haha!
Clap..clap..Angel...
Confirmed na siya nga 'yon. Bakit ba ayaw niya pang-aminin?
I think....I like her.
Iba kasi ung epekto niya sa'kin eh. Ang lakas ng dating.
Basta gusto ko siya.
.
.
.