Angel P.O.V
Pumasok na kami sa classroom kasabay ung prof namin. Naunang umupo sila Jasmine at Rose.
"Okay class, you have a new classmate. Miss. Delos Reyes, please introduce yourself." Sabi nung prof.
Lahat sila nakatingin sa'kin. Bigla tuloy akong nahiya.
I cleared my throat bago mag-salita.
"Hello guys, i'm Angel Delos Reyes, 18years old. I hope we can get along."
Pagkatapos kong magpakilala naghanap na ko ng ma-uupuan.
Linga..linga..Ayon! May bakante sa may likod, napansin ko din ung Girl na nakatingin sa direksyon ko.
Si...si..astig Girl. Ung nakita ko kanina sa cafeteria.
Bigla akong napangiti. Classmate pala kami, small world huh? She look so interesting.Naglakad na ko palapit sakanya at akalain mong naka-titig din pala siya sa'kin.
Parang pinag-mamasdan niya ung suot ko. She's checking me out? Umangat na ung tingin niya at nag-tama ulit ang mga mata namin. Ngumiti ako sakanya.
Pero bigla naman siyang umiwas ng tingin. anong nangyare? umupo na ko sa tabi niya.
Napapa-sulyap ako sakanya. May kamukha siya eh. Saan ko nga ba siya nakita? hmmm.
Mamaya ko na nga lang iisipin, makikinig muna ako sa prof namin. Mukhang kaylangan kong maka catch up sa lesson.
"we're going to have a quiz next meeting, okay?" Sabi pa ng Prof.
Lagot! Wala akong notes. Paano ba ito?
Sumulyap ako kay astig Girl. Kung mang-hiram kaya ako ng notes sakanya? Okay lang kaya? ba't di mo itry?
"hey" Lumingon naman siya.
"pwede ba akong humiram sayo ng.. ahmm notes?" Medyo nahihiya pa ako. Para kasing ang seryoso niya eh.
"S-sure. Sige bibigay ko sayo after class." Naka-ngiting sabi niya.
Marunong naman pala siyang ngumiti.
"Thanks" Ngiting-ngiting sabi ko. Tinuon na niya ulit ung atensyon sa Prof naming nagdi-discuss.
Pero parang may sariling isip ung mga mata ko, napapa-sulyap ako sakanya.Naramdaman niya sigurong tinititigan ko siya kaya napalingon siya sa'kin.
Napaiwas naman ako agad ng tingin. Angel ano ba? Bakit mo ba siya tinititigan? 'di ko din alam!
Maya-maya parang nag-bubulungan sila nung katabi niyang Girl. Yon ung nakita kong kasama niya sa cafeteria. After ng class inayos ko na ung gamit ko.
"Hi, Angel. I'm Joy nga pala.." Napa-angat ako ng tingin. Nakatayo na pala siya sa harap ko.
"Hello.." Naka-ngiting bati ko. Biglang may inabot na notebook si astig Girl, kaya napa-lingon ako sakanya.
"Thanks, balik ko nalang sa monday."
"Okay no prob." Tumayo na siya bit-bit ung backpack niya.
Pero parang may na-push sa'kin para......hawakan siya sa kamay. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Wait... Ano palang name mo?"
"Rain.."
"Rain? As in ulan?" 'di ko alam bakit ko natanong 'yon. Curious lang ang peg?
"Yep.." Tipid niyang sagot.
Tinitigan ko ang mukha niya na parang kina-kabisado ko ang bawat parte no'n. Ung matangos niyang ilong at perfect shape na labi.
Nakita ko na talaga siya eh.
"You know what, may kamukha ka."
"Ah, kamukha yan ni Avril Lavigne.." Sabat nung Joy.
Oo nga, ang laki ng hawig niya kay Avril. Girl crush ko kaya 'yon dati.
"Yeah, mag-kamukha nga kayo. Cute.." Naka-ngiting sabi ko.
Pero parang nag-kita na kami somewhere eh.
"Nag-kita na ba tayo before?" Napa-titig naman siya sa'kin, as in super titig. Walang kurap-kurap.
Biglang nanlaki ung mata niya na parang may na-alala din. Bigla siyang napayuko at hindi mapakali. What's up with her?
"are you oka---" Hahawakan ko sana siya sa balikat, Pero.
"Angel! Baby!" Narinig kong tawag ni...Sino pa nga ba? my boyfriend. Great! Just great!
Gusto ko pa sanang kausapin si Rain, kaso naghihintay na si Jeff sa may pinto. Lumapit na din sa'kin sila Jasmine at Rose.
"Sige guys, una na kami.." Paalam ko.
Ngumiti lang sa'kin si Joy na pagkatamis-tamis. Natawa naman ako. Halatang nagpapa-cute eh.
Bumaling naman ung tingin ko kay Rain na nakayuko at parang may malalim na iniisip.Hindi nga ata niya napansin na paalis na ako.
Pag-lapit ko kay Jeff, umakbay siya agad sa'kin. Parang nailang naman ako. Pasimple kong tinanggal ung kamay niya sa balikat ko.
Bago pa ko tuluyang makalabas ng pinto 'di ko mapigilang hindi lumingon kela Rain at 'di ko inaasahan na naka-titig pala siya sa'kin.
I winked at her kaya naman napayuko siya.
She's soo adorable! Ang sarap niyang i-tease. Napa-ngiti na lang ako.
.
.
Rain P.O.V.
What the?...Sh*tness!! Siya ba si pretty Chick na naka-one night stand ko two weeks ago?!
Hindi ako pwedeng magkamali. Ung maliit niyang nunal sa lower lip, ung ngiti niya at ang singkit niyang mga mata.. siyang-siya eh!
Idagdag pa ung strawberry scent niya. 'Yon din ung naamoy ko nung gabing nag mamake-out kami.
"Dude, namaligno ka ba? Kanina ka pa tahimik d'yan ah! Ano nangyari?" Tanong ni Joy habang nag-lalakad na kami papuntang parking lot..
"Dude, siya 'yon eh.."
"ha? sinong siya? putres! May nakikita ka bang 'di ko nakikita, Dude?" Bigla siyang yumakap sa'kin at mukhang takot na takot. Baliw talaga 'to.
"Anong pinag-sasabi mo d'yan?" Maang na tanong ko.
"nakakakita ka ba ng moo-moo?" Binatukan ko siya.
"Sira! Hindi 'yon ung ibig kong sabihin.." Natawa ako.
"Eh ano ba 'yon? Liwanagin mo kasi."
"ung naka..hmm.." Tinitigan ako ni Joy na nag-hihintay ng sasabihin ko.
"Si Angel, ang naka---" Nanlaki ung mata ni Joy at mukhang na,gets na niya.
"Oh! my golly wow! Siya ung, Wait ano nga 'yon?"
Toink! kala ko pa naman na-gets na niya.. Siraulo talaga 'to!
Napakamot na lang ako ng batok. Bumulong ako sakanya.
"Si Angel ung naka-one night stand ko."
"Hoomay gahd! 'di nga Dude, siya ung naka,one---"
Hinampas ko na agad ung noo niya. Ang lakas ng boses eh. Napalingon sa amin ung ibang estudyante.
"Pwede bang hinaan mo yang bunganga mo, kahit ngayon lang?" Kaasar ah!
"Hehe sorry naman. Di nga? Siya ung naka-chukchak mo? Reng, swerte mo! 'Di ka man lang nag-share.." May pang-hihinayang sa boses niya.
Ano akala niya kay Angel pancit canton na pwedeng i-share?
"Sapak you want?! Secret lang natin 'yon ah? Ayokong malaman niya."
"Sure! Pero parang namu-mukhaan ka niya, Dude eh. Paano 'yan?" Napaisip ako saglit.
"Pwede ko namang i-deny eh. Madilim sa bar at sa apartment no'n. Kaya for sure, 'di na niya ko mamu-mukhaan. Tska wala naman siyang ebidensya 'di ba?"
"Wow soco lang? Haha! Pero sige sikretong malupit lang natin 'yon, basta ba libre mo ko ng lunch for one week.." Naka-ngising sabi niya.
Naknang tipaklong! kaylangan may suhol pa sa kurimaw na 'to?
"Bakit may gano'n? Tska ikaw ang may kasalanan kong bakit ako namo-moblema ngayon." Naka-taas ung isa kung kilay.
"Ayaw mo ba? Oh 'di sige sasabihin ko kay---"
"Oo na, oo na! Bwisit!" 'Di ko alam bakit ako nagpapa-uto sa ugok na 'to.
Ngiting tagumpay na ang kurimaw ngayon oh.
"Deal!" Ngiting-ngiting sabi niya.
Ayokong malaman ni Angel ung totoo. Ang awkward kasi, tska ayokong isipin niyang gano'n ako. Ung nakikipag-one night stand. And the worse thing, baka ipag-kalat niya pa sa school pag nalaman niyang ako 'yon. Kaya mag-kamatayan na, 'di ako aamin! No way!
Pero anong ginagawa niya doon sa bar na 'yon? Sa pag-kakaalam ko exclusive for Bi and les lang ung gabing 'yon. Kala ko ba straight siya? Boyfriend niya nga ata ung sumundo sakanya kanina eh.
May pababy-baby pa.. Pwe! Oy ampalaya.
"Hello, may kausap pa ba ako, Kokey?" Siko ni Joy sa'kin.
"Ano ba 'yon?" Singhal ko sakanya. Istorbo masyado sa pag-iisip ko.
"Kasi.....Pwede bang..." Parang nahihiya pa siyang sabihin.
"Ano nga? Tagal!"
"Powtek! ito na nga eh..hmmm.. Pwede bang makikain sa inyo mamaya?"
"Anak ng putspa ka talaga! Wala ba kayong pagkain sa bahay, Namumulubi ka na ba?"
Halos sa bahay na kasi siya tumira. Tatlong kanto lang kasi ung layo ng bahay nila sa amin.
"Alam mo namang laging wala si Papa sa bahay, napupurga na ko sa lutong ulam kela ate Neng, forty pesos na ulam doon kakarampot. Parang pagkain lang ng manok.." Reklamo niya.
Grabe ang dami na niyang sinabi. Nagpapa-awa talaga oh.. Sige konti pa maco-convince na ko.
"Pero sige, okay lang kong pabigat na ko sa'yo.." Lungkot lungkutan niya pa.
Hanip sa pangungon-sensya.
"Oh sha.. Paawa ka pa eh noh? sige doon ka na sa bahay kumain mamaya.."
"Yes!!" Tuwang-tuwang sabi niya. Sumakay na ko sa motorbike ko at bago pa ako makapag-pidal.
"Dude?"
"Ano na naman ba 'yon?" Inis na sabi ko.
"Hehe, pwede bang...maki-angkas na rin? Traffic ngayon eh.."
Wow! abusayap (abuso) na siya ah?
"Ang sabihin mo, nag titipid ka na naman! Paano nauubos iyang pera mo sa babae.." Sermon ko sakanya.
Totoo naman kasi, napaka-galante sa Chicks pero pagdating sa'kin maski bubble gum 'di maka pang-libre.
"Oy hindi ah! Baka kasi ma-miss mo ko eh, kaya sabay na tayong umuwi.." Pang-uuto niya pa.
Pipigilan ko pa sana siya, kaso naka-angkas na siya agad sa likuran ko.
Hay!! Daig ko pang may alagang autistic.
.
.
Angel P.O.V.
Rain...Rain...
That Girl! Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan ko siya nakita.
And she's acting weird kanina. May something eh.
"Baby, kanina ka pa tahimik d'yan. Ano bang iniisip mo?" Tska lang ako bumalik sa ulirat.
"Ha? w-wala. Nagugutom na ko.." Pagdadahilan ko na lang.
"Sige, kumain muna tayo ng dinner bago kita hatid.."
After namin kumain hinatid na rin ako ni Jeff sa bahay. Dumiretso na ko agad sa kwarto.Naligo at nagbihis na ko ng pang-tulog tska nahiga sa kama.
Ini-imagine ko pa rin ung mukha ni Rain. That beautiful face. Naalala ko ung notebook na hiniram ko sakanya. Tumayo ako sa kama at binuksan ung bag ko para kunin ung notebook ni Rain.
"Rainville Reid.." Nakita kong naka-sulat sa gilid ng notebook niya.
Ang cute ng name niya. It's so unique. Reid? I think she's half. Half American i guess?
Iba kasi ung pagkaputi niya eh. I love her light brown eyes. Matapang ung mata niya pero napaka-attractive. Lalo na ung mapupula at perfect heart shape niyang labi. Arrh! Oh gosh! Fan na ba niya ko? Avril look a like nga talaga.
Binuklat ko ung notebook. Maganda ang sulat niya ah. Infairness. Ang dami ko palang susulatin hay! Nakakatamad!
Paphoto copy ko na lang kaya? Shocks! bakit 'di ko 'yon agad naisip? Paano puro ka Rain! Oh Edi wow!
Humiga ako sa kama habang hawak ko ung notebook niya na nakapatong sa may dibdib ko. Para naman akong obsessed sakanya nito. Parang tanga lang angel?
I admit na-attract ako sa mga babae. May naka-fling na nga ako dati nung high school eh.I think five months din tumagal ung pagiging M.U. namin.. M.U. As in Malabong Usapan.
Friends pa din naman kami ngayon. Siya nga nagyaya sa'kin pumunta ng mga exclu na pang les. You know to have fun.
speaking of exclu bar ba kamo? Saglit akong napaisip At parang puzzle na nabuo sa utak ko.
Hindi kaya siya ung? Oh no!! Si....Rain...ung nakamake-out ko last time?
Napailing ako. Baka kamukha lang? Medyo malayo kasi sa personality nung naka make-out ko last time sa nakikita kong personality ni Rain.
Para kasing ang seryoso ni Rain..Tahimik. Misteryosa.
Unlike do'n sa na-meet ko sa bar na aggresive at ehem. Ang hot nung naka make-out ko na yon... And she's really good in be---.. Yeah! She is!
Medyo tipsy na kasi ako that time kaya 'di ko na masyadong maaninag ung mukha niya.Pero tanda ko pa naman ung face niya.
Balik tayo kay Rain.
Basta i want to know her more.Gusto ko maging close kami.. parang there's a part of her na gusto kong alamin at makikilala pa..Ngayon lang ako naging interesado sa isang tao...
Napangiti ako...Paano kung siya pala ung nakamake out ko? 'Yon ang gusto kong alamin.
Just watch and learn.
.
.