bc

MY HUSBAND'S BROTHER

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
family
age gap
heir/heiress
tragedy
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Mas matibay pa sa dugo ang pinagsamahan natin... pero sapat ba 'yon para labanan ang mundong humahadlang sa atin?" Si Selena - ang asawa ng kapatid ko. Ang babaeng itinuring kong pamilya, ngunit minahal ko nang higit pa sa dapat. Si Mark - ang bayaw na laging nasa malapit. Ang tanging nakapuno ng pagkukulang ng asawa ko. Ang tanging nakakaintindi sa akin. Sa loob ng iisang bahay, sa ilalim ng iisang apelyido - lumago ang isang pagmamahal na hindi dapat umiral. Isang lihim na mas malalim pa sa dugo, mas matibay pa sa bawal na ugnayan. Hanggang sa ang bawal na pagmamahal ay nagbunga - isang buhay na magpapatali sa amin habang-buhay, ngunit magpapabagsak din sa lahat. Siya ang magiging ina ng anak ko. Pero siya ay asawa ng iba. Nang lumabas ang katotohanan, gumuho ang mundong pinaghirapan namin. Ang pamilyang buo - napunit. Ang pagmamahalang totoo - naging kasalanan. At sa huli... ang tanging tanong na lang ba namin - sapat ba ang pag-ibig para panindigan ang lahat, kahit kapalit ay pagkawala ng lahat ng mahalaga sa amin? Hindi dugo ang nagbubuklod sa amin. Kundi ang lihim na dala ng bawat patak ng ulan... at bawat patak ng dugong dumadaloy sa anak naming hindi dapat nag-exist.

chap-preview
Free preview
Damdaming Hindi Dapat
POV: Mark Selena Alves-Samonte. Ang asawa ng Kuya ko. At dito nagsimula ang lahat-lahat. First day of the week... "Mark, matagal ka pa diyan sa banyo? Malelate ka na. Bilisan mo kaya no!" Malakas na sigaw ni Selena mula sa labas ng banyo kasabay ng sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Ang boses niya ay puno ng pag-aalala at pagmamahal, ang boses na sanay na sanay na akong naririnig tuwing umaga. Pero ngayon, parang may iba na akong nararamdaman sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Monday na naman. Ito na yata ang araw na ayaw ko sa lahat dahil kailangan kong bumalik sa boarding house. Limang araw akong malalayo sa bahay. Limang araw na hindi ko siya makikita, hindi ko siya makakausap, hindi ko siya maaalagaan. Pero may choice ba ako? Kailangan kong magtrabaho, kailangan kong magpatuloy sa buhay ko kahit na ang totoo ay ayaw kong umalis. Ayaw kong iwan siya dito nang mag-isa habang ang Kuya ko ay abala sa kanyang sariling mundo. "Ate Selena!" sigaw ko pabalik habang mabilis na pinupunasan ang katawan ko ng tuwalya. "Ihahanda ko na ang breakfast mo. Naiayos ko na rin ang mga damit na dadalhin mo. Yung mga bagong laba, nilagay ko na sa loob ng bag mo para hindi ka na mahirapan pa." Naiimagine ko na ang kilos niya kahit hindi ko siya nakikita. Maagang-maaga pa, halos alas-kwatro pa lang ng madaling araw, pero punong-puno na siya ng energy. Ganyan siya palagi, maalaga, masiyahin, parang tunay na kapatid na lalake ang turing sa akin. Walang pagod, walang reklamo, laging handang magsilbi sa aming pamilya kahit na halos wala naman kaming naibabalik na pagmamahal na nararapat para sa kanya. Binuksan ko ang pinto ng banyo at lumabas ako. Nakatapis lang ako sa bewang, walang suot sa itaas. Hindi naman na bago sa kanya ito. Simula ng dito na nila ako pinatira sa bahay nila, dahil nga wala naman silang Anak, ay nakasanayan na niya ito. Halos sampung taon na din... Simula ng halos ituring na nila akong Anak... Nandoon siya sa hapag-kainan, inaayos ang plato at ang kape. Nang makita niya ako, ngumiti siya nang malawak, ang ngiting nakakabawas ng pagod at bigat ng araw ko. "Ang mabuti pa, magbihis ka muna Mark. Para pagbaba mo, kakain na tayo. Okay ba yon? Baka magkasakit ka pa niyan kapag nahipan ka ng hangin." malambing na sabi niya habang itinuturo ang katawan ko. "Okay... Ayaw mo ba nito na lang muna?" biro ko habang itinuturo ang sarili ko. Gusto kong makita siyang tumawa, gusto kong makita ang ngiti niya bago ako umalis. Natawa siya nang mahina at umiling. "Hay nako, puro ka kalokohan. Nakikita na kita mula pa noong bagong dating ka dito mula sa probinsiya niyo, kaya sanay na ako. Walang bago sa paningin ko sayo. Bilisan mo na, Monday ngayon, alam mo na ang trapik. Ayaw kong magmamadali ka mamaya." "Oo na, alam ko. Pero matagal na yon ah. Mas matikas na ako, may abs pa, hindi na yung dati na puro taba lang at laging lagi mong nakikita sa paligid ng bahay." Pagmamalaki ko habang tinitingnan siya nang diretso sa mata. Napailing siya habang naglalagay ng kanin sa plato ko. "Parehas lang yon. Ikaw pa rin ang Mark na kilala ko. Walang magbabago. Para sa akin, ikaw pa rin yung batang kapatid na inaalagaan ko noon hanggang ngayon." Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi niya. Batang kapatid. Iyon lang ang tingin niya sa akin. Pero sa akin, matagal na akong hindi na bata. Matagal na akong lalaking may nararamdaman para sa kanya. Sandali akong natahimik bago tumango. Pumasok ako sa kwarto at mabilis na nagbihis. Pinili ko ang pinakamagandang damit na meron ako, gusto kong maging presentable sa paningin niya kahit alam kong hindi naman niya iyon papansinin. Nang bumaba ako, nandoon pa rin siya, naghihintay. Tahimik kaming kumain sa unang ilang sandali. Ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng kubyertos at ang mahinang huni ng ibon sa labas. Tumingin ako sa kanya at napansin ko ang pagod sa mukha niya. Ang bigat ng mga mata niya na parang kulang sa tulog. May mga bakas ng lungkot na pilit niyang itinatago sa likod ng kanyang ngiti. "Nga pala, umuwi na ba si Kuya?" tanong ko habang humihigop ng kape. Tumingin siya sa akin at tumango nang bahagya. "Oo, hindi ko na namalayan. Siguro madaling araw na siya nakauwi. Nagising na lang ako, katabi ko na siya. Sobrang busy na naman sa negosyo no? Halos hindi na namin siya nakakausap nang maayos nitong mga nakaraang araw." Bumuntong-hininga siya, isang buntong hiningang puno ng pagtanggap at pagod. "Ganoon talaga siya. Nakakagulat na lang kung uuwi siya nang maaga. Baka end of the world na yon." Biro ko para mapagaan ang kanyang loob. Natawa siya nang mahina, pero parang may lungkot pa rin sa mata niya. "Totoo naman. Bihira na siyang umuwi nang maaga nitong mga nakaraang buwan. Minsan pakiramdam ko ay mas kilala ko ang bahay na ito kaysa sa asawa ko mismo." Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto kong sabihin sa kanya na nandito ako. Na hindi niya kailangang mag-isa. Na handa akong maging sandalan niya kung kailangan niya ng kausap o karamay. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang mga bagay na iyon nang malinaw, baka mapansin niya ang tunay kong nararamdaman. Si Selena, 34 anyos. Ang asawa ng Kuya ko na si Kuya Drei. Sampung taon silang magka-edad. 24 anyos lang siya noong nagpakasal sila. Ako naman, 22 anyos na, at nakatira sa kanila habang nagtatrabaho sa Makati. Subalit halos dito na din ako lumaki. Kaya naman madalas kaming magkasama, dalawa lang sa bahay kapag nasa labas si Kuya. Ang mga sandaling iyon ang pinakahihintay ko sa bawat araw, ang mga sandaling kami lang ang magkasama at walang ibang nakapaligid sa amin. Maganda siya. Hindi lang basta maganda, yung klase ng ganda na tumatagal. Maamo ang mukha, parang anghel. May mapupungay na mata na laging puno ng kabutihan. At kahit may edad na, mas lalong gumanda, mas lalong uminit ang dating. Hindi na siya yung batang babae na nakilala ko noon. Isa na siyang ganap na babae na puno ng karunungan at lambing. Alam ko na mali na isipin ko ito, pero hindi ko mapigilan. Sa bawat araw na lumilipas, lalo lang akong nahuhulog sa kanya nang mas malalim. Bank teller siya sa bangko dito sa Sta. Maria. Araw-araw pumapasok, tapos uuwi, magluluto, maglilinis, aasikasuhin ang bahay at kami rin. Habang si Kuya Drei ay laging wala, laging busy sa negosyo ng furniture at wood crafts. Mabigat ang bulsa, oo, kaya naman komportable ang buhay namin. Pero kulang sa oras para sa asawa. Kulang sa atensyon na dapat ay para lang kay Selena. Nagtapos ako ng kolehiyo, ngayon ay nagtatrabaho sa BPO sa Makati. Kaya kailangan kong bumalik sa boarding house tuwing Lunes. Limang araw na paghihiwalay. Limang araw na hindi ko siya makikita. At habang tumatagal, lalong nagiging mahirap para sa akin ang bawat pag-alis. Nang matapos kaming kumain, tumayo siya at lumapit sa akin. Nandoon ang bag ko na nakahanda na sa gilid. Lumapit siya at inayos ang kwelyo ng polo ko. Dahan-dahan ang galaw niya, puno ng pag-aalala. Maliit lang siya, nasa 5'2". Ako naman ay 5'9". Kaya nakatingala siya sa akin tuwing ganito kami kalapit. Ang mukha niya ay halos pulgada na lang ang layo sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na dumampi sa balat ko. Napakabango niya, ang amoy na pamilyar na pamilyar na sa akin, ang amoy na nagpapakalma sa akin sa tuwing pagod ako. "O, di ba mas gwapo ka kapag maayos?" Nakangiting sabi niya habang inaayos ang aking damit. Saka kinurot niya nang mahina ang pisngi ko. "Salamat, Ate Selena..." bulong ko nang mahina, halos hindi ko marinig ang sarili ko dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. "Salamat ka pa? Ako ang asawa ng Kuya mo, parang Ate ka na rin sa akin. Kaya ito ang dapat kong gawin. Walang anuman. Paluin kaya kita kapag hindi ka nag-ingat sa biyahe." Natatawang sabi niya. Napangiti ako nang mapait. "Saan ka pa? Maganda ka na, mabait pa, maalaga pa. Ang swerte-swerte ni Kuya. Hindi niya alam kung gaano siya kapalaradong may tulad mo." Bahagyang namula ang pisngi niya sa sinabi ko at umiwas siya ng tingin. "Sana all marunong magpahalaga." Bumuntong-hininga siya nang mahina. "Kaya nga nandito ako di ba? Para punuan ang mga pagkukulang niya. Kung hindi niya kayang ibigay ang oras at atensyon na kailangan mo, babawiin ko naman yon. Nandito ako para sayo Selena, kahit alam kong hindi ko dapat sabihin ito nang malakas." Napatitig siya sandali sa akin, may halong pagtataka at pagkamangha sa kanyang mga mata. "Alam ko Mark. At salamat. Kasi kung wala ka... baka hindi ko na alam kung paano ko kakayanin ang lahat. Ikaw ang nagbibigay ng kulay sa buhay ko sa loob ng bahay na ito." Tumahimik kami sandali. Ang lamig ng umaga ay pumasok sa bintana, pero mainit ang pakiramdam ko sa kanya. Ang distansya sa pagitan namin ay napakalapit, masyadong malapit para sa magkapatid na turingan. "Kumain na tayo bago pa maging mainit ang araw." Pinalitan niya ang usapan kahit na kanina pa kami tapos kumain. Ang boses niya ay nanginginig nang kaunti, parang may pinipigilang emosyon. Lumapit ako nang kaunti pa, ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Naramdaman ko ang bango ng buhok niya, ang init ng katawan niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha nang mas malapitan, ang bawat detalye ng kanyang mukha na tila ba inukit ng Diyos nang perpekto. Napailing ako nang dahan-dahan. Mali ito. Siya ang asawa ni Kuya. Ako ang bayaw niya. Pamilya kami. Walang maaaring mangyari sa amin. Walang dapat mangyari. Pero habang nakatingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata... alam kong huli na ang lahat. Dahil sa sandaling iyon, alam kong hindi na lang basta pagmamahal ng kapatid ang nararamdaman ko. At mas nakakatakot, parang... parang ganun din ang nararamdaman niya. Kinuha ko ang bag ko mula sa mesa. "Aalis na ako Ate Selena." Tumango siya at ngumiti, pero may luha na namumuo sa gilid ng kanyang mata. "Ingat ka Mark. Mag-text ka pagdating mo sa boarding house ha? Para hindi ako mag-alala." "Sige po. Ikaw din, ingat ka dito. Mag-iingat ka palagi." Sabi ko habang dahan-dahang lumalayo. Paglabas ko ng pinto, hinarap ko ang umagang puno ng pag-asa at takot. Alam kong babalik ako. At alam kong sa pagbabalik ko, hindi na kami magiging katulad ng dati. Ang bawal na damdamin ay unti-unti nang sumisibol, at wala na kaming magagawa para pigilan ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
856.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
392.8K
bc

Not just, the Beta

read
365.9K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook