NOSGEL Isang buwan na ang lumipas tingin ko ayos na ako, balik ulit sa dating ako. Hindi ko na din naman nakikita si sir Enzo sa Hotel, tingin ko iniiwasan din niya na magkasalubong kami. Nakatulong din yon para mabilis na bumalik sa normal ang buhay ko. Nakapagpatayo na din kami ng tindahan ni Nanay kaya hindi na kagaya dati ang buhay namin na kapos na kapos kamin. Masasabi kong malaki ang naitulong ng trabaho ko sa hotel dahil malaki laki din ang sahod bukod doon madalas may tip din akong natataggap. "Nosgel, sasabay ka bang kumain sa amin mamaya sa cantees," tanong ni Brenda, naging malapit ko ding kaibigan si Brenda at Arlene silang dalawa ang madalas kong kasama sa lahat. Break time, lunch time at maging sa uwian kasama ko sila. Nakwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa akin at g

