NOSGEL "Bagong umaga, bagong pag - asa" usal ni Nosgel sa kanyang sarili, medyo madilim pa pero gising na siya. Maaga siyang gumising para maghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho. Ngayon ang unang araw ng kanyang pagbangon, gusto niyang kalimutan kung ano man ang nangyari sa kanya kahapon. Hindi sa iisang problema titigil ang buhay ko, hindi doon natatapos ang lahat. Wala na nga akong pinag aralan papadaig paba ako sa pagsubok, hindi ako ang dapat matalo sa larong ito. Ako dapat ang big winner, hindi ako papayag na maging talunan." "Good morning nanay," bati niya sa kanyang ina. "Napakaaga mo naman yatang nagising anak? Abay madilim pwede ka pang matulog." "Nay mahaba po talaga ang gabi ngayon pero maaga na po. Ayaw ko pong malate sa aking trabaho kaya inagahan ko po ang aking gising.

