THIRD PERSON Hapon na ng magising si Nosgel, bumangon na siya sa kamang kinahihigaan niya para makapaghanda na sa kanyang pag uwi. Napansin niya ang isang paper bag na nasa paanan niya at may nakalagay na pangalan ng dalaga. Kinuha niya iyon at tinignan, isang bestida at under garments. Nagtataka siya kung kanino galing ang mga iyon, akmang tatayo na siya ng bumukas ang pinto at nakita niyang pumasok si Ervin. "Good afternoon, kamusta ang tulog mo?" nakangiting bati ng binata sa dalaga. "Nagustuhan mo ba yang damit na binili ko para sayo?" muli niyang tanong. "Saan galing to? Bakit nag abala ka pa?" tanong ni Nosgel. "Naisip ko kasi baka maligo ka, alam ko namang wala kang extra kaya bumili na ako para may magamit ka. Sana lang kasya ang under garments na binili ko para sayo." nakangi

