NOSGEL
Sakay ng kotse ni sir Ervin ay hindi na ako nakatanggi ng pilitin niya akong ihatid. Pabor naman sa akin dahil mapapabilis ang pag uwi ko pero kasi iba din ang pintig ng puso ko kapag malapit ako kay Enzo. Madami na akong nakagawang kapalpakan sa kanya mula pa kaninang tanghali nadagdagan pa ngayon. Kahit hindi ko naman sinasadya pakiramdam ko ang tanga tanga ko dahil sa mga sinabi niya sa akin.
"Nosgel, would you mind if I asked how old you are?" hindi agad ako naka imik sa tanong niya, english kasi kailangan ko pang iproseso sa utak ko kung ano ang ibig sabihin nun para hindi ako lalo mag mukang tanga.
"How old you are, daw? baka ibig sabihin niya ilang taon na ako." sabi ko sa isip ko. lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis tamis para di mahalatang kinakabahan ako. "Ah, 22 na ako ngayon muka lang 32." pag bibiro ko sa kanya.
"You're such a nice girl, i like your sense of humor." tumatawang sabi ng kausap ko.
Napaisip na naman ako kung ano ang sinabi niya. "Bakit ba kasi panay ang english niya ganitong konti lang ang baon kong english. Sana pala dina ako sumabay sa kanila kung alam ko lang na papahirapan niya pa ako sa pag iisip." reklamo ko sa isip ko. Hindi na ako sumagot at pilit na ngiti na lang ang ibinigay ko sa kanya. Baka pag nag salita pa ako mahimatay na ako sa kakaenglish niya.
"Sir, pakibaba na lang po ako jan sa gilid, at may pupuntahan pa po kasi ako." nahihiyang sabi ko kay Sir Ervin.
"D'yan naba ang bahay ninyo?"
"Hindi po Sir, papunta po yan kila aling Bebang yung kinukuhanan ko ng bulaklak ng sampaguita para itinda sa baclaran."
"Why are you selling sampaguita kung may trabaho ka naman sa hotel?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Dagdag kita din po Sir, kailangan ko pong kumita habang wala pang sahod para po sa pang araw araw na gamot ng kapatid ko. Saka sayang din naman po ang kikitain ko sa pag titinda." nakangiti kong sabi. Sabay bukas ng pintuan ng kotse niya para bumaba. "Bye po Sir, salamat po sa free rides." nakangiti kong paalam sa kanila.
Pagkatapos kong magpaalam ay mabilis na akong naglakad papunta sa bahay ni aling Bebang. Inabutan ko pa doon si Boninay na kumukuha din ng paninda.
"Aba! Saan naman galing ang feeling prinsesa ng purok 5." nakaismid na sabi sa akin ni Boninay.
"Saan pa di sa work, working girl na ako anteh kaya wag mo akong malait lait jan." pang aasar ko din kay Boninay.
"Talaga ba, ano naman ang trabaho mo? Buti may tumanggap naman sayo eh wala ka naman natapos." mataray niyang rebat sa sa akin habang umiikot ikot pa ang mata niyang ang sarap sungkitin.
"Alam mo minsan wala nmn yan sa pinag aralan, minsan nasa diskarte yan at nadadaan sa ganda. Hindi kagaya mo walang ganda kaya iyak ka na lang jan sa side." naiinis kong sabi sa kanya. Masyado na siyang namemersonal kaya imbes na hindi ko siya papatulan ay na realtalk ko na naman tuloy siya. "Aling Bebang, nasan na po ang paninda ko para makaalis na ako. Baka mahawa pa ako ng kamalasan dito kay Boninay di ko pa mapaubos ang paninda ko." baling ko kay aling bebang.
"Tumigil na kayong dalawa jan, ito na ang mga paninda ninyo galingan niyo. Ipakita nyo ang galing ninyo sa pagtitinda hindi sa pag aaway." sermon sa amin ni Aling Bebang.
Nauna na akong naglakad papunta sa Baclaran Church malapit ng mag alas sais sana makapag paubos pa ako. Habang nag lalakad ako ay panay ang dasal ko na mapaubos ko ang paninda ko. Sayang naman kasi ang 500 na kikitain kapag naubos lahat ng paninda ko
Dahil inaasar ko si Boninay ay tumapat ako sa kanya, pareho kaming napwesto sa may gate ng simabahan at abalang nag aalok sa mga maninimba at mga deboto.
"Kuya, bili ka ng sampaguita pang alay mo, para hindi ka iwang ng jowa mo." alok ko sa lalaking parating.
Agad naman siyang lumapit kasama ang kasintahan nito at bumili sa akin. Nakita ko si Boninay na nagtaas ng kilay sa akin kaya nginisian ko lang siya. Wala aakong time makipag away sa kanya, kailangan kong mapaubos ang paninda ko. Bibigyan ko sya ng time sa day off ko kung gusto niya.
"Miss na maganda bili ka ng sampaguita pang alay mo para lahat ang hiling mo ay matupad," nakangiti kong alok sa isang babae na mukang mayaman. Nakita ko siyang ngumiti at lumapit sa akin.
"Magkano yang tinda mong sampaguita, miss." nakangiti niyang tanong.
"Naku para po sayong murang mura na lang. 50 na lang po itong tatlo para pang alay po ninyo sa poon." nakangiti ko ding sagot.
"Sige, bigyan mo ako ng dalawa at dahil mabait ka at tinawag mo akong ganda sayo na ang sukli sa 500." sabi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
"Wow! Talaga po maraming maraming salamat po madam, malaking tulong po ito sa akin." naiiyak kong sabi, ngumiti lang siya saka naglakad na palayo sa akin.
Hindi pa ako tapos umiyak ng sunod sunod na may bumili sa akin. Karamihan sa kanila ay hindi na kinuha ang sukli kaya sobrang saya ko talaga. Pakiramdam ko napaka blessed ko ngayong araw na ito at ang daming bumili at nag share ng blessing nila sa akin.
Wala pang alas siyete ay napaubos ko na ang paninda ko samantalang si Boninay ay hindi pa nakakalahati ang nabebenta. Bigla din naman ako nakaramdam ng awa sa kanya kaya naglakad ako papunta sa pwesto niya.
"Ate, kuya bili na po kayo ng tindang sampaguita ni Boninay, muka lang po siyang stress pero makatitiyak naman po kayong super fresh ang sampaguitang tinda niya." masigla kong alok sa mga nag dadaan. Narinig ko silang tumawa kaya sinundan ko pa ulit ng isa pang birra. "Lahat po ng tumawa ay kailangang bumili para hindi kayo matulad sa tinderang mukang stress." biro ko pa kaya halos lahat ng nasa tapat namin ay lumapit kay Boninay at nag sibili.
"Okay na kami Miss na maging kamukha mo wag lang sa may hawak ng sampaguita na sabi mo nga mukang stress." sabi pa ng isang babaeng di naman din kagandahan pero ang bibig ay wala ding preno.
"Ate, muka lang po yan stress dahil sa dami ng pinag dadaanan pero kapag kami po ay nag ayos, daig pa namin ang panlaban sa Bb. Galisan sa dami ng peklat namin sa balat." biro ko pa sa babae dahil nakita ko na medyo dirty din ang balat niya. Syempre di ako papayag na laitin niya si Boninay dapat ako lang ang nanlalait sa kanya.
Akalain mo, mabilis din na naubos ang paninda ni Boninay. Kaya tuwang tuwa din ang gaga, narinig ko naman na nagpasalamat siya sa akin kaya natuwa naman ako sa kanya.
"Nosgel, nakaka bwisit ka talaga, bakit kailangan mo pang sabihin na muka akong stress?" naiinis niyang sabi sa akin.
"Nasaktan ka ba? Kung di ko ginawa yon mapapaubos mo ba yang paninda mo? Alangan naman sabihin ko na ako yung mukang stress di wala ng bumili sayo kasi sasabihin nila na sinungaling ako. Saka ano ba kinaiinis mo naubos naman ang paninda mo, pasalamat ka na lang at tinulungan kitang mapa ubos kundi uuwi ka na naman na konti lang ang kita mo. Nag pasalamat ka na nga nagrereklamo ka pa. Bahala ka jan basta ako uuwi na." natatawa kong sabi sa kanya sabay talikod at naglakad palayo sa kanya.
Madalas ko lang naman inaasar si Boninay pero hindi naman ako galit sa kanya. Natutuwa lang ako kapag nakikita ko siyang gigil sa akin pero di pa naman kami umabot na nagkasabunutan.
Dahil madami akong kita ngayon samahan pa ng 50 dollars na tip kanina sa amin ni Brenda ay dumaan muna ako sa bakery at bumili ng tinapay na pasalubong para sa pamilya ko. Masaya ako dahil may pambigay na ako bukas kay nanay para sa gamot ay ulam. Mas malaki pa ang naipon kong tip ngayon kesa sa kinita ko, sana araw araw may mababait na customer akong makatagpo.
"Magandang gabi po, Nay." bati ko sa aking ina pag dating ko sa bahay namin.
"Bakit ngayon ka lang, saan ka pa nanggaling bata ka? Kanina pa kami nag aalala sayo." wika ni nanay na halatang labis ang pag aalala niya sa akin.
"Nag tinda pa po kasi ako sa Baclaran nay, miyerkules po ngayon kaya naisipan kong magtinda sayang din naman po kasi ang kikitain ko kahit konti." paliwanag ko kay nanay.
"Nagpunta nga pala dito kanina si Kath hinahanap ka, sabi ko hindi kapa umuuwi. Puntahan mo na lang daw siya sa kanila may iaalok yatang sideline din sayo baka lang daw gusto mo." sabi ni nanay. Agad akong nagpalit ng pambahay at lumabas para puntahan ang bahay ng kaibigan ko. Hindi naman yun kalayuan dito sa amin kaya madali lang puntahan.
"Tao po! Kath!" sunod sunod na tawag ko at nakita kong bumukas na ang pinto at lumabas siya.
"Bakla, kakauwi mo lang ba?"
"Oo eh, nagtinda pa kasi akong sampaguita." sagot ko.
"Gusto mo bang mag serve sa birthday ni Sir. Enzo." tanong ni kath na ikina tili ko.
"Ahhhh.........talaga ba, kailan yan? Saka saan gaganapin? Bakit hindi ko alam?" sunod sunod na tanong ko kay Kath.
"Bakla, makatanong parang Jowa lang ang peg. Bakit hindi mo alam? Malamang hindi mo alam kasi di naman ikaw ang girlfriend." pambabara sa akin ni Kath.
"Ouch! Ang sakit mo naman mag salita, kaibigan ba talaga kita o basher ko. Grabe kana sa akin FYI ( for your information ) nakilala ko na yan si Enzo ilang beses na nga akong nahulog sa kanya este nabungo sa kanya kanina kaso mukang imberna ang kagwapuhan niya sa beauty ko. Pero what Nosgel wants, Nosgel gets itaga mo pa yan sa mukhan ni Boninay. Mahuhulog din ang puso sa akin ni Sir Enzo mo na yan." punong puno ng determinasyon na sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo, Nosgel. Pagod lang yan umuwi kana at itulog mo yan. Bukas nahimasmasan kana, basta ililista ko na ang pangalan mo para sure na ang kita mo." sabi sa akin ni Kath.
Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay inaalala ko pa ang mga nangyari sa amin ni Enzo sa buong mag hapon kaya hindi ko namalayan na may kanal na pala sa nilalakaran ko.
"Ahhhh...... Boggsss.... !" napatili ako dahil nahulog ako sa kanal, hindi ko napansin dahil madilim. Kaya hiyang hiya ako dahil tyak na aasarin ako nito bukas ni Boninay dahil nakita niya akong umahon sa kanal..........