CHAPTER 8

1186 Words
ENZO "Why did you tell her that I had a crush on her?" naiinis sabi ko kay Ervin. "Mamaya maniwala ang isang yon, alam mo naman ang mga babae ngayon mangitian mo lang akala nila interesado kana sa kanila." muli kong sabi. "Hindi ka ba nagagandahan sa kanya? Matangkad, maputi, sexy mga katangian ng babaeng pihadong magugustuhan ng mga lalaking kagaya natin." sagot ni Ervin. "Not me, she's not my type and beside may girlfriend na ako at balak ko na ding mag propose sa kanya. I'm not getting any younger kaya at hinahanapan na ako nila mommy ng apo." seryosong sabi ko sa kanila. "Sigurado kana ba kay Ayana? Madami na akong naririnig about your Girlfriend pero wala ako sa lugar para magsabi sayo. Enzo, bago ka mag propose alamin mo muna kung anong klaseng babae ang papakasalan mo. Kilala mo kami hindi kami nagsasalita kapag alam namin na okay ang babaeng kasama mo but for Ayana we're not really sure kung tama ba ang desisyon mong mag propose sa kanya." sabi ni Matt habang nandito kami sa conference room at hinihintay ang taong ka meeting namin. Matagal ko ng kaibigan sina Matt at Ervin, family friend namin ang pamilya nila kasosyo nila mommy at daddy ang mga magulang nila sa negosyo. Kasabay ko silang mag aral mula elementary hanggang sa ipadala kami ng aming magulang sa america at doon nagtayo kami ng sarili naming mga negosyo. Umuwi kaming tatlo dito sa Pilipinas para imanage ang mga ibang negosyo na hawak ng aming mga magulang. Karamihan sa mga negosyong ito ay investor ang magulang ni Matt at Ervin kaya magkakasama pa din kaming tatlo. Magkakapatid na ang turing namin sa isat isa, kilala na namin ang ugali ng bawat isa at kapag tingin namin may hindi maganda sa mga taong nakapaligid sa amin ay malaya namin binibigay ang aming opinyon pero nasa sa amin pa din kung susundin or papakinggan namin ito. "Mahal ko si Ayana, at may tiwala naman ako sa kanya na hindi siya kagaya ng ibang babae jan, mayaman ang pamilya nila kaya walang dahilan para gamitin niya ako. Aside from that matagal na kaming magkakilala remember college pa lang tayo kilala na natin siya." paliwanag ko sa mga kaibigan ko. "Ang sa amin ay paalala lang, ikaw pa din naman ang may last say. Basta nandito lang kami para sumuporta sa kung tingin mo that she's the right then go." nakangiting sabi sa akin ni Ervin sabay tapik sa balikat ko. Hindi nagtagal ay dumating na ang taong hinihintay namin at nag umpisa na ang meeting. Ilang oras din ang itinagal ng closed door meeting namin at hapon na ng matapos kami. Nagkayayaan kaming magkakaibigan na kumain na lang sa restauran bago kami pumunta sa bar para mag inom. Nakalabas na kami ng Hotel at naglalakad kaming tatlo papunta sa parking para kunin ang sasakyan namin ng may isang babae na naglalakad palikod habang kumakaway at nag papaalam sa kaibigan nito. "Kita na lang tayo bukas Bren, ingat." wika niya sabay pihit paharap at eksaktong humampas ang ulo nya sa baba ko. "Aray! Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo? Alam mo ng may tao babanggain mo pa. Tanga kaba?" naiinis siyang sabi saka siya tumingala para tignan ako habang hawak ang ulo niya. Nakita ko ang pagka gulat sa kanyang mga mata ng makilala niya ako. "Oh! Bakit parang nawala ang tapang mo? Sino nga Miss ang tanga at hindi tumitingin sa dinadaanan?" sarcastic kong tanong sa kanya. Ang mga kaibigan ko ay nakamasid lang at hindi nag sasalita. "A-ah, e-eh, kasi naman Sir, bakit ba pahara hara ang mga gwapong kagaya nio dito sa daan? Dapat po sa inyo hindi lumalabas ng Hotel para hindi nabubungo ng kagaya ko. Tapos pag na fall ako hindi naman ninyo ako sasaluhin." madaldal na sabi niya na ikinagulat ko. Ang mga kaibigan ko naman ay nakita kong ngumiti at pinipigilan na matawa. "Whatttt? What did you say?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkabahala habang ako gusto ko na siyang sakalin dahil sa kung ano ano ang sinasabi niya sa akin. "Kalma Sir, ang ibig ko lang pong sabihin dapat po pinakuha na lang ninyo ang kotse nyo para hindi po kayo n ag lalakad. Kagaya niyan nabungo ninyo ako pero syempre dahil kayo ang boss ko lalabas na ako ang may kasalanan. Ako ang hihingi ng sorry, diba parang ang unfair naman yon sa part ko." muli niya pang sabi kaya lang dalawa kong kaibigan ay hindi na napigilan ang malakas nilang tawa. "Gusto mo bang palabasin na kasalan ko kung bakitb ka bumanga sa akin? Sino ba sa atin ang nag lalakad na nakatalikod? Huwang mong isisi sa akin ang pagiging tanga mo, Miss. Wala akong panahon sa ka bobohan mo!" galit na galit kong sabi sa kanya. Pero mukang hindi man lang siya nasindak sa sinabi ko. "Sir, wala po akong sinasabing ganun, pero kung yan ang gusto mong palabasin oh, eh di push mo yan. Bala ka jan Sir, mauna na po ako at mag titinda pa po ako ng Sampaguita para may kainin ang pamilya ko. Bukas n'yo na lang po ako sermunan pag pasok ko, uwian na po kaya hindi ko na kayo boss." mataray niyang sabi sabay naglakad at nilagpasan lang kaming tatlo. "Hey miss!" tawag sa kanya ni Ervin. Pero hindi siya lumingon kaya mabilisn kaming pinasakay ng kaibigan ko para habulin siya. "What are you doing?" takang tanong ko naman. "I like her!" walang kagatol gatol na sabi ni Ervin sa amin na ikinabigla ko. "Oh come on, Ervin, she's not your type." natatawang sabi ko. "Why not? Maganda siya at mukang mabait sa kanyang pamilya. Isa pa marunong siyang magtrabaho at hindi siya nahihiya." depensa niya. Pinaandar niya na ang sasakyan habang kami ni Matt ay nasa likod at naguguluhan sa kinikilos ng aming kaibigan. Hindi ako makapaniwalang napaka vocal niya sa pag sasabi na gusto niya ang walang breeding na babaeng yon. "Miss Nosgel!" tawag ni Ervin pagtapat niya sa babaeng nag aabang ng masasakyan. "Sabay kana sa amin ihatid na kita sa inyo." alok pa nito. "Naku sir, hindi na po mag aabang na lang po ako ng jeep. Huwag na po kayong mag abala." tanggi naman niya. "I insist, para hindi kana mahirapan sa pag sakay ako na maghahatid sayo." pamimilit ng kaibigan ko. Bumababa pa ito ng sasakyan at umikot palapit sa pwesto ng dalaga at pinagbuksan ito ng pinto sa tabi ng driver seat. Napapa iling na lang ako sa ginawa niya at hindi ako makapaniwala na talagang tinamaan siya sa isang kagaya lang niya. Kung sa pisikal na itsura ay aaminin kong maganda siya, matangkad din at kung mabibihisan ng maayos ay tingin ko mas lilitaw pa ang totoong ganda nito. Pero ang mga kagaya niya ay hindi malayong manggagamit lang at tanging pera lang ang gusto niya. Isang babaeng mababa ang uri at hindi dapat tinatapunan ng tingin. Dahil ang mga kagaya niya ay parang linta na kung saan may makukuha ay doon kakapit..................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD