CHAPTER 7

1499 Words
THIRD PERSON Galit na galit si Enzo dahil sa nangyari sa kanya, papunta siya sa meeting at ngayon kailangan niya pang bumalik sa penthouse niya para mag bihis. "Sh*t! That stupid girl!" galit na galit niyang ani. "Dude, calm down hindi niy naman sinasadya na mapahiran ka ng egg pie nakita mo naman na natalisod sya jan sa wire. Bakit ba kasi may wire na nakalagay jan? Pakitawag ang maintenance at pakitanggal yan." ani ni Ervin na kaibigan ni Enzo. "Kung hindi siya tatanga tanga hindi siya matatalisod, di nmn siguro invisible yang wire para hindi niya makita!" galit na galit pa ding sabi ni Enzo, habang ang dalawa niya namang kaibigan at patuloy lang siyang tinatawanan. "Mauna na kayo sa conference room at babalik lang ako sa penthouse ko para mag bihis. Tell them na mabilis lang ako." utos ni Enzo sa mga kaibigan niya saka siya tumalikod at bumalik sa elevator. Dahil pag aari nila ang Hotel ay may penthouse siya dito at madalas kapag dito siya nagtatrabaho at dito na din siya nakatira. Ayaw niyang umuwi sa bahay nila at hindi niya kaya ang trapik sa umaga ayaw na ayaw niyang nalalate sa trabaho. Samantalang si Nosgel naman ay hindi pa din tumitigil sa pag iyak, hindi niya akalain na mapapahiya siya ng ganun katindi sa unang araw niya. Hindi niya naman sinasadya na matalisod siya at yung lalaking yon ang makakasalo sa kanya. "Napaka animal niya, hindi ko naman sinasadya. Ganun ba talaga kapag mayaman, kailangan nila pahiyain ang tao." umiiyak niyang reklamo sa mga kaibigan niya. "Ayan kasi puro kaartehan ang alam di napahiya ka ngayon," sabi ni Diana sa habang nagbubukas ng locker at nakataas pa ang kilay. "Diana, ano ba yang bunganga mo kung wala kang sasabihin na maganda pwede ba pakitikom ang baho ng labas eh." naiinis namang saway sa kanya ni Arlene. "Bago nyo ako patigilin yan munang kaibigan ninyo ang sawayin n'yo. Alamin niya kung sino ang lalandiin niya!" galit na sagot nito. "Hayaan n'yo na sya." sabi na lang ni Nosgel dahil alam niya naman na walang patutunguhan ang pakikipagtalo nila kay Diana. Ayaw niya ng lumaki ang gulo dahil unang araw pa lamang niya baka bigla agad siyang maalis sa trabaho. Hindi pa siya tapos sa pag iyak ng ipatawag siya ni Ma'am Gina sa opisina nito, kinabahan si Nosgel dahil baka tanggalin na siya sa trabaho dahil sa nangyari. "Relax ka lang, hindi ka naman siguron tatanggalin. Hindi mo naman sinasadya na sa kanya ka bumagsak." pagpapalubag nang loob ni Brenda kay Nosgel. "Pumunta kana wag kana jan umiyak, I'm sure naman sibak kana." tumatawang sabi ni Diana. "Bahala na kung tatanggalin nila ako, siguro hindi pa ito ang trabahong para sa akin. Anong magagawa ko kung sadyang malapit ako today sa disgrasya." lakas loob na sabi ni Nosgel sa kanyang sarili saka tumayo at tinungo ang opisina ni Ma'am Gina. Habang papalapit siya ng papalapit sa opisina ng Visor niya ay lalong kinakabahan si Nosgel. Panay ang usal niya ng dasal na sana naman ay huwag siyang tanggalin sa trabaho. Kailangang kailangan niya pa naman ngayon ang trabahong ito para sa pamilya niya. Nasa tapat na siya ng Opisina ng kanyang supervisor kaya marahan siyang kumatok ng tatlong beses. Pinihit niya ito at dahan dahang idinungaw sa maliit na awang ng pinto ang kanyang ulo. "Tuloy kana," nakangiting sabi sa kanya ni Ma'am Gina kaya nakahinga siya ng maluwag. "Magandang tanghali po, Ma'am. Bakit po ninyo ako pinatawag? May ginawa po ba akong kasalanan? Tatanggalin n'yo na po ba ako?" sunod sunod na tanong niya sa supervisor na kaharap niya. "Relax Nosgel, huwag kang kabahan hindi kita pinapunta dito dahil doon sa nangyari kanina. Nandito ka para mag fill up para sa ATM mo." natatawang sabi ng kanyang Visor. Nakahinga siya nang maayos dahil sa sinabi ni Ma'am Gina. Umupo siya sa bakanteng upuan at nagsimulang mag fill in sa papel na ibinigay sa kanya. "Ma'am, totoo po bang hindi ninyo ako tatanggalin?" muli niyang tanong. "Hindi, wala ka naman kasalanan sa nangyari saka di mo kasalanan na kay sir Enzo ka napatapat." seryosong sabi ni Ma'am Gina. "Enzo? As in Lorenzo Garcia po ba, Ma'am?" nanlalaki ang matang tanong niya. "Bakit kilala mo ba siya?" balik tanong naman ni Gina sa kanya. "Hindi po personal pero nakapag extra na po sa sa mansion nila noong minsang nagkaroon ng party sa kanila. Doon ko po nakita ang napakalaki niyang picture." puno ng excitement na kwento ni Nosgel sa kanyang kaharap. Matapos siyang mag Fill up ay nagpaalam na siya. Halata pa din sa kanyang mata ang kilig na nararamdaman niya. Kaya pala ganun ang t***k ng puso niya kanina dahil nakita na niya sa personal ang lalaking matagal niya ng lihim na minamahal. Gusto niyang tumili pero di niya magawa, gusto niyang tawagan si Kath pero oras na ng kanyang trabaho. "Nosgel, bilisan mo nakaalis na ang guest sa room 209 kailangan na natin yon linisin bago pa dumating ang bagong guest." tawag sa kanya ni Brenda na nagpabalik sa kanya sa ulirat. "Bakit ba parang ang saya - saya mo? Ano bang pinag usapan n'yo ni Ma'am Gina?" nagtatakang tanong ni Brenda. "Wala naman pumirma lang ako ng para sa ATM ko. Hindi naman ako pinagalitan, wala naman daw kasi akong kasalanan. Pero alam mo ba kung bakit ako masaya today?" kinikilig niyang sabi sa kanyang kaharap. "Ano nga yon? Mamaya kana kiligin jan ikwento mo muna sa akin para naman masabayan kita sa kilig mo?" pangungulit ni Brenda. "Ito nga kasi yon, nalaman ko na ang lalaki palang sumalo sa akin kanina ay yong lalaking pinapangarap ko." malanding sabi ni Nosgel, hindi niya na alam ang kanyang gagawin dahil sa sobrang kilig. "Sya yung lalaking matagal ko ng crush noong nakita ko pa lang siya sa picture minahal ko na siya." dagdag pa niyang sabi. "Tigil muna kakasinghot mo ng katol, Nosgel, masama yan sa utak tignan mo epekto sayo." natatawang sagot ni Brenda sa dalaga. Agad na sumimangot si Nosgel dahil sa narinig niyang sinabi ng kanyang kaibigan. "Alam mo Brenda, nagugustuhan na kita eh, pero parang ngayon iiwasan na kita. Ang pangit mo ding kabonding wala ka man lang ka support support sa akin. Alam mong kilig na kilig ako dito babasagin mo lang, nakakainis ka din eh." sabi ni Nosgel sabay irap sa kaibigan niya. Inaya niya ng pumunta ng house keeping si Brenda para kuhain ang mga gamit na kailangan nila para mag linis. Ilang oras na alng ay matatapos na ang trabaho niya. Balak niyang mag tinda sa baclaran mamaya pag uwi niya dahil Miyerkules ngayon madaming nag sisimba lalo pag pahapon na. Pagtapat nila sa Room 209 ay nagmadali na silang maglinis, nag hati sila n i brenda ng gawain para mas mapabilis. Siya ang nag ayos ng bedsheet at si brenda naman sa banyo. Pagkatapos at nag vacuum na din siya sa may mini sala at saka siya nag ayos sa may sink may mini kitchen at mini bar kasi ang room na nililinis nila. Halos isang oras din silang nag linis nga masiguro nilang malinis na ay nag spray sila ng air freshener para mas amoy mabango ang paligid. Matapos kaming maglinis ay agad na din kaming lumabas at isinara ang pinto papunta na kami ng elevator nang maispatan ko si Enzo kasama ang kaibigan niya. Hindi ko mapigil ang tumili pero walang sound. "Ah...................." tili nini Nosgel pero walang lumalabas na sound. Nakita ni Brenda ang naging reaksyon ng kaibigan kaya inuga niya ito. "Nosgel, anong nangyayari sayo?" nag aalalang sabi sa kanya ni Brenda. "Bren, nakita mo ba yon." hindi mapakaling sabi ni Nosgel. "Ang alin ba? Ayusin mo nga para kang inasinan na bulate jan." muling sabi ni Brenda kay Nosgel. "Yung mapapangasawa ko, ayon oh naglalakad." muli niyang ani sabay turo kay Enzo na papunta na sa kanila. Hindi namalayan ni Nosgel na nakalapit na sa kanila ang magkakaibigan. "Hi miss, okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?" may pag aalalang tanong no Ervin. "Why are you asking her? muka ba sing hindi Okay sa lagay na yan!" matapang na sabi ni Enzo sa kaibigan niya. "Dude, you're so rude!" sabi sa kanya ng isa pa niyang kaibigan. "By the way my name is Matt, this is Ervin and he is Enzo." pakilala niya at sa mga kasama niya. "Ako nama po si Nosgel at ito ang kaibigan ko na si Brenda." sagot niya. "Nice name, pano ba yan mauna na kami at may meeting pa kaming kailangan puntahan. Pasensya kana dito kay Enzo ha, baka crush ka lang nitong kaibigan namin kaya mainit ang ulo sayo." sabi ni Ervin na ikinatulala ni Nosgel. Naglakad na palayo ang magkakaibigan at naiwan namang tulala si Nosgel habang tinitignan siya ni Brenda at napapakamot na lang ng ulo dahil sa hitsura ng kanyang kaibigan. "Crush niya daw ako" paulit ulit na sabi ni Nosgel kaya natatawa na lang sa kanya si brenda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD