NOSGEL
Matapos namin maglinis sa unang room ay talaga naman ramdam ko ang pagod pero sabi nga wala naman tarabaho na madali. Lahat ng trabaho mahirap pero kung mamahalin mo ang trabaho mo ay mas magiging magaan ito para sayo.
Naka dalawang room na kaming nalilinis ni Brenda ng ayain niya akong mag break time.
"Nosgel, sabay kana sa akin kung mag break ka."
"Saan ka ba bibili? Mura lang ba ang tinda sa canteen?" tanong ko, kinakabahan kasi ako baka kulang ang pera ko wala pa naman akong ibang pag kukunan kapag nawalan ako.
"Hindi naman ganun kamahal, sakto lang. Bakit wala ka bang pera?" tanong sa akin ni Brenda.
"Yung totoo ba ang gusto mo malaman." biro ko sa kanya sabay tawa at sabay na kaming naglakad palabas. "Ang totoo kasi niyan nagtitipid ako lalo unang araw ko pa lang nagtatrabaho. Mabuti nga at siniwerte akong matanggap dito kahapon, kasi madami na din akong inapplyan pero ni isa walang tumanggap sa akin dahil ni highschool di ko pa natapos. Pasalamat talaga ako kay kuyang guard." kwento ko kay Brenda habang papalabas kami ng hotel.
Inaaya niya akong lumabas para doon bumili ng miryenda naming banana cue at softdrinks. Mabuti na lang at mabait si Brenda hindi kagaya ni Diana na mukang imbyerna na agad sa akin kahit di ko pa inaano.
"Mabuti naman at natulungan ka ni Kuya Romy, sya ang Head ng mga guard dito at kilalang mabait talaga siya. Madami na din syang natulungan. Swerte mo at nakaduty pala sya kahapon." nakangiting sabi ni Brenda habang naglaakad kami pabalik ng hotel at kumakain ng banana cue.
"Mabuti na lang pala at dito ako napadpad kahapon alam mo bang madami na akong inaplayan at kahapon lang talaga ako sinwerte kung di pa dahil kay kuya Romy." buong pasasalamat kong sabi. "Sa unang sweldo ko talaga ililibre ko yun si kuya para naman makabawi ako sa kanya kahit papaano."
May 3 kwarto pa na naka assign sa amin ni Brenda na kailangan naming linisin kaya nagmamadali na kaming bumalik sa house keeping room para kunin ang gamit na kailangan namin sa pag lilinis at pagpapalit ng bedsheet.
Tulak - tulak ko ang cart na may lamang cleaning tools ay tumapat naman kami sa room 213. Nag doorbell muna kami ng may marinig kaming nagsalita ay saka kami pumasok sa loob.
"Good morning po Ma'am," sabay naming bati ni Brenda sa babaeng inabutan namin sa loob. Mukang matanda lang siya sa amin ni Brenda ng ilang taon, di naman masyado maganda . Lamang lang siya sa amin dahil may Afam siya. Nakita namin siyang lumapit sa amerikano na naka upo sa couch at kumandong. Wala man lang pakundangan na humalik sa afam at naglaplapan sila, kahit alam nilang nakikita namin sila. Nagkatinginan na lang kami ni Brenda at pasimpleng ngumiti sa isa't isa.
Matapos nag hiwalay kami ni Brenda para mabilis namin matapos ang trabaho. Ako ang naglinis ng banyo at siya ang sa kusina, nag vacuum na din ako ng buong paligid maliban lang sa kung saan sila nakapwesto. Inabot din kami ng halos isang oras sa paglilinis. Pagkatapos namin ay kaagad na din kaming nagpaalam, nagulat pa ako ng abutan kami ng babae ng tag 50dollars kami ni Brenda. Narinig kong nagpasalamat siya kaya ginaya ko na din siya, bago kami sabay na lumabas.
"Bren, totoo ba ito atin na yung ibinigay sa ating dollar?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Brenda.
"Oo, madalas kapag foreigner ang guest nagbibigay talaga sila ng tip lalo kapag nabaitan sayo. Pag pinoy nagbibigay din naman lalo pag mayayaman. Pero hindi naman lahat nagbibigay, may mga guest pa ding masama ang ugali kaya pag natapat ka sa ganun hayaan mo naman. Kailangan kalmado ka lang wag ka ng sasagot para di lumaki ang gulo, saka ka mag sumbong sa kay Ma'am Gina kapag nakaalis kana para sila ang makipag usap sa guest." muling paalala sa akin ni Brenda. "Lagi mo tatandaan ang tinuturo ko sayo, sa monday ikaw na lang mag isa ang maglilinis sa mga room kailangan ng presence of mind at lagi dapat magalang at mabilis ang kilos." muli niyang ani.
Pag baba namin ay bumalik kami sa house keeping room para ibalik ang mga gamit at inutusan ako ni Brenda na dalahin sa laundry area ang mga bedsheet na tinanggal namin. Naglakad na ako pabalik sa locker 10 minutes na lang lunch break na kaya nagmamadali na akong kumilos. Medyo gustom na din ako dahil sa bigat ng trabaho lalo na ang pagpapalit ng ilang pataong na bedsheet sa kama.
"Nosgel, lika na kain na tayo, sa canteen na tayo kain." aya na sa akin ni Brenda at Arlene.
"May baon ako, pwede bang dito n lang ao kumain. Hindi ba bawal kung dito n lang ako pupwesto?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ayaw mo ba sa canteen para may kasama kang kumain?" tanong sa akin ni Arlene.
"Halika na wag ka na mahiya kami naman ang kasama mo." pamimilit sa akin ni Brenda.
"Nakakahiya kasi ang ulam ko, longganisa lang ito kaya dito na lang ako." nahihiya kong sabi.
"Ano kaba okay lang yan, mahalaga may kakainin ka. Paborito ko kaya ang longganisa yung tipong tapos kana kumain pero nalalasahan mo pa din." natatawang sagot sa akin ni Brenda
Hinila na nila akong dalawa papunta sa canteen kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa kanila dala ang aking baunan. Napakalaki ng canteen at madami ding mga empleyado na kumakain.
Masaya kaming nag kukwentuhan nang biglang magtiliian ang mga empleyado ng pumasok ang isang grupo ng mga kalalakihan. Muka silang mayayaman at masasabi kong gwapo din naman sila. Pero yung isang lalaki ang nakakuha ng aking pansin, iniisip ko kung saan ko ba siya nakita. Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita o kung kakilala koba siya. Nakaramdam din ako ng kakaibang pagtibok ng aking puso, isang pangalan lang ang alam kong nagpapatibok sa puso ko ng ganito kaya hindi ko naiintindihan kung bakit iba ang pakiramdam ko ngayon.
"Bren, kilala niyo ba kung sino ang mga yon?" curious kong tanong.
"Hindi ko din alam kung sino yan. Ngayon ko lang din sila nakita dito pero mukang kilal sila nila Ma'am Pia baka isa sa mga stock holder o investor." sabi ni Brenda.
Tinapos na namin ang pagkain namin pero bago kami tumayo ay may lumapit sa akin na lalaki at may iniabot sa akin na egg pie.
"Miss, para sa iyo daw pinapabigay ni Erick," sabi niya kaya ang mga kasamahan namin na nasa canteen ay nagtilian maliban lay kay Diana na ang sama ng tingin sa akin.
"Nosgel, naku si Diana ang sama ng tingin sayo." sabi sa akin ni Arlene.
"Kita ko nga, wala naman ako ginagawa bakit naman siya magagalit sa akin." nagtataka ko namang sagot.
"Paano ikaw ang nilalapitan ngayon ni Erick, eh feeling girlfriend yan. Alam mo ba na lahat ng kinaibigan ni Erick na babae ay inaway niya. Kaya ending nilalayuan nila si Erick, kaya ikaw humanda kana baka bigla ka na lang niyan awayin." babala sa akin ni Brenda.
"Bahala siya hindi naman ako nag apply dito para makipag landian sa kung kanino. Nandito ako upang magtrabaho para sa pamilya ko. Hanggat wala akong ginagawang masama hindi ako natatakot sa kanya." mariin namang sagot ko.
Tumayo na ako dala ang egg pie na bigay ni Erick, kasunod ko naman si Brenda at Arlene. Naglakad na kami palabas ng canteen pero laking gulat ko ng matisod ako sa isang wire na nakalatag sa sahig kaya na out balance ako. Ipinikit ko na aking aking mata dahil alam kong babagsak na ako sa sahig. Hinhintay ko na bumagsak ako sa sahig pero pag dilat ko ng mata ko ay isang matipunong lalaki ang nasa aking harapan at nagkalat sa damit niya ang egg pie na hawak hawak ko.
"What the hell are you doing?" galit niyang sigaw sa akin.
"Naku I'm sorry po sir hindi ko po sinasadya, huwag na po kayong magalit." hinging paumanhin ko sa kanya. Lumapit ako para sana tanggalin ang mga egg pie na nagkalat sa damit niya pinagpag ko ito ng kamay ko pero imbes na mawala lalong kumalat kaya nakita ko kung gaano lumisik ang mga mata niya.
"Stop! Please don't touch me! Get out of my sight!" sunod sunod na sigaw niya sa akin. Kaya hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha habang nanginginig ang katawan ko na inakay ako palayo ni Brenda at Arlene.