CHAPTER 5

1484 Words
NOSGEL Pag uwi ko sa bahay ay agad kong ibinalita kay Nanay at tatay na may trabaho na ako. Masaya kong ipinakita sa kanila ang aking uniporme, tuwang tuwa naman sila. "Masaya kami ng tatay mo para sayo anak, sa wakas may trabaho ka na din na permanente. Hindi muna kailangang magpaaraw para kumita lang ng pera." naiiyak na sabi sa akin ni nanay. "Nay, kalma cleaner lang po ako hindi supervisor kung makapag speech ka naman parang ang taas na ng posisyon ko." pang aasar ko, grabe naman kasi may pag iyak pa siya akala mo ang taas na ng posisyon ko sa hotel. Bago ako matulog ay inayos ko na lahat ng gagamitin ko bukas, excited na ako at parang hindi na nga ako makatulog. Akalain mo ngayon lang ako nagkaroon ng permanenteng trabaho at sa isang hotel pa. Hindi ko akalain na matatanggap ako kanina, mabuti na lang at mabait talaga si kuyang Guard at naisipan niya akong tulungan. Pahiga na ako ng maisipan kong tawagan si Kath para ibalita na may work na ako. Kinuha ko ang cellphone kong panahon pa yata ni mahoma halos di na makita ang screen dahil umaandap andap na kapag pinipindot. "Hello bakla," masaya kong bungad sa kaibigan ko. "Kath, hulaan mo may trabaho na ako." excited kong sabi sa kanya. "Baliw ka din Nosgel, may pasabi ka pang hulaan ko eh sinabi muna agad na may trabaho ka ano pang huhulaan ko. Nakakaloka ka ding babae ka." mataray niyang sabi sa akin. Oo nga naman sa sobrang excited ko nasabi ko na sa kanya na may trabaho na ako. "Ako ang may chika sayo, alam mo ba na si Sir Enzo ay nandito na sa Pilipinas." halos mabingi ako sa narinig kong sinabi ng kaibigan ko. Ang kaninang kalmado kong puso ay bigla na lang tumibok ng napakabilis. Hindi ko alam dahil lang sa isang picture ay nagkakaganito na ako. Madami naman nanligaw sa akin ng mga gwapong lalaki at ang iba ay may sinasabi din sa buhay pero kahit isa sa kanila ay hindi ko naramdaman ang ganito kapag naririnig ko ang pangalan nila. "Ahhhhhhh.........kailan pa dumating. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" malakas kong sabi habang tumitili. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Nakakainis ka di sana napuntahan ko siya." pagtatampo kong sabi. "Bakla, ano girlfriend? Ipapaalala ko lang sayo ni hindi ka kilala ng tao, hindi niya alam na nag eexist ka pala. Tapos aarte ka ng ganyan. Pasalamat ka malayo ka sa akin kundi baka na batukan na kita." pambabara sa akin ni Kath. "Kahit kailan ka talaga panira ka sa mga pangarap ko, hanggang sa pangrap kontrabida ka. Oo na, sige na hindi niya na ako kilala . Happy ka na ba?" kunyaring naiinis kong sabi. Matapos namin mag usap na dalawa ay humiga na din ako sa papag. Ipinikit ko ang aking mata para matulog na, papaling paling ang ulo ko baling balikta ako pero kahit ano gawinn ko ay hindi ako makatulog. Tanging si Enzo lang ang laman ng isip ko. Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nirelax ko ang sarili ko para antukin ako, kailangan kong magising ng maaga bukas para hindi ako malate sa unang araw ng aking trabaho. Bumalik ako ng silid ko at tinignan ang oras sa pasira ko ng cellphone pasado alas onse na pala. Kailangan ko ng pilitin na makatulog para hindi ako mapuyat ng sobra. Pilit kong ipinikit ang mata ko hanggag sa tuluyan na akong nakatulog. Mag aalas singko na ng umaga ng magising ako, nagdasal muna ako bago ako tuluyang tumayo sa higaan ko. Nakita ko si nanay sa munti naming kusina na nag sasangag ng kanin. "Good morning po Nanay." masiglang bati ko sa aking ina. "Magandang umaga naman sayo anak, hinda ko na pala ang baon mo para hindi kana bumili ng kakainin mo mamaya. Alam ko mahal ang pag kaininsa canteen at wala ka pang pera." puno ng pag aalalang sabi ni nanay. "Salamat po nay, pero sana di ka na po nag abala. Baka po wala na kayong panggastos dito sa bahay." umupo na ako sa harap ng lamesa para mag almusal. Ito ang kailangan ko ngayon para may lakas ako mamaya pag nagtrabaho na ako. Pag tapos kong mag almusal ay pumasok na din ako agad sa banyo para maligo. Matapos ko ay nag ayos na ako agad ng aking sarili. Mag aalas siyete na ng handa na akong pumasokb kinuha ko na ang baon ko na nasa lamesa at inilagay ito sa bag . Sinupot ko na din ang uniporme ko na gagamitin mamaya. Sa trabaho na ako magpapalit para hindi madumihan ang uniform ko iiwan ko na din sa locker ang dalawa ko pang uniporme para hindi ko na bitbitin bukas. Nagpaalam na ako kay nanay at nagmamadaling umalis ng bahay. "Wow! Ang aga mo Nosgel, mukang malinis ka today?" pang aasar sa akin ni Boninay. "Stop! Mamaya mo na ako bwisitin Boninay, I need to go to my work, I'm a working girl now." mayabang na sabi ko sa kanya. "Mangarap ka Nosgel, libre naman yan." hindi naniniwalang sabi niya. "Eh di wag ka maniwala, pinipilit ba kita. Tigil mo ako hindi kita papatulan today dahil baka dahil sayo malate pa ako, babush!" sabi ko, malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating sa main highway. Hindi ko alam kung gaano katrapik pag ganitong oras papuntang Gil Puyat kaya nag dadasal ako na wag sana ako malate. Pag baba ko ng jeep ay dali - dali akong naglakad papunta sa sa likod ng hotel kung saan dumadaan ang mga employee. "Good morning miss, bago ka ba?" tanong sa akin ng babaeng guard. "Opo, kahapon lang po ako natanggap. Ito po ang temporary ID ko." sabay kuha ng id sa bag ko at pinakita ko sa kanya. "Pakihanap na lng jan ang time card mo at pakibalik na din pag katapos, pakisuot na din ang ID mo para hindi ka masita sa loob." bilin niya sa akin. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa locker ko inilagay ko ang gamit ko at nakatingin sa akin ang mga kasama ko. "Miss, bago ka lang ba?" tanong ng isa na tingin ko medyo mas matanda sa akin. "Good Morning Miss, ako nga pala si Erick. Pwede ka magtanong sa akin o tawagin ako pag kailangan mo ng tulong." nakangiting sabi sa akin ng lalaking erick ang pangalan. "Mag ingat ka jan kay Erick, masyadong mabait yan sa mga babae baka di mo namamalayan may isang babae ng galit na galit sayo dahil nilalandi ka na niya." paalala naman sa akin ng isa pang kasama namin. "Ako nga pala si Nosgel, pwede ko din ba malaman mga pangalan ninyo?" "Ako si Brenda, ito naman katabi ko si Arlene at itong isa na kalandian si Erick si Diana." sabi ni Brenda, nagawi ang paningin ko kay Diana at nakita ko na umirap siya sa akin. Sa loob loob ko wala naman ako ginagawa galit agad siya sa akin. May attitude din ang isang yon. Hinayaan ko na lang ayaw ko ng gulo lalo't bago pa lang ako dito at ito ang kauna unahan kong trabaho. Pagtapos namin mag bihis ay nagpunta na kami sa Meeting Room, tuwing umaga bago mag umpisa ang trabaho namin ay magkakaroon daw ng meeting para ibigay kung saan kami naka assign na floor at room. "Brenda, trainee mo muna si Nosgel for 1 week. Turuan mo siya kung ano ang mga dapat gawin at kung paano linisin ang room at pano magpalit ng maayos ng bedsheet." sabi sa amin ni ma'am Gina. "Okay po Ma'am, ako pong bahala kay Nosgel ituturo ko po sa kanya ang dapat niyang matutunan." sagot naman ni Brend, saka niya ako nginitian. Naka assign kmi sa fourth floor na dalawa at ang una naming lilinisin ay ang room 204. Nag umpisa na kaming magtrabaho at sadyang nakakapagod nga talaga ilang patong ng bedsheet ang kailangan naming palitan at yung natapat sa amin kakalabas lang ng foreigner at pinay na babae mukang nagka bemabangan pa may bakas pa ang bedsheet kaya tawa kami ng tawa ni Brenda. "Masarap na mahirap ang trabaho natin lalo na kung matapat ka sa client na masungit at matapobre. Kaya dapat matibay ang loob mo. Kapag ka ganun wag ka na lang umimik kasi pag sumagot ka baka ireport ka sa HR ikaw pa ang mamemo. Meron din namang guest na mabait nagbibigay ng tip kapag ka ganun swerte mo. Kasi ang patakaran dinto kapag sayo binigay mismo ang tip ay sayo yon. Kaya kahit paano ay may extra kang kita." paliwanag sa akin ni Brenda. Matapos namin maglinis sa unang room at talaga naman ramdam ko ang pagod pero sabi ng wala namang tarabaho na madali. Lahat ng trabaho mahirap pero kung mamahalin mo ang trabaho mo ay mas magiging magaan ito para sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD