CHAPTER 4

1517 Words
NOSGEL Maaga akong guminisng ngayon, plano kong maghanap ng mapapasukang trabaho yung permanente at may regular na kita. Hinanda ko na kagabi ang aking BIO-DATA, kailangan makahanap ako ngayon ng trabaho para hindi ako nangangamba sa gamot at panggastos namin sa bahay. Wala naman akong ibang aasahan na magbibigay sa amin kung hindi ako kakayod pare pareho kaming magiging dilat ang mata sa gutom. "Lord, tulungan mo po akong makakuha ng trabaho." taimtim kong dasal. Bumangon na ako sa kama saka kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo. Nilinis kong mabuti ang katawan ko, maski ngayong araw lang gusto ko naman maging presentable sa mga taong makakaharap ko. Hindi sapat ang ganda lang dapat malinis din para hindi naman nakakahiya. Skinny jeans, white t-shirt at rubber shoes ang suot ko. Pinuyod ko din ang aking mahabang buhok para malinis tignan ang mukha ko sabay naglagay lang ako ng pulbos at liptint. Nang masiguro kong okay na ako ay kinuha ko na ang bag ko saka ang plastic envelop na lagayan ng mga requirements at Resume ko. "San ang lakad mo anak, mukhang bihis na bihis ka?" nakangiting tanong ni Nanay, "Mag aapply po ng trabaho, baka sakali pong matanggap ako. Kailangan kong makahanap ng permanenteng pagkakakitaan para naman po hindi tayo nangangamba kung saan kukuha ng pera pambili ng gamot at pambayad sa ilaw at tubig." sagot ko. Naglalakad ako sa kahabaan ng Gil Puyat avenue para mag tingin tingin ng mga nakapaskil na hiring sa mga hotel establishment. Cleaner ang balak kong applyan dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag aaral. Nakita ko na may nakapaskil sa labas malapit sa guard "HIRING" "Ito na yata yun, Lord, sana may bakante pa, sana matanggap ako." sabi ko sa isip ko bgo ako lumapit sa guard at magtanong. "Manong, ano pong hiring ninyo? May bakante pa po ba?" magalang kong tanong sa guard na nasa harapan ko. "Accounting staff at cleaner ang vacant job. Mag aapply kaba Miss?" nakangiti niya ding sagot sa akin. "Opo kuya, bakante pa po ba ang cleaner. Yun po kasi sana ang gusto kong applyan." "Sa ganda mong yan!" gulat na sabi niya sa akin. "Manong, ganda lang po meron ako, pero pinag aralan wala kaya okay na po ako sa cleaner. Saan po ba pwede mag pasa ng resume?" "Akin na Miss, ako na ang mag bibigay sa HR sasabihin ko kaibigan ako ng magulang mo para may chance na matanggap ka. Mukang kailangan mo ng trabaho kay tutulungan na kita." sabi sa akin ni Manong na ikinatuwa ko talaga. Meron pa palang mababait na taong natitira sa mundong ito. "Naku maraming salamat po manong, hulog ka talaga sa akin ni Lord. Hayaan mo po kapag natanggap ako ililibre kita sa unang sweldo ko. Ikaw na talaga ang pinaka poging guard na nakilala ko." pambobola ko kay manong guard. "Iwan muna kita at ibibigay ko lang to sa HR, huwag kang aalis jan para kung sakaling ipatawag ka nila ay makita mo agad." bilin sa sakin ni Manong guard. Pinalitan muna siya ng isa pang guwardiya sa pwesto niya ta naglakad na siya papasok sa loob ng building. Umupo nmn ako sa tabi at matyagang maghihintay sa kanya. Baka sakaling si manong ang magbigay sa akin ngb swerte ngayong araw na ito. Ay talaga namang mayayakap ko siya pag nagkataon. Halos 15 minutes din ang hinintay ko bago ko muling nakita si Manong guard na naglalakad papunta sa amin. Nakangito siya at mukhang may goodnews. Kinakabahan man ay tumayo ako at lumapit malapit sa kung saan siya nakapwesto kanina. "Nosgel pangalan mo no?" tanong ni manong pag lapit niya sa akin. Medyo kinabahan ako dahil biglang naging seryoso ang mukha niya. Tanggap ko naman kung hindi ako matatanggap sa trabaho, ganun talaga ang buhay pero hindi ako titigil ng pag aapply hanggat hindi ako sumasakses. "Opo, Nosgel nga po ang pangalan ko." kinakabahan kong sagot. "Pasensya kana...... Ka-kasi pinapapasok kana sa loob para mainterview." masayang sabi ni manong guard sa akin. Yung patulo na sana ang luha ko biglang umatras dahil sa narinig ko. Kaya bigla akong napatalo sa tuwa sabay yakap kay manong guard habang tumutulo ang luha ko dahil sa tuwa. "Pumasok kana Miss, at hinihintay kana nila magtanong kana lang jan sa loob kung hindi mo alam saan banda ang HR." utos sa akin ni Manong Guard. Medyo may edad na din siya kung kukuusin siguro mga kaedaran niya si Tatay mas maukang malakas nga lang siya dahil matikas pa ang katawan niya samantalang si tatay ay mahina na. Nagpaalam na ako kay Manong at mabilis na pumasok sa loob, malaki talaga ang pasalamat ko dahil nakilala ko ang mbait na guard na si Manong. "Miss, pwede po magtanong. Saan po dito ang HR?" "Diretso ka lang Miss, sa dulo mababasa mo HR DEPARTMENT." sabi sa akin ng nakausap kong receptionist. Naglakad ako papunta sa tinuro niya habang nagdadasal na sana makapasa ako sa interview. "Lord, ibigay mo na po sa akin ito para sa pamilya ko. Magiging mabait po ako sa lahat lalo na po sa magiging boss ko." dasal ko habang kinakabahan ako dahil papalapit na ako sa aking interview. "Magandang umaga po Ma'am! Ako po si Nosgel ung iinterviewhin po ngayon." kinakabahan kong sabi. "Kumatok ka sa pintong yun miss," sabi sa akin ng babaeng napagtanungan ko sabay turo niya sa pintong nakapinid. Kumatok ako ng mahina at narinig kong may nag sabi ng "Come In" kaya pinihit ko ang doorknob para bumukas ang pinto. "Good morning, Ma'am, nandito po ako apara sa interview." magalang kong sabi. "Please sit down, nirefer ka sa akin ng Tito mo. Ano ba ang kaya mong gawin?" "Para po sa akin Ma'am, lahat naman po kaya ko. Kung may hindi po ako alam napapag aralan naman po. Willing nmn po akong matuto, kung sakali po na tatanggapin nyo po ako. Pangako po na hindi ko po sisirain ang tiwalang ibinigay po ninyo sa akin." buong kumpiyansang sagot ko. Nakita kong ngumiti ang babaeng nag iinterview sa akin kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Good kung ganun, dala mo ba ang requirements mo?" tanong niya habang nakatingin siya sa aking mga mata. "Nandito po lahat Ma'am, kung mayroon pa pong kulang ay ipapasa ko na lang po ulit pag nakakuha na po ako." magalang kong sagot. "Kumpleto naman ang mga requirements mo, makakapag simula kana bukas. Pumunta ka sa maintenance department para maibigay ang assign floor na lilinisin mo. Since hotel ito dadaan ka muna sa training ng 1 week para malaman mo kung paano ang tamang paglilinis ng hotel room. Wala kang Tesda training kaya ipapasama kita sa mga regular para sila ang mag turo sayo. By the way my name is Pia head supervisor." pakilala sa akin ni Ma'am Pia. Ngumiti ako at nagpaalam na para pumunta sa Maintenance bago ako umalis ay may inabot sya sa akin na papel at nabasa ko na job order ang nakalagay. Pag dating ko sa maintenance department at kumatok ulit ako, nag may marinig akong boses saka ko pa lang pinihit ang pinto. "Magandang umaga po Ma'am, pinapunta po ako dito ni Ma'am Pia." sabi ko sabay abot ng papel na binigay sa akin ni Ma'am Pia. "Ikaw pala ang bagong cleaner, may alam kaba kung paano maglinis ng hotel room?" seryosong taong ng kaharap ko. "Sa totoo po niyan Ma'am, wala pa po along alam kung paano mag linis ng Room pero willing po akong matuto at pag aralan ng mabuti ang mga trabaho." sinserong kong sagot sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti siya saka tumayo at may binuksan sa kabinet. "Ito ang uniform mo, ang pasok mo bukas ay 9-5 kailangan before nine ay naka time in kana. Ayaw ko nang nalalate at higit sa lahat ayoko ng nakakarinig ng reklamo sa oras ng trabaho. May kabigatan ang trabaho dito, ngayon pa lang sinasabi ko na. Kung di mo pa ako kilala, ako si Gina ang supervisor dito at may head supervisor din tayo si sir Ado." sabi sa akin ni Ma'am Gina. Panay tango na lang ang ginawa ko, iniabot niya na din sa akin ang uniform ko na tatlong pares. "Naku sanay po ako sa mabigat na trabaho, ma'am. Pangako po mag sisipag po ako at hindi po kayo mapapahiya sa akin." nakangiti kong sagot kay Ma'am Gina. Tinuro niya sa akin kung saan ako mag titime in bukas at kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pag ka tapos niya akong ibrief ay agad niya na din akong pinauwi at sinabihang maaga akong pumasok bukas. Masayang masaya ako habang naglalakad palabas ng Hotel. Walang pag sidlang ang tuwang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Pag labas ko ay agad kong pinuntahan si Manong at buong puso ko siyang pinasalamatan sa tulong niya sa akin. Mabuti na lang talaga at ako ang natapat sa kanya. Sa kabila ng hirap ng buhay minsan may pinapadala ding tao ang Diyos para tulungan tayo. Sila ang ginawang instrumento para sagutin ang panalangin natin........... "Thank you Lord!" tanging nasabi ko na lang habang naglalakad na pauwi sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD