ENZO Wala kaming naging maayos na usapan ni Ayana, hindi siya pumayag na makipag hiwalay. Hindi ko na muna siya pinilit dahil baka kung mapaano pa siya. Umalis ako nang Condo niya at iniwan siyang umiiyak, hindi na ako lumingon pa sa kanya. Nakakaramdam ako ng awa para kay Ayana, kasalanan ko lahat ng ito kung bakit pare-pareho kaming nasasaktan. Mahalaga sa akin si Ayana, hanggang ngayon mahal ko siya, pero gusto ko nang gawin ang tama. Mali na niloloko ko si Nosgel, dahil kasal na ako sa kanya. Dumaan muna ako ng super market para bumili ng prutas para sa asawa ko, at nag take out na din ako nang pagkain niya. Pagkarating ko sa ospital ay gising na siya at kausap niya sila mommy. Ramdam ko ang galit niya sa akin, ang mga titig niya, mga salita niya ay naroon ang matinding galit. Hi

