ENZO Dahil sa mga larawang ibinigay sa akin ni Ayana, ay nagkaroon ako nang matinding galit kay Nosgel. Umalis ako sa condo ni Ayana at pumunta sa bar kasama ang kaibigan kong si Matt. Nagagalit ako, kasi nagseselos ako, hindi ko matanggap na sarili ko na baka nga may puwang na si Nosgel sa puso ko Halos mag uumaga na nang umuwi ako galing sa bar, inabutan kong tulog na ang asawa ko. Hinubad ko ang lahat ng saplot sa aking katawan at tanging boxer brief ko lamang ang aking tinira. Nagising ako sa yugyog sa akin ni Nosgel, masakit pa ang ulo ko kaya halos ayaw ko pa sanang bumangon. Pilit niya akong ginigising at gusto niyang mag usap kami. Napipikon na ako sa ginagawa niya dahil halos wala pa akong tulog. Para siyang imbestigador at p

