NOSGEL Nagkasundo na kami ni Enzo na muling magsisimula nang aming relasyon, masaya ako at binigyan niya na ako ng pagkakataon na makapasok sa buhay niya. Hindi pa hindi pa buo pero sapat sa akin para ilaban ang kasal naming dalawa. Alam ko na may taong gusto kaming sirain at hindi ako papayag na masira niya kaming dalawa. "Mahal, I want you to go to my office later," sabi sa akin ni Enzo. Nakahiga pa ako sa kama at siya naman ay naghahanda na para pumasok sa kanyang opisina. "Okay po mahal, anong gusto mong lunch, para yun ang lutuin ko." sagot ko. "Gusto ko nang caldereta at bulalo mahal, pwede ba akong ipagluto, namiss ko na ang luto mo?" malambing niyang sabi. "Okay mahal, sabay na tayong mag lunch mamaya. Nakakatamad kasi pag mag isa lang akong kakain dito sa bahay." reklamo ko s

