Tulero at nagpupuyos sa galit si Jason. Nakakuyom ang mga palad at napatiim-bagang humarap kay Lara. Akmang magsalita siya nang makita ang rehistro ng mukha ni Lara. Sobrang takot at pagkabalisa ang nababasa niya dito. Hindi rin nakalampas sa kaniyang paningin ang mga luhang pinapakawalan ng mga mata nito habang nanginginig ang mga kalamnan. Kaya napilitan siyang kumalma. "What was that?" kunot-noong tanong ni Jason kay Lara. "I...I don't know," wika nito habang hindi na magkamayaw ang mga luha nito sa pagbaha. "What do you mean you don't know!" mariing tanong ni Jason dahil pakiwari niya'y nagkukunwari lang ito. "I don't know! I have no idea on how they knew about us, okay?" singhal ni Lara. Napatampal siya sa kaniyang noo hangang paroo't-parito. "Oh my! What I'm gonna do? Tell me pl

