Sa away man at sa gusto ni Lara, kailangan niyang tanggapin na ito na marahil ang katapusan ng kaniyang karera. Inihanda na niya ang sarili habang papasok siya sa opisina ng station manager. Dahil kung magkatotoo man ang kinatatakutan niya, kahit papaano ay naihanda na niya ang kaniyang puso sa anumang mangyari. Muli ay nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago pumasok sa naturang opisina. "Good morning, sir," malungkot na bati niya sa station manager na nakakalum-baba at mukhang malalim ang iniisip. "Sit,'' matipid na wika ng manager. Umupo naman si Lara harap ng mesa nito. ''Ano b'ang nangyari? You know what? I'm so disappointed with you. Hindi ka pa nga umabot sa tugatog ng tagumpay, bumulusok ka na," seryosong wika nito Lara. Pagdaka'y umiiling-iling. "Sir, I can explain," t

