Hindi namalayan ni Lara na magdamag pala siyang nakatulog sa balkonahe habang nakahilig sa balusters. Sa sobrang dami ng kanilang napagkuwentuhan ni Jason, nang maglaon hindi na niya nakayanang labanan pa ang antok. Kaya hindi na siya nakabalik pa sa kuwarto nila. Parang may naririnig siyang nag-uusap pero hindi ito malinaw sa kaniya dahil tulog pa rin ang diwa niya. "Anak, bakit ka dito natulog?" sabi ng babae sa likuran ni Lara kaya akala niya siya ang kinakausap nito. "Anak? Hindi naman boses ni mama 'yon ah! Teka, Saan nga ba ako...? Oh no!" napabalikwas si Lara noong napagtanto niyang nasa Benguet pa pala siya at ang kasama niya kagabi ay si Jason. Pupungas-pungas pa siya habang inaayos ang sarili. Napansin niyang si Jason ay nagising dahil sa ginawa niya. Ibig sabihin ay magkasama

