Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Lara habang lulan siya ng kotse pabalik sa tahanan ng mga Attiw. Magkahalong kaba at hiya ang ang nararamdaman niya. Paano ba naman kasi, kani-kanila lang ay napakatatag ng paninindigan at determinasyon niya. Eh ngayon mukhang kinain na niya lahat ng mga sinabi niya. Pero naisip niya, kung ang kaniyang mga kasama handang magsakripisyo para sa kaniya kahit palpak ang ginawa nila, bakit siya hindi? Nakasalalay sa kaniya ang kaligtasan ng mga kasama niya. Kailangan masuklian niya ang kabutihan ng mga ito. Sa bagay dalawa lang naman ang makakaalam sa magaganap na kasalan maliban sa pamilyang Attiw. At pagkatapos ng isang buwan ay magpapa-annul din maman sila. Iyon nga lang, magiging separada siya. Makakapag-asawa pa kaya siya pagkatapos niyon? Paano nalang

