Chapter 9

1082 Words
Diana's POV It's been one week since nagkaroon ako ng trabaho. And Kuya Gino only gave me a week to finish the blueprint, salamat nalang at natapos ko na ito kahapon pa. Pagkatapos kase ng kadramahang pagyayakapan namin ni Franki which lasts five to ten minutes, ay natulog na pala siya habang yakap yakap parin ako. So that night, parang nauubusan ako ng lakas sa pagbubuhat sa kaniya kase ang bigat niyang babae. So ayun, pagkatapos ng gabing yun, back to normal naman. Pagkagising ko ay agad ko nang sinimulan ang aking proyekto. I wasted no time kahit palagi akong kinukulit ng kasama ko dito sa bahay. Nanumbalik din kase ang kakulitan niya, yakap ko lang naman pala ang katapat. Nagbibihis ako ngayon dito sa aking kwarto dahil may lakad ako. Ipapasa ko na kase itong ginawa kong blueprint kay Kuya Gino para sa kaniyang bagong itatayong gusali. Lalabas na sana ako ng bigla kong naalala na hindi ko pala pwedeng iwanan mag-isa si Franki dito. Baka kase mamayang gabi na naman ako makauwi nito, dahil alam kong magchichika na naman kami ni Kuya Gino. Lumabas na ako sa aking kwarto at dumiretso agad sa guest room dahil ang kasama ko, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Nag movie marathon pa kase siya kagabi at dinamay pa ako. So ayon, hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. Nang makarating ako sa kwarto niya ay kumatok ako kaagad. Tatlong beses na akong kumatok pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Hay, tulog mantika naman. Kumatok ulit ako baka sa pagkakataon na ito ay pagbubuksan niya na. Pero wala talaga. Hindi talaga natitinag eh! Magkagulo man ang mundo, siguro siya ay tulog pa rin. Since hindi niya ako pinagbubuksan, ay ako nalang ang magbubukas. Tutal, hindi naman siguro ito nakalock. At tama nga ako, hindi nga nakalock. Dahan-dahan ko na itong binuksan at bumuluga sa akin ang isang babaeng himbing na himbing sa pagtutulog. "Franki, hey gumising kana nga. I mean wake up." Tawag ko dito sa kaniya. Pero walang narinig eh. Kaya lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Franki! Please wake up! Hoy!" This time ay kinukuyog ko na siya. Kapag di kapa nagising sa lagay na yan! Ay ewan ko nalang, siguro bubuhusan nalang kita ng tubig. "Hmmn?" Ungol nito at lalong niyakap ang kaniyang unan. "Franki please?" Pagmamakaawa ko na dito. Ang hirap kaya manggising ng taong hindi makaintindi ng Tagalog. Manggigising kalang pero kaylangan mo pa talaga magsalita ng english. "Why? It's still early" At yun na nga, nagtalukbong na siya ng kumot. Hay. May lakad pa ako eh. May ipapasa pa. Franki naman! "Hey Franki! Wake up if you don't want me to leave you here again!" Sigaw ko na dito at hinihila na ang kaniyang kumot. Pero nak naman! Parang walang narinig ah? Hindi pa rin gumagalaw eh. Ah, ayaw mo talaga ha? Tumabi na ako sa kaniya sa paghiga at binulungan siya.. "Franki.. baby.. please wake up" Gamit ang aking mala sexy voice. Hahaha tignan natin kung hindi pa magsisitayuan ang mga balahibo mo dyan. "Hey, what are you do-- Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil bigla itong natulala nang malaman niyang ilang inches nalang ang pagitan ng aming mukha. So ano? Gising na ba ang diwa mo? Baby? Hindi pa rin ako umaalis dito sa pwesto ko, hindi pa kase siya bumabangon eh. Siguro magtitigan na lang kami dito. Hay, maasar nga ulit. This time ay ngumiti na ako ng napakatamis sa kaniya. "Baby.. kanina pa kita hinihintay eh." Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsasalita. Ano? Tulog pa rin ba ito? Pero dilat na ang mga mata niya eh! Nakatulala pa nga sa akin. Na parang kinakabahan pa. "Wh-at" Mahinang sabi nito na pautal-utal pa. Bumaba ang mga tingin niya sa aking mga labi at napalunok. Oh. Baka sobra na itong pang-aasar ko sa kaniya? Ah bahala siya dyan, hindi ko siya titigilan hangga't hindi ito bumabangon. Kaya naman.. "You know, if you didn't get up now, I will surely kiss that soft lips of yours." Biro ko naman dito habang tumitingin sa kaniyang labi. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang pumasok sa utak ko sa mga pinanggagawa at pinangsasabi kong ito eh. Siguro masamang hangin. Hinihintay ko siya kung babangon ba siya o hindi. Pero sana naman ay bumangon na ito kase hindi ko talaga kayang gawin ang pinagsasabi ko sa kaniya. Please bumangon kana kase. Makisama ka naman. Pero hindi ko inaasahan na ngumiti pa ito sa akin. Hala? Hindi ba ito natatakot? Hindi ba ito nagagalit o nandidiri sa mga sinasabi ko? Gahd. "What if I don't? Are you sure that you'll going to kiss me? Baby?" Malambing na pagkatanong nito sa akin. Bigla naman naging bato ang buo kong katawan. Hindi ako makagalaw dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. What? Franki naman eh. Ayokong mahulog sa sarili kong bitag. Joke lang yun. Biro lang yun para bumangon kana. Please, wag mong ibalik sa akin. Hindi pa rin ako nakapagsalita dito. Sana talaga maging pipi nalang ako forever. Sana talaga hindi ko na ginawa ang ganitong paraan ng paggigising. Lalo na't marunong makisama ang gigisingin mo! Tatayo na sana ako ng bigla niya akong pigilan at iniyakap pa ang kaniyang mga kamay dahilan para magkadikit ang aming katawan. At nasa itaas na niya ako. Ang aking mga kamay ang nagsisilbing pangtukod para hindi dumikit ang aming mga mukha. Gahd! Maygahd. Franki mas masama pa ba yang hangin ang pumasok sa iyong utak? Kesa sa akin? Ugh. Wala na akong kawala. Ang higpit ng pagkapulupot ng kamay niya.   "I'm waiting for your response, or for your lips. Baby."  Mata sa matang sabi nito sa akin. Huwaaat!? Ano daw? Please. Sabihin mo nagbibiro ka lang! Pero pa'no mo sabihin yun kung ganiyan ka seryoso ang mukha mong nakatingin sa akin? Kung sino man ang masamang espiritong bumabalot dito! Please umalis kana. "I'm waiting." Saad pa nito. "Franki, I'm just joking." Tugon ko naman dito habang nagpupumiglas sa mahigpit niyang kapit. Oh, please. Pakawalan mo na ako. "Then, I'm not."  Madiing sambit din nito. Huhu. Nakakatakot naman nito. Ano!? Totohanin ko na ba? Pero hindi ko kaya eh! "You know I'm ju-- Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa Ilong!     Pero smack lang naman. "If you can't. Then, I will." Sabi nito at tumayo na. Habang ako naman ay nakatulala pa rin. What?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD