Gino's POV
"Oh, Diana, good morning! Long time no see ah? Kumusta kana?" Masiglang bati ko sa kaniya nang makapasok na ito sa aking opisina. Kilala ko siya personally, dahil matalik kong kaibigan ang Kuya niya at minsan nakitulog na din sa bahay nila noon. At last nakita ko siya ngayon after five years yata yun? Basta bago siya magcocollege noon eh.
"Good morning din po sir. Okay lang naman po.". Nahihiyang sagot nito sa akin at umupo na. Kita mo tong batang ito. Hindi pa rin nagbabago. Hindi ko pa siya pinauupo pero umupo na. Typical, Diana.
"Huwag ka ngang mag 'sir' sa akin. Batokan kita dyan eh! Kuya Gino ang itawag mo sa akin kagaya noon." Sabi ko naman. Hindi na siya iba sa akin sapagkat tunay na kapatid na nga ang turing ko sa kaniya.
"Sige Kuya Gino. Sabi mo eh. Pwede na po ba tayong magsimula para sa upcoming building mo?" Saad nito sa akin. May iba pa ba tong lakad? Nagmamadali na eh.
"Wait nga muna, Diana. May iba ka pa bang lakad? May date pa ba kayo ng jowa mo? O baka naman may asawa ka nang naghihintay doon sa bahay mo?" Pagbibirong tanong ko dito. Ayaw niya ba munang magkwentohan sa akin? More than five years na kaming hindi nagkikita. Tapos hindi pa nga sapat ang dalawang oras na pagkacatch up ko sa mga ganap niya sa buhay eh.
"Grabe ka naman po, Kuya! Wala nga akong jowa, asawa pa kaya?" Tatawa-tawa naman nitong sagot.
"Sa gandang taglay mong yan, wala bang nagpangahas manligaw sayo? O baka nag-eenjoy ka sa pagrereject?" Patuloy kong pagtatanong dito. I missed talking to her like a sister kaya ganun na lang ang sunod-sunod kong pagtatanong dito.
"Wala nga po. So, ano po ba ang plano niyo sa inyong upcoming building?"
Kumunot naman ang noo ko sa pag-iiba niya ng usapan. Hay! Nagmamadali talaga to eh. Sige na nga, magpaplano na kami. May ibang araw pa naman.
__________________________________
Diana's POV
Di ko alam kung maiinis o matutuwa ba ako kay Kuya Gino. Kase naman. Whole day kami nag-uusap tungkol sa buhay ko at pati na rin sa buhay niya. Hinatiran nga lang kami ng sekretarya niya ng lunch eh. Tapos ngayon lang niya ako pinayagang umuwi. Sobrang gabi na. Inimbitahan pa nga niya ako maghapunan pero umayaw kaagad ako. Kase walang kasama si Franki sa bahay. Tapos di pa marunong magluto yun. Naaawa na ako sa kaniya baka hanggang ngayon ay hindi pa siya kumakain. Hindi ko naman kase alam na whole day pala ako doon, edi sana sinama ko siya.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Nang makapasok na ako sa gate ay nakita ko siyang nag-aabang na sa pintuan. Ng nakacross arms. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Siguro galit na ito. Okay lang, kasalanan ko rin naman eh. Handa akong tanggapin ang lahat ng pwede niyang ibato sa akin, basta wag lang ang bato.
"Bakit ngayon kaluhng?" Tanong nito na siyang ikinabigla ko. Nawala lang ako ng isang araw! Pero pagdating ko nagtatagalog na siya? Baka epekto yan ng pagkagutom. Kung yan nga ang dahilan, well magandang epekto siya. Pero seryoso, saan niya ba yan natutunan? O baka naman nagsearch siya.
"Did you already eat? Are you hungry?" Pagbabalewala ko sa tanong niya. Nandyan pa rin siya sa pintuan kaya hindi pa rin ako nakakapasok. She is blocking the way kase eh.
"Yeah. I already eat my lunch alone, and dinner too. At kandelerya." Hindi ko alam pero parang may bakas ng lungkot sa kaniyang boses. Hay nakakaguilty naman. "But it's okay because I still enjoyed the accompany of Aling Maria and her daughter. They taught me some Tagalog words." Dagdag pa nito.
Mabuti naman at matatahimik na din ang konsensya ko. Magpapasalamat nalang ako bukas kina Aling Maria dahil hindi nila hinayaang mag-isa ang babaeng ito. Sa susunod kong lakad ay dadalhin ko na talaga siya. Pero, bakit hindi pa rin siya umaalis dyan sa pintuan? Wala ba siyang balak na papasokin ako sa sarili kong bahay?
"And by the way, your ex-girl friend was here." Maikli nitong sabi. Ex-girlfriend? Sino ba? Marami akong ex-girlfriend eh.
"Who?" Takang tanong ko dito. Sino ba naman kase sa kanila yun? At bakit pa bibisita dito sa bahay. And, comeback is not my thing, at alam na nila yun. If you're my ex, then wag kanang umasa pang mamahalin pa kita ulit. Kase I don't give second chances. Since sinayang na nila ang first chance to be my lover, then I am not an idiot to waste another.
She sighed. "I thought you'd already know?"
"Look, Franki. I have four ex-girlfriends, and I don't know whom are you talking about." Tugon ko sa kaniya. Siguro naman nagpakilala na yun kanina sa kaniya diba.
"Gazini." At umalis na siya sa pintuan pagkasabi non.
Hay. Ano bang nangyayari sa kaniya at parang wala itong gana. So bago pa ako maabutan ng umaga dito ay pumasok na din ako.
"What did she said to you while I am not here?" Tanong ko ulit. Isang tanong isang sagot kase ang nagaganap sa amin ngayon.
"She said that she has something to surprise you." Malamig pa sa malamig nitong sagot. Ewan ko ba pero kanina ko pa nahahalata eh. May sakit ba to? Pero di naman siya nilalamig eh, nakasleeve less pa nga. Ay? Baka galit siya sa akin dahil ngayon lang ako dumating? Eh bakit naman siya magagalit, aber?
"Hey, are you angry at me? If yes, then fine, you can vent it out to me. I don't know that my business would take too long, I swear" Pagpapaliwanag ko naman. Umupo naman siya sa sofa at tumingin sa akin.
"I'm not angry at you. I'm sorry if I'm acting like that. I'm just tired and.. I'm.. I---
"You what!?" Pagputol ko sa sasabihin niya. Kase naman hindi pa niya sabihin agad. Mahilig talaga sa paputol putol na sasabihin eh. Huminga naman ito ng malalim at parang hindi pa siya sigurado kung sasabihin ba niya o hindi.
"I just missed you."
Natameme naman ako sa kaniyang rebelasyon. Seryoso? Bakit niya naman ako mamimiss? Dahil ba hindi niya ako nakita simula nong umalis ako kaninang umaga? O siguro wala talaga siyang kasama kanina kaya ganyan. Ay ewan ko ba, whatever reason it is.
"I'm sorry." Naisambit ko nalang at pumunta sa kaniya para ito'y yakapin. I hope that this hug will relieve her sadness or tiredness
" Oh, ayan. Okay na ba?" Aakma sana akong kumalas sa yakap ng bigla niya akong yakapin pabalik. At naramdaman kong humihigpit ito.
"Can we stay like this for awhile, please?"