Chapter 13

1039 Words
"Come here baby. Let's make this cold night, hotter" Napatulala na naman ulit ako. Ilang beses na ba akong matulala ngayong araw? Pero what!? Sinabi niya ba talaga yun!? Sino ba talaga sa amin ang nababaliw!? Ako ba o siya? Pero sana naman hindi siya seryoso ngayon! Kase dude! Last time I checked ginawa niya talaga! Yung panggigising ko sa kaniya kahapon. Bakit ba ang wild ng babaeng ito? Napalunok ako ng laway kase grabe naman! Nanginginig na ang kalamnan ko. Para akong nasa loob ng haunted house. Pwede na bang mamatay ngayon? "I'm just kidding!" At tumawa ito. Seriously Franki, di yun magandang biro. Aatakihin na ako sa puso dito dahil sa sobrang kaba tapos hindi mo man lang totohanin!? Char! Syempre ayokong magkatotoo yun. "Okay, I'm going to take a bath. But if you don't mind, you can join me" Pang-aasar na naman nito sa akin. Sige ipagpapatuloy mo kung dyan ka sasaya. Gusto mo susuportahan pa kita eh! But.... Speaking of suporta? "Of course! I'm minding to join you. So let's take a bath?" Pakikisakay ko dito. Akala mo ikaw lang ba pwedeng mang-asar? Inuunahan mo ako eh, edi papatulan kita. Lumapit ako sa kaniya dyan sa pinto ng banyo. At hahatakin na sanang pumasok pero.... "But the comfort room only accommodate one person, and it is highly restricted by our parents, babe." Sabi nito malapit sa aking tenga. s**t. What a tindig balahibong pangyayari. Hindi ako makagalaw. Parang napako na yata ang mga paa ko sa sahig. Pagdating talaga sa asaran palagi akong talo eh. "But we are going to sleep together, right? We can do that in our bed." Bulong nito sa kaliwang bahagi ng aking tenga. s**t ulit. Parang nanghihina na ako. Eh, weakest point ko yung binubulungan ako. Paano ba niya nagagawa ang ganitong pang-aakit? Maygahd. Pero hindi ako magpapatalo noh? Hindi niya pwedeng akit-akitin lang ako. Pero di ko pa kaya, nanginginig pa ang buo kong katawan. Kalma self kaya mo yan. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at nagsalita "We're old now, babe. We can do what we want and besides, restrictions is only for kids. We can't carry innocence in our quietus." Pagkatapos pakatitigan siya habang sinasabi yun ay may idinagdag pa ako dito "But bed sounds good than here, so I'm going to wait you there." At hindi ko namalayan na nahalikan ko na siya sa kaniyang ilong. Kahit ako ay nabigla sa aking kinilos. s**t. Ba't ako nagpadala doon? Hindi ko nakontrol. Gahd! Another kahihiyan na naman!? Pero hindi dapat ako magpapa apekto dito. Kahit alam kong nahahawa na ako sa pagiging kamatis dito kay Franki. Alam kung pareho kaming pulang pula ang mukha ngayon. I didn't mean that, okay. Nadala lang sa emosyon. Pero hindi dapat ako umatras ngayon, dahil ako na naman ang talo. Mas lalo lang niya akong aasarin kapag mag stestep back ako. "Babe! Are you still with me?" Pukaw ko na dito kase naman nakatulala lang ang lola niyo. Okay lang na hindi ka makaget over, kaysa sa akin na hindi na makakatulog nito dahil sa pinanggagawa ngayon. Hay I'm going to regret this. "Hoyyy!" Pukaw ko ulit dito kase  hindi pa rin natitinag. Nagulat naman ito dahilan para bumalik sa katinuan niya. "Eh? Yeah. Wait me there" Kinakabahan pang sabi nito. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Sa couch nalang ako umupo kase parang kinakabahan na ako sa kama hahaha. Alam ko namang biro lang namin ito pero basta! Dito nalang ako sa couch. Period. ___________________________________ Mahigit isang oras na akong naghihintay dito pero hindi pa rin siya lumalabas sa banyo!? Hindi ko siya hinihintay dahil sa sinabi ko kaninang hihintayin siya. Hinihintay ko lang kase maliligo din ako. Mag aalas otso na eh. Ano? Natulog ba siya doon? O baka naman natakot ng lumabas? Yan kase eh, inunahan mo. Lalabas na lang nga ako dito. Ang boring maghintay. "Where are you going? We didn't even start yet."  Ayan na naman siya. Hay nagsisimula na naman. Pero mabuti lang at lumabas na din sa wakas. Makakaligo na din ako. "To my mistress because you took so long to get out there." Seryoso kong tugon sa kaniya. Hanggang saan aabot ang acting actingan namin na ito? "What!? You have a mistress!? I thought that I'm just the only one?" Medyo napasigaw na nitong tanong. Hay. Para kaming mga abnormal dito. Best actress na nga si Franki eh. Hahaha. Hindi ko na siya pinansin pa at kumuha na lang ako ng damit pantulog. Bahala ka Franki, magdrama ka mag-isa dyan. Kase maliligo pa ako. "Hey! Why are you not answering my questions, babe?" Kaseeee nga maliligo pa ako, ano ba! "I'm going to wait you here whether you like it or not" Pahabol pa nitong sabi bago ko lubusang sinarado ang pinto ng banyo. Yun naman pala eh. Biglang tumahimik ang mundo ko. Ano kaya kung dito nalang ako matutulog? Nakakatakot na din kaseng lumabas. Nang matapos na ako sa pagliligo ay nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ba ako o hindi. Alam niyo baka naman kase totohanin niya. Pero sa huli ay lumabas din ako. Ipapablotter ko nalang siya bukas kapag may gagawin siyang masama sa akin ngayon. Nakaupo ito sa kama at hinihintay talaga ako. Kase nakatingin siya sa akin eh. Parang bigla yata akong natakot ng ngumiti ito. Sa couch nalang ako matutulog, ayokong tumabi sa kaniya. Kinuha ko ang unan ko at inilagay dito. Bahala na kung hindi komportable basta wag lang sa kama. "Hey! Are you serious? Are you really going to sleep there on the couch?". Okay, nagsisimula na po siyang magtanong. "Yes. I'm serious" Ikli kong sagot dito. Pero hindi ko na napansin na nandito na pala siya sa tabi ko. Kinuha niya ang unan ko at inilagay ulit sa kama. Hay nako naman wala talaga akong choice dito. Oo na! Doon na ako matutulog. Alam ko naman na hindi mo ako tantanan eh. Umupo na ako dito kase mamaya pa ako matutulog. At hindi naman talaga ako makakatulog nito. So uupo nalang ako hanggang umaga. "Diana, thank you for this day and goodnight." At niyakap niya ako pero bumalik din siya sa pwesto niya agad at humiga na. Akala ko katapusan ko na eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD