Chapter 12

1509 Words
Diana's POV Ouch. Meron talagang pumupokpok sa ulo ko. Ang sakit. Sige, inom pa Diana. Gusto mo yan eh. Pero paano ba ako nakauwi dito sa bahay? At nakarating dito sa kwarto ko? Ahh siguro si Gazini. Nagkita kase kami sa bar kagabi eh at nagkwentohan pa. Siguro siya din ang nagpalit ng damit ko.. anak naman!? Kung siya ang nagpalit ng mga damit ko, ibig sabihin nakita niya na ang katawan ko? Noooo! My precious body! Agad akong tumayo at aray! Ang sakit talaga ng ulo ko. Mabuti na lang at mamayang hapon pa yung flight namin papuntang Palawan. Kundi baka bangag na naman ako. One time kase nakainom ako at hindi ko alam na may pupuntahan kami ni Kuya Bry nung umagang iyon sa probinsya ng one of our relatives. Dahil bangag ako, pagkarating ay pumasok at natulog ako agad sa ibang bahay. Sobrang nakakahiya talaga, hindi ko pa naman kilala yung pinasokan ko. Bumaba na ako para uminom ng tubig at para naman mahimasmasan na itong utak ko. Pero bago pa ako makapasok ng lubusan sa kusina ay natulala naman ako sa aking nakita. Si Franki nagluluto!? Kailan ba to natuto? Kahit kaylan talaga hindi ako updated eh. Pero parang umiba yata yung dating niya ngayon? Naka shorts at oversized t-shirt, tapos nakaponytail na ang buhok. At kitang kita na ang dumadaloy niyang pawis sa kaniyang batok. Napalunok naman ako doon. Ang hot niyang tignan. Please paningin! Sa iba ka muna tumingin. Galit sayo yan, remember? At baka mahuli ka niyang titig na titig sa kaniya. "Hey.." Tawag nito sa akin. Hala! Nakatingin na pala siya sa akin? At nakangiti pa? Parang kahapon hindi niya ko magawang tapunan kahit isang tingin. Tapos ngayon? Ay, hindi ko talaga alam ang trip niya sa buhay. Dali-dali akong kumuha ng tubig at linagok ito. Nakakatensed kase. Baka guni-guni ko lang yun? Ay bakit ko ba pinoproblema ito? Makatulog na nga lang ulit. Ang aga pa eh. Aakyat na sana ako nang marinig kong nagsalita ulit ito. "Join me here please" Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Baka kase mali yung narinig ko eh. Pero nakangiti lang ito sa akin. Ano ba!? Kanina pa itong ngiting-ngiti ah? "Please?" Ulit pa nito. "Okay. I'm sorry for what I did to you yesterday. I'm sorry for ignoring and not telling you why.". This time ay sumeryoso na ang kaniyang mukha. Hindi ko inaasahan na ganyan ang sasabihin niya. Kaya hindi ako makapagsalita ngayon. Ano ang sasabihin ko? "I understand that if you can't forgive me now-- "It's okay." Putol ko na dito. Na speechless lang ako eh, ang dami dami niya na agad sinabi. Hindi makapaghintay. Pumunta na ako sa mesa at umupo na, nakalapag na kase lahat doon. Parang ako nalang yata ang kulang. "What?" Tanong ko dito dahil hanggang ngayon ay ngumingiti pa rin ito sa akin. Problema nito? Baka baliw na talaga to. "Do you remember something that happened last night?" Ngiting tanong niya ulit. Maygahd. Nakakatakot na talaga yung mga ngiti niya. Ano bang nangyari kagabi? Wala akong alam eh. Baka may kinalaman yan sa mga ngiti niya ngayon. Oh no. Ano ba  talaga nangyari kagabi! Tell me! "I don't remember something, what happened ba?" Tanong ko din sa kaniya. Gusto ko din kase malaman eh. Nakaka curious lang. "Uh? No. Nothing" Pag-aalinlangan naman nito. Tatanungin mo ko! Tapos wala naman pala? Hindi ko talaga alam trip mo Franki. Pero ako nalang ang tatanong sayo. Kailangan ko din kase ng sagot. "Is Gazini is here last night? Did she changed my clothes?" Nabilaukan naman ito sa tanong ko, kaya naman inabot ko na sa kaniya ang tubig. Matapos niya itong inumin ay "Err? Yeah? She's here last night. But I'm the one who changed your clothes." Sagot niya na hindi makatingin sa akin. What!? No!? Seriously!? Hindi pwede! Nakita na niya!? Ang katawan ko!? As in lahat lahat!? Noooooooo.... This can't be! Please let this be a dream! Or a nightmare nalang!!!! "Don't stare at me like you're going to kill me anytime now. I didn't see everything, okay? And I didn't even rape you if that's what you think." Paliwanag nito. "Kahiiiiit naaa!" I screamed. Malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. Pero hindi ko talaga matatanggap yun! Kaya pala kanina ka pang ngiting-ngiti dyan eh! Ugh! Mababalot na ako sa kahihiyan! Ang tinago ko nakita na! "What's kahit na?" Kita mo yun! Iniba na ang usapan! Ako yata ang mababaliw dito eh! "Kahit na is shut up!" "Ow?" ____________________________________ Kanina pa kami naghihintay dito sa Francisco B. Reyes airport formerly known as Busuanga airport. Yep. Nakarating na kami dito sa Coron, Palawan dahil sabi ni Kuya Gino na dito daw yung site. Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ng aming biyahe dahil pagkarating namin dito ay maggagabi na. Mangilan-ngilan lang kase ang taxi dito at hindi kami makakakuha agad dahil marami din ang nag-aabang dito. Sa sobrang pagkakainip ko sa paghihintay ay nagpasyahan ko munang kumain ng hapunan sa isang restaurant malapit dito. "Hey! Wait. Are you really going to leave me there, alone?" Anang naman ng kasama ko habang humahabol sa akin. Simula nang marinig ko ang rebelasyon niya kaninang umaga ay hindi ko na ito pinansin pa. Hindi ako galit sa kaniya. Nahihiya lang ako sa sarili ko dahil kagabi. Dahil nakita na niya ang katawan ko. Huhu. Siya yata ang unang nakakita nito. I swear, hindi na ako iinom ulit. Hindi na ako maglalasing! "I said wait up!" Sabi nito at humawak na sa braso ko. Wala kaming dalang bagahe ngayon dahil pinauna na ni Kuya Gino doon sa hotel kanina pa. "Where we going?" Takang tanong nito sa akin. Hay, ang kulit. "Kahit na." Birong sagot ko dito para tumahimik na. "Okay, I'll shut up." Hay nako Franki, natatawang nahihiya na ako sayo. ________________________________ Ang pinakamalapit na restaurant dito ay ang Winnie's Restaurant. Pumasok na kami at yeahhh... Ang daming taong kumakain dito. Mabuti na lamang at may bakante pang kainan. Umupo na kami at.. "Good evening po mga ma'am! Anong oorderin nyo po." Bati sa amin ng waiter at binigay sa amin ang menu. Ano bang oorderin ko dito? Hindi ako makapili. Pangalan pa lang masarap na. "Mix green salad, chick pea curry, crab fried rice, at curacha. Atsaka ice tea na din at tubig." Sabi ko naman dito. "Uhm, what do you want for your curacha ma'am? Cook in butter garlic or steamed in spicy sauce?" "Uhm? I'll go with the latter nalang." Sagot ko dito. "Okay, sige po ma'am, noted. And how about you ma'am?" Tanong naman nito kay Franki. Napansin kong hindi pa niya ito inopen ang kaniyang menu book. Siguro hindi pa ito nakapagpili. "Whatever Diana's ordered." Sagot naman niya. Sabi na nga eh. Hindi naman siya nakapagpili ng gusto niyang kainin. "Okay po ma'am" At umalis na ang waiter dala ang inorder ko lang, dahil pareho naman kami inorder ni Franki eh. Nakita ko siyang parang may binabasa dyan sa mesa. Oh. May quote palang nakasulat dito. People don't become gay, lesbian, or bisexual. People are just falling in love with other people Yan  ang quote dito sa mesa namin. Tinignan ko ang ibang mesa at meron nga. Kaso iba lang ang quote. Napakasimple ng restaurant na ito pero napakaganda, at, at parang babalik ka talaga dito. Very inviting at ang peaceful ng atmosphere kahit na marami ng tao. Dumapo naman ang tingin ko kay Franki na nakatingin na pala sa akin. "What?" Tanong ko dito. Ano bang problema niya sa akin at palagi nalang niya akong tinitignan ng ganyan. "I thought you just going to ignore me forever." Tugon naman nito. Pero bago pa ako makapagsalita ay dumating na ang inorder namin. At salamat naman. ___________________________________ Pagkatapos ng masarap naming hapunan ay dumiretso naman kami kaagad dito sa Asia Grand View Hotel. Mabuti nalang na pagkalabas namin sa restaurant na yun ay marami ng taxing nag-aantay. "Room #024 ma'am, and here is your key" Ngiting sambit ng receptionist at ibinigay sa akin ang susi. "Sige, thank you." Tugon ko naman dito. Sumakay na kami ng elevator patungong second floor kase nandoon ang room namin. Pagkalabas ng elevator ay bigla na naman niya akong hinawakan sa kamay. Ang hilig talaga mang hawak nito. Hindi na ako magtataka kapag may magsasabi na namang jowa ko to dito. Pumasok na kami sa aming kwarto. Si Kuya Gino kase ang nagpareserve dito. At siya lang ang nakakaalam na....... "Isa lang ang kama dito!?" Naibulalas ko na lamang. Siguro akala ni Kuya Gino na jowa ko talaga to kaya isang kama lang ang pinili niyang kwarto. Hay sana talaga sinabi ko nalang ang totoo kahit buong araw akong magpaliwanag sa kaniya. "There's only one bed. But that's enough to occupy the space for the both of us" So what do you mean Franki is, okay lang sayo na magkasama tayo sa iisang kama!? Pumunta na ito sa sa kama at umupong nakaharap sa akin. Ngumiti ito at "Come here baby. Let's make this cold night, hotter"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD