Diana's POV
Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinagkainan namin dahil nakaalis na ang magkasintahan. Naiwan naman na nakaupo sa sala ang kasama ko ngayon sa bahay. Wala akong pakialam sa gagawin niya maliban sa pag-upo basta wag niya lang gagalawin at guguluhin ang mga kagamitan ko dito. Hay! This is what I hate na may kasama sa bahay! At take note, hindi ko siya kilala, personally o spiritually pa yan. Nakalimutan ko na nga pangalan niya eh. Ano ba yun? Frances? France? Ay ewan! Basta may FRA.
Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos ko ng hugasan ang lahat dito sa kusina. Ano pa ba ang gagawin ko? Wala na rin akong lilinisin dahil nilinis ko na ang buong bahay kahapon. Nagkapremonition siguro ako na may bisitang darating kaya ganun ako kasipag kahapon. Ay sana na lang hindi ako naglinis kahapon, baka kase hindi na tutuloy ang bisitang ito ngayon. Pero hanggang sana nalang, kase nandito na eh!
"Ehem! Ehem" Kunwaring paubo ko dito para makuha ko ang kanyang atensyon. Kase naman! Wala ba siyang balak magtanong sa akin kung saan siya matutulog? Kung saan niya ilalagay ang kaniyang mga gamit? Alam ko namang sa guest room yun pero iba talaga pag nagtatanong diba? So uupo na lang ba talaga siya dyan at magbasa ng 7 Highly chuchu blabla na yan?
"Yeees?" Medyo malambing nitong sambit. Maygahd. Lahat na yata ng balahibo ko sa katawan ay tumayo na. Pati na rin ang...... Nevermind nalang nga, kase wala naman akong ganun. By the way, hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang paningin sa kanyang binabasang libro. Pero mabuti na rin yun at hindi niya ako nakitang kinikilabutan dito.
"Eherm" Pukaw ko ulit sa kaniya. Parang hindi maisturbo eh.
"What?" This time tumingin na siya sa akin. At nakita ko na rin ang kabuuan ng kanyang napakagandang muk-- ay bat ako nakatulala dito? Pero bago pa ako makakapagsalita ay narinig ko naman itong magtanong ulit.
"What do you want? Do you need some medicine for your cough?" Tanong niya habang sinasarado na ang binabasa niyang libro.
Maygoodness gracious! Mukha ba akong nangangailangan ng gamot? Pero hindi ko naman siya masisisi kase ubo ako ng ubo dito. Hay. Hindi niya talaga makuha ang ibig kong sabihin.
"Hindi, wala akong kaylangan na gamot at wala din akong ubo, okay? What I want to say is, hindi mo man lang ba ako tatanungin?" Pagpapaliwanag ko dito. Pero nakita ko sa kaniyang mukha na parang naguguluhan siya. Ano? Hindi niya pa rin ba yun na gets?
"What?" Kunot-noong tanong naman niya. Haay. Paulit ulit nalang yata kami dito. I have no choice kundi kailangan ko talaga magsalita ng Ingles. Nakakaperwisyo na talaga ang babaeng ito ha!
"What I meant is, put your things at the guest room and also that would be serve as your room for six months. Doon ang guest room sa taas, at the left side. Huwag sa right ha? Kase kwarto ko ang nandon." Bahala ka dyan kung hindi mo naiintindihan ang ibang sinasabi ko. Ayokong ako lang mag-isa ang manigas dito. Dapat ikaw din.
"Oh! I don't--
"Yeah! I know that you don't. The guest room is on the second floor, at the left side." Pagputol ko sa sasabihin niya at umakyat na sa taas. Pumunta ako ng guest room para icheck kung may mga unan at kumot pa bang natira dito. Kase last na gumamit nito ay si Mommy, pero last year pa yun. Di ko alam kung ano nang nangyari dito. Nakalimutan ko pang linisin kahapon. Ay patay na. Pero mukha naman siyang malinis ah? At napakaorganized pa. Sana ito nalang yung kwarto ko noh? Kase mas malinis pa dito kaysa sa kwarto ko.
"Hey! Thank you for letting me stay here even though you don't know me yet" Pagpapasalamat naman niya sa akin dito. At binigyan niya pa ako ng isang napakatamis na ngiti. Diana, ikalma mo ang puso mo atsaka pati na rin utak, atay, intestines, blood, bla--
"Okay, but I have condition to you; don't mess at me, at my things, or around my house. Understand?"
"No problem. I'm behave as always"
"Then good"
Binigyan ko lang siya ng munting ngiti at umalis na. I can't stay longer with her at the same room dahil baka lumabas ang puso ko ng wala sa oras sa aking dibdib. Something weird is happening to me right now. Siguro iinom ko nalang ito? Pero masyadong maaga pa kaya itulog ko nalang.
_________________________________
Nagising ako nang wala ng araw. Wala naman talagang araw sa loob ng kwarto ko ah! Alas siyete na pala ng gabi. Wait! Hindi pa pala ako nakapagluto ng hapunan! O baka nakapagluto na ang kasama ko dito.
Bumangon na ako at nagligo ulit. Twice a day kase ako nagliligo. Pagkatapos maligo ay bumaba na ako para kumain, pero bumuluga sa akin ay isang babaeng nangangalumbaba sa mesa. Problema nun? Hindi ko na siya kinibo at dumiretso na kaagad ako sa ref. Pero sandali lang!
"Hindi ka nakapagluto ng hapunan!?" Biglang tanong ko sa kaniya at medyo napalakàs pa ang boses ko.
"What?"
Ay eto na naman eh. Dyan na naman tayo sa what what niyang yan eh. Hindi ko na siya pinansin at kumuha nalang ako ng pwedeng lutuin dito sa loob ng ref. At guess what? Wala akong nakuha sa ref kase ubos na pala ang stock ko for one week. At hindi pa ako nag grocery kanina. Hay anuba.
Umakyat ulit ako sa kwarto at kumuha ng pera. Siguro doon nalang ako sa labas kakain. Siguro kumain na yun noh. Malaki na siya to live her own life. Pero kung hindi pa, siguro diet siya. Alam niyo naman kapag model dapat palaging minimaintain ang kurba ng katawan.
"Hey, Diana. Where are you going?" Rinig kong tanong nito. What!? Nandito na pala ako sa labas! Di ko nahalata ah.
"Sa karinderya" Ikli kong sagot dito.
"Sa kandelerya? What's that?" Hay nako. Sukong-suko na ako sa babaeng ito.
"Yeah, kandelerya is a place where you can eat if you don't have a mood to cook a food at your house."
Bahala ka dyan sa kandelerya mo. Kase gutom na gutom na ako. At wala nang energy sa pagpapaliwanag sayo.
"Can I come along with you? Because I don't know where it is."
I just nod at her, at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang kandelerya. Hay naimpluwensyahan na niya siguro ako. Kandelerya na eh. Hindi na karinderya.
Pero bigla akong nagulat dahil may naramdaman akong humawak sa aking kamay. I sighed in relief nang malaman kong siya lang pala. Ang kasama ko.
Natanaw ko na ang 'Maria's Karinderya' dyan sa kanto. Malapit lang kase ito sa bahay ko kaya palagi akong kumakain dyan kapag tinatamad akong magluto. Pumasok na kami at lahat ng taong kumakain sa loob ay nakatingin sa akin, sa kasama ko, at sa kamay kong may nakahawak-kamay.