Franki's POV
Me and Diana are in an awkward state right now. Why? Because all the people's eyes are on us. They're staring judgely as I can feel their pointed gaze everywhere. I don't know why Diana screamed my name out of nowhere, that it cause a scene here at kandelerya. Ugh! I don't know what's happening. What I know is I just asked her these weird food she ordered. But I can't deny the fact that this adowbow, which I eat first is so delicious. It doesn't taste like a chocolate which I assumed in the first place. Because you know, this adowbow is black. I know the two of these foods; the longganisa and bagnet. But I don't know the remaining dish which consists of yellow squared-shaped veggie, a violet oblong-like that is cut in halves, a one and a half inches green stick, a? I don't know, and having a very exiguous broth.
"Can you please eat already? No more questions cause I'm too hungry to answer it all" She whispered softly while her eyes widened at me.
"Fine." I surrendered.
"I'm also hungry but unlike you, I still managed to asked questions because I'm too alien on this place. I don't know even this one." I pointed at the food with veggies. If you're going to tell me what that veggies food name, then I'll shut my mouth up. But if not, then suffered the consequences of being with Franki, my Diana. Hmmn so, Franki, are you owning Diana now?
"You know what. Smirking there without any reason makes you look like a crazy woman living in the mental hospital." She simply said without giving me any look.
What!? Did I smirked? I didn't notice that I did that!? But what's the big deal in smirking alone, anyway? Maybe, you know that this is my warm up before I eat. Yeah, a newly discovered effective way to eat more.
"Hey! Don't change the topic, okay? What do you called to this mixed veggies? I promise to you that this is now my la---
I didn't finished my sentence because, this woman in front of me suddenly place a spoonful amount of food in my mouth. Using. Her. Own. Spoon. What the! I didn't see that coming! Did we just have an...............
Indirect kiss?
"That is called pinakbet or pakbet. Ansarap diba?" And then she smiled at me seductively.
_________________________________
Kara's POV
Hihi! Ang sarap naman panoorin ang dalawang lovebirds na ito. Sige aamin na ako, kanina ko pa sila pinapanood dyan at eiiiii! May pasubo subo pang nalalaman itong si Ate Diana! Hangsweeeeet. Sana all. Pero kinikilig talaga ako sa biglaang pagsubo niya. At ang jowa naman niya parang nagulat pa ata. Hindi siguro ito nainformed sa sudden sweet gestures niya. Haaaaaaay. Nakakabakla naman. Lagot ako kay nanay nito eh!
"Kara, isa pang kanin."
Pero sino ba ang hindi kikiligin dito? Kahit yata ang asin ay nilalanggam na nang dahil sa kanila.
"Kara! Isang kanin pa daw!"
Kahit umupo lang sila at kumain dyan ay ramdam mo talaga ang lakas ng chemistry sa isa't isa. Itinadhanang mahulog sa bawat isa na walang kontrol kahit may gravity naman. Yan na siguro ang paliwanag ng Physics, minus lang sa solving na itinagal ng kanilang pagkakain ng hapunan. Alas nuwebe na pero hindi pa rin sila tapos? Okay lang, alas diyes pa naman kami magsasara eh. At least hindi ako mababagot dito kasi solb na ako sa dala nilang kilig.
"Karaaaa! Anoba! Isang kanin pa daw!"
"Ay palaka!" Gulat ko naman. Hala! Galit na pala si Nanay. Siguro kanina niya pa ako tinatawag. Hindi ko na narinig dahil puno na ng kilig ang sistema ko.
"Heto na po" Abot ko naman kay Nanay ang kanina niya pang request sa akin.
"Ano bang nangyari sayong bata ka!? Kanina pa kita tinatawag eh. Galit na ata yung customer sa kakahintay kase para kang baliw na ngingiti ngiti mag-isa sa gilid." Litanya naman nito. Sasabihin ko na kaya kay Nanay ang dahilan sa ngiti ko. Baka kase paniniwalaan talaga niya na baliw ako, oo baliw sa lovelife ng may lovelife. Pero baka sa mental hospital ang kahantungan ko nito kaya....
"Eh! Nay, nakakakilig kase tignan si Ate Diana at ang jowa niya. Kahit magtitigan sila buong maghapon, alam kong pati asin magtatamis na. Sana naman kunin nila akong flower girl sa kasal nila." Sabi ko habang tumitingin pa sa kisame. Naiimagine ko lang na napakaperfect yun. Hay, sana ikasal na kayo bukas. Pero pwede naman sa susunod na araw na lang. Ayoko pa kasing mamatay ng maaga ng dahil kilig, pero pwede na rin naman. Tatawagin ko nalang itong death of joy. Kinilig ka lang, Kara, pero na indecisive ka na agad?
"Oo nga noh?" Tugon nito habang ngumingiting tumitingin sa dalawa. Hala eh! Kinikilig si Nanay!? Naimpluwensyahan ko ata? Lagot ako kay tatay nito.
"Nay! Isang serve daw ng afritada!" Pagbibiro ko dito para makuha ko ang kaniyang atensyon.
"Naaayyy!!! Ano ba!?? Afritada nga kase!"
"Hoooy! Nay! Tutunganga ka nalang dyan!?"
Hala! Hindi talaga ako pinansin. Paktay na. Ngumingiti pa ang bruha oh! Hayy so? Ako nalang ang magse-serve dito mag-isa!? Ayt!
_________________________________
Diana's POV
Nakarating na kami sa bahay pasado alas diyes na ng gabi. Imagine niyo yun? Tatlong oras ang tagal namin sa karinderya. Pa'no ba naman eh inuuna pa ang pagtatanong kesa sa kumain. Tapos dagdagan pa ng inorder kong napakarami. Apat na ulam pa yun tsaka dalawa lang kami kaya walang laban talaga. Hindi na ako makakapunta sa bar. Pero ang nakakapagtataka lang, kanina pang walang imik ang kasama kong ito ah. Nakakapanibago naman. O baka may problema na naman ba siya? Tatanungin ko ba? Ay! Wag nalang, baka hindi na matahimik kapag inuunahan ko sa pag-imik dito.
Papasok na sana ako sa aking kwarto nang bigla niya akong tinawag.
"Uhm, Diana?"
Nilingon ko siya kase nandyan pa siya sa hagdan. Hindi ko namalayan na nauna na pala ako sa kaniya. Tinignan ko siya sa mata at naghintay sa susunod niyang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit hindi siya makatingin sa akin ng diretso.
"What!?" Iritang tanong ko dito. Ayoko nang maghihintayan kami ulit dito. Tinawag niya ako diba? So siya ang may sasabihin sa akin, at kung ano man yun sana sinabi niya agad dahil matutu---
"Goodnight."