Diana's POV
"Hey, Diana, wake up. Hey, hey"
Sino ba tong pesteng gumigising sa akin? Please, wag mo muna akong gisingin. Ngayong umaga lang ako nagkaroon ng matinong tulog eh.
"Heey! Diana, please wake up." At kinukuyog niya na ako. Base sa narinig kong boses, at nagsasalita pa ng English ay alam ko ng si Franki ito. Hindi mo ako pinatulog kagabi dahil sa pagoodnight goodnight mo! Tapos gigisingin mo na naman ako? Sa tingin ko wala pang tatlong oras ang tulog ko eh!
"Mmmmn?" Tugon ko dito at lalong binaon ang aking mukha sa unan. I badly needed and wanted to sleep. Kaya tantanan mo na ako. Pero! Bakit pala nandito siya sa loob ng kwarto ko!? At ginigising pa ako!? Gahd. Pinasok nya ba ako? O di kaya ginapangan? Dito ba siya natulog kagabi!? At paano naman siya nakapasok?
"Hey! Please wake up, already! Someone's waiting on you, downstair." Sabi nito sabay yugyog sa akin. What!? Someone's waiting on me downstair!? Sino na naman bang tarpulanong bisita na ito? Don't tell me na si Kuya Sky na naman? O di kaya si Ate Mae? O pwede namang both? Ano? May ipapatira na naman ba sila sa bahay ko na hindi ko kilala? Anoba! Hindi naman evacuation center o bahay ampunan ang bahay ko na ito ah?
Wala na akong magawa dito kundi bumangon na. Ng nakapikit. Ewan ko ba, pero ayaw talaga dumilat ng mata ko eh. Alam ko naman ang direksyon papuntang banyo. Alam kong mukha akong baliw sa ngayon na naglalakad patungong banyo ng nakapikit, at malamang sa malamang ay naguguluhan na ang isa dito. Mamaya ko nalang siya tatanungin kung paano siya nakapasok dito. Haharapin ko muna ang isa pang panira sa pagtutulog ko doon sa baba. Pero maliligo muna ako.
Patapos na ako sa pagliligo nang bigla kong naalala na wala pala akong dalang tuwalya dito sa loob ng banyo. Ang tanga! Ang tanga tanga mo talaga Diana! Pa'no na yun? Baka nandiyan pa si Franki. Pero sana naman ay lumabas na siya. Ano na ang gagawin ko dito? Lalabas na ba ako? Ay, baka nandyan pa siya eh! So? Sisilipin ko na lang muna.
Unti-unti kong binuksan ang pinto dito sa banyo. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto at nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong wala na siya dito. Wala na kase akong makitang isang pigura ng tao. Hayy mabuti naman at lumabas na siya, at salamat na rin dahil sinarado niya pa ang pinto.
Lumabas ako sa banyo ng naka hubo't hubad dahil sa katangahan ko. Dali-dali din akong nagbihis dahil may naghihintay pa sa akin sa baba. Siguraduhin niya na lang na mas worth it ang kaniyang pakay kaysa tulog ko. Dahil kung hindi! Hindi na siya makakapasok ulit sa pamamahay ko.
"So, are you the jowa?" Rinig kong tanong ng bisita ko ngayon kay Franki siguro? Siya lang naman kasama ko dito eh. Pero alam ko na kung sino ang bisita ko ngayon. Sa boses palang alam konang siya na yan. Ano naman ginagawa niyan dito?
"Huh? What's jowa?" Balik tanong ni Franki sa kanya. Sige, dyan ka magtanong. Dahil tanong din ang isasagot niya sayo. In the end, ikaw nalang ang sasagot. Pero? Ano nga ulit yung tanong sa kanya? Jowa? Jowa ba? Hoyyyy hindi ko yan jowa! Dali-dali na akong bumaba para magbigay ng aking statement.
"Your friend. I mean your more than---
"Kuya Bry!! Anong ginagawa mo dito?" Masiglang tanong ko dito sa kanya nang makababa na ako. Grabe ka naman, Diana. Diretsahan talaga ha.
"Oh! Bunso! Mabuti at bumaba kana! Kanina pa ako naghihintay dito eh. Atsaka, kaylan ka ba marunong mag-uwi ng babae? Alam na ba yan ni Mama?" Hindi niya pinansin ang tanong ko at ako naman ang tinanong niya. Hay. Ano ba ang nangyayari sa mga tao? Kapag tinanong mo, tanong din ang binabato nila sayo.
"Hindi ko siya babae, okay? Kaibigan yan ni Ate Mae. Wala siyang matirhan kaya dito niya pinatira yan. Kahapon lang. Atsaka bakit kaba nandito?" Paliwanag ko na para wala ng maraming tanong.
"Ay! Sayang naman. Akala ko kasi gilpren mo. Pero pwede mo naman siyang ligawan diba?" Taas-kilay nitong suhestyon. Kung ikaw kaya ang manligaw dyan. Pero engaged kana Kuya eh, kaya
"May boyfriend na yan." Palusot ko. Kahit hindi ko alam kung meron ba tong boyfriend o wala. Pero sa gandang yan, alam kong may meron talaga.
"Another sayang. Teka, pumunta pala ako ngayon dito para iwanan ang alagang kong BMW. Ikaw na muna ang gumamit habang wala pa ako. At hey! Wag mong sirain ah? Wag mong ibangga kahit saan dahil lagot ka talaga sa akin pagbalik ko."
"San ka ba pupunta, Kuya?"
"Mangingibang bansa muna ako. At meron pa akong sasabihin sayo"
"Ano naman yun?" Tanong ko at umupo na sa tabi ni Franki na kanina pa nakikinig sa usapan namin.
"My friend, Gino, needs an architect para sa kaniyang pinapatayong building. At syempre inendorse kaagad kita doon. He said yes immediately kase nga kaibigan ko siya, at kilala ka na rin niya. Alam mo na rin kung saan ang location ng upcoming building niya, kaya puntahan mo na siya agad bukas para ma discuss niya agad sayo, at para makagawa ka na rin ng blueprint." Sabi nito. Hay sa wakas ay may trabaho na ako. Da best ka talagang Kuya. "At mag grocery na din kayo ngayon dahil pagbukas ko kanina ng ref, grabe walang laman maliban sa kamatis at patatas." Reklamong dagdag pa nito.
__________________________________
Kanina pa ako naghihintay dito sa sala, siguro mag-iisang oras na. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring bumababang Franki! Siguro nilamon na talaga siya ng guest room. Hay, si kuya kase! Bakit niya pa pinasasama sa akin si Franki, eh maggogrocery lang naman? Edi sana nakauwi na ako!? Kaya ko namang mag grocery ng mag-isa eh. Pero malalagot naman ako kay Kuya kapag di ko naisama kase wala daw itong kasama dito sa bahay. Kaya ayun, sumang-ayon nalang ako tutal sa kaniya naman nanggaling ang ipangbili namin.
Aakyatin ko sana siya sa kwarto niya ng makita ko na itong bumaba na ng hagdan. Napanganga naman ako dahil hindi ko alam kung maggogrocery ba ang datingan niya o mag-aattend ng prom. O magpa fashion show. Eh kase, nakasuot siya ng isang puting dress. Kahit plain lang ito ay lumilitaw pa rin ang kagandahan niya. I mean, ang ka engrandehan ng suot niya. At.
At nakashade pa?
At.
Ayoko na. Ayoko na magdescribe ng suot niya papuntang mall para mag grocery. Dahil hiyang-hiya na ang suot kong t-shirt at short sa porma niya. Seriously, sasama lang siya sa akin bumili eh. Tapos kinabog pa ako sa pormahan.
"Hey!" Pukaw nito sa akin.
"Let's go" Dagdag niya pa habang hinihila na ako palabas ng bahay. Seryoso!? Ganyan talaga suot niya? Magji-jeep lang tayo, oy!