BUMALING ako kay King Ezekiel nang mapansin ko ang pawis niya sa kanyang noo pagkatapos ng dance practice. Nakaalis na din kami sa dance studio ni Anton. At ngayon ay nakasakay na kami sa kotse niya pauwi. Mukhang napagod si King Ezekiel dahil ilang beses kaming paulit-ulit na nag-practice na dalawa nang dahil sa akin. Hindi ko kasi makuha-kuha ang step na tinuturo sa akin. Lagi akong nagkakamali sa ginagawa ko at hindi sumusunod ang katawan ko sa galaw. Mukhang noong nagpasabog si God ng galing sa pagsasayaw ay tulog ako, nakakumot pa kaya wala akong nasalo. Pero gayunman ay naging matiyaga siya sa akin. Hindi ko nga siya nakitaan ng pagkainis kahit na hindi ko makuha ang mga dance step na tinuturo ni Anton sa amin. Ini-encourage pa nga niya ako of course, hindi nawawala ang word of wisd

