MABIGAT ang pakiramdam ko na pumasok ako sa loob ng kwarto ko. At habang naglalakd ako palapit sa kama ko ay nasapo ko ang sentido ko dahil naramdaman ko ang bahagyang kirot niyon. Kanina habang kumakain ako ay naramdaman ko ang sama ng pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin yata ako. Gano'n na ganoon kasi ang nararamdaman ko kapag magkakasakit ako. Nang makalapit ako sa kama ko ay agad akong sumampa do'n at saka ako humiga sa kama. Itutulog ko na lang mo na, baka kasi kapag itinulog ko ay maalis na ang nararamdaman kung sakit. Pinikit ko ang mga mata at sa pagpikit ko ay hindi ko napigilan na maala sina Mama. Kapag kasi may sakit ako ay inaalagaan ako ni Mama. Kahit pa nga busy siya sa trabaho ay talagang pinaglalaanan niya ako ng oras para alaagan. Hindi nga siya aalis hanggang sa hindi

