Sarado Namumungay ang mga mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Pagod na pagod ang buo kong katawan. Iyong dalawang mga mata ko ay nalalaglag pero sinisikap kong labanan ang antok. Nagtimpla narin ako ng kape para sa akin. "Toshi... baby. Nandito na ang milk mo." Naghikab ako habang naglalakad papunta doon sa crib niya at shinishake iyong isinalin kong gatas sa babyron niya. "Charinelle! Jusko namang bata ka!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni mama. Na kahit si Toshi ay ngumawa narin. "Mama naman! Ayan tuloy, umiiyak na naman siya." Halos maiyak narin ako nang malamang umiiyak na naman ang anak ko. Ramdam ko pa ang mabigat na eyebugs sa mga mata ko dahil sa kakaiyak niya kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos. Hihiga palang ako ay ngangawa na naman siya kaya kai

