Toshi Delafuente Katulad ng ipinangako ko sa sarili kong babawi ako sa mga magulang ko ay iyon na nga ang ginagawa ko araw araw. Pagkatapos kumain ay naghuhugas agad ako at naglilinis ng bahay. Iyon ang exercise ko araw araw. Noong maglalaba sana ako ay pinigilan ako ni mama, siya nalang daw sa mga labahin. Sapat na daw iyong ako ang naglilinis. Naiyak pa nga ako nun habang tumatango ako. Iyon kasi ang kauna-unahang beses na kinausap niya ako. Tuwing kakain kami ay may barbeque na talaga at hindi na ako pinipilit ni mama na kumain ng gulay. Pero pinagsasabihan niya akong wag daw puro karne. Dapat daw ay kumakain ako ng masustansyang pagkain lalo na't buntis na naman ako. Natutuwa ako dahil unti unti nang bumabalik ang pakikitungo ni mama sa akin. Na sinesermonan niya na ulit ak

