Desisyon Ilang sigundo akong nakatitig sa hawak ni mama. Sa isang iglap ay binalot ako ng takot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam ko na nagbibiro lang siya na malalatigo niya ako kapag nalaman niyang buntis ako pero nakakatakot parin ang malamang galit na galit siya. Natatakot ako sa maaaring magawa niya sa akin. "Ano?! Hindi ka sasagot?! Ano yan ha! Sayo ba yan?!" Napapitlag ako nang itinapon niya iyon sa mukha ko. Hindi naman iyon masakit pero nakakagulat parin dahil sa inaasta niya. "M-Ma... K-Kasi..." Nanghapdi na ang magkabila kong mga mata. Parang naputol ang dila ko at hindi ako makapagsalita nang maayos. "Ano?!" Nanlilisik ang mga mata niya at tumataas baba ang balikat niya na halatang hindi na makontrol ang emosyon niyang sumasabog. Nagsimula na a

