Shanine "Charinelle! Aba't sumusobra kanang bata ka! Nagiging batugan kana katulad ng aso mo! Iyong inutos ko sayong mga pinggan na hugasan mo hanggang ngayon nandoon parin sa lababo tumigas na ang mga kanin! Kung hindi ko hinugusan baka hanggang ngayon ay nakatambak parin iyon doon!" Napahikab ako dahil sa pag-aalburoto na naman ni mama. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dito sa malaki naming upuan habang nanonood ako ng tv. Nakakaantok rin naman kasi iyong palabas. "Pumunta kana dito sa kusina! Kumain kana!" Nakamot ko ang ulo ko saka matamlay na tumayo ar nagtungo doon. Wala naman sana akong ginawa ngayong araw na ito pero parang ubos na ubos ang lakas ko. Nakakapagtaka na talaga. May kakaibang nangyayari sa katawan ko at hindi ko alam kung bakit. Baka naman ay

